Balik sa Auditing Depression.

170 6 0
                                    

Marami ng nangyari from the day I discovered that I was bound to fail to this present day.

I WANT TO SHARE THIS EXPERIENCE BECAUSE BY SO FAR, THIS IS THE BEST THING THAT HAPPENED TO ME. AND IT COULD ALSO HAPPEN TO YOU  . 

After ng sabado at nalaman kong babagsak na ako kung hindi ko mabawi yung 3.00, nagpagupit agad ako ng buhok kay mama. My tummy-length hair is now up above by shoulder. Bob cut in short. Na stress yung buhok ko kaya ako nagpagupit haha.  Sabi ko sa sarili ko, part na ito ng pagbabago. Simula next week focus na ulit ako sa pagbawi. Kailangan kong maghanap ng oras para makapag aral ng Auditing.

Kailangan na kailangan ko talagang bumawi. Im ready to fire the cannons and seize everything that comes along the way. Medyo mabigat ang mga deadlines at mga dapat kong tapusin para makahanap ng oras.

Unang una sa lahat, may ANNUAL UNIVERSITY RESEARCH FORUM kaming sasalihan. Required kaming sumali sa contest na iyon under non science category. Yung FS namin yung sinali namin doon but unfortunately talo kami. (Magsusulat ako ng chapter for this experience)

Pangalawa, meron akong report sa financial management na worth ng 50% of CP.

Pangatlo, may case study defense kami. Ang malupit pa ay video presentation kaya puyatan kami sa pagdudub at todo aral kami para sa mga depensa namin.

Pang-apat, may quiz sa Tax.

So, bago pa ako mag Auditing ng Saturday naubos na ang oras ko sa apat na iyan.

Anong ginawa ko?
Tinapos ko lahat ng case at reports ko ng gabi ng lunes at martes. Preparations ko sa mga iyan ay natapos sa dalawang araw.  I made a miracle at last. Nakahanap ako ng oras para sa Auditing. From wednesday to friday.

Nakapagreport ako ng maayos. I finally excel in public speaking once again after so many times of embarassment. Kahit mali mali ang grammar ko convince pa rin akong tama yung ginagawa ko. Ang aggressive ko nga daw sumagot. But honestly, way ko lang iyon para matanggal ang kaba ko.

Nabawi ko yung impression sa akin ng mga kaklase ko at professors ko na hindi ko kayang sumagot ng matalinong sagot at may binatbat na depensa. Nabawi ko yung pagkapahiya ko noong FS defense competition namin noon.

All is well the whole week. Gabi gabi na akong nag aaral ng Auditing. Nagseset ako ng lamesa sa labas at nag aaral. Inintindi ko talaga ang audit of shareholder's equity. Mismong pinakamaliit na detalye nun ay inaral ko na. 8:00 ng gabi to 1:00 ang schedule ko sa pag-aaral.

Dumating ang sabado at nag quiz na kami. Bago ako kumuha ng exam, Sinabi ko na sa sarili kong imposible pa akong bumagsak dito, nag aral naman ako. At kung sakaling babagsak ako, okay lang  ganun talaga. Ulitin ko na lang ng summer o kahit anong sem basta makuha ko ang three letters  CPA kahit gaano katagal.

Nang nalaman ko ang resulta ng katangi tangi kong pambawi na quiz, nag improve naman. 2.75. At least hindi na ako singko. Hindi ko alam na hindi lang pala shareholder's equity yung sakop ng quiz kaya bokya ako sa ibang topics na hindi ko nareview. Okay na yun sa akin masaya na ako doon dahil iyon ang bunga ng pinaghirapan ko. Kahit na 1.25, 1.5, 1.75 ang nakuha ng mga kaklase ko at ako lang ang 2.75, wala akong PAKIELAM dahil alam ko na nagkopyahan lang sila. Nagkopyahan sila kahit wala silang habol at proud ako sa sarili ko dahil kahit ako na lang ang may hinahabol sa grade ay hindi pa rin ako nangopya. Lumalabas kasi si sir ng room kaya may time sila para magkopyahan. Kahit ang dalawa kong kaibigan ay nagkopyahan na rin.

Inaalok nila ako ng sagot habang nakikita nila akong hirap na hirap sa pagsasagot. Gusto na nila akong tulungan para makapasa ako pero sabi ko,

"Sige lang, sasagutan ko lang ito."

Inilayo na nila ang papel nila at hindi na nila ako kinausap. Nagpatuloy ako sa pagsagot.

Nang matapos ang exam. Ayun, ang ALIEN na naman ng score ko. Haha. Pero kahit ganun, kahit sinabi pa ni sir na hindi na talaga ako papasa dahil mahirap daw ang exam sa Monday, okay lang sa akin. As in nakangiti pa rin ako kahit na bagsak na ako sa subject. Haha that was the first time na naramdaman kong I am getting what I deserve and Im proud of that. Wala na akong pakielam kung alam ni sir na nagkopyahan sila or hindi. Number one concern ko lang ay pasado pa rin ako sa quiz kahit na babagsak pa rin  ako sa exam.

Sinasabi sa akin ng mga kaibigan at kaklase ko na magtiwala daw ako sa diyos dahil papasa pa rin ako. Pero napagtanto kong hindi nila alam ang sinasabi nila dahil sila talaga ang hindi marunong magtiwala.

Noong oras na nagsasagot ako at naghahabol ng grades habang nagkokopyahan sila, alam ko ng ako ang magiging lowest at babagsak na ako. Sinabi ko na lang sa sarili kong ito yung DESERVE kong grades. Ito yung dapat kong makuha dahil ito ang bunga ng pinaghirapan ko. Normal na maging masaya ako dahil normal lang din na tanggapin ko ito.

Samantalang yung mga kaklase ko na nagsasabing maniwala daw ako sa diyos ay hanggang salita lang.

Naniniwala ba sila sa diyos?

Bakit hindi nila kayang hindi mangopya?

Wala ba silang tiwala sa diyos na okay lang ang kahihinatnan ng resulta ng pinghirapan nila?

  I'm not saying that they will fail when they don't cheat. What I want you to know  is that their faith is not strong enough to accept what they deserve. They believe in God but they dont have a faith in him. I don't believe in God but I have faith in something unknown, something unexplainable, and something I want to keep forever.

Ilang ulit ko ng nararanasang maghabol ng grades pero ngayon ko lang talaga naintindihan ang tunay na halaga ng salitang TIWALA.

Tiwala o faith
Pagtanggap sa ano mang bagay na alam mong dapat ay tinatanggap mo dahil at least alam mong OKAY LANG ang kahihinatnan nito talo ka man o panalo. Ito rin ang salita para maiwasan ang ano mang uri ng kamalian.

Umuwi ako ng masaya that day. Meron akong natutunan na hindi nila alam. Meron akong alam na hindi nila alam. Something they can't see on their quiz results.

Sabi ng tatay ko, kahit anong mangyari, mag-aral lang daw ako. Wag kong isipin kung ano ang grades na makukuha ko. Hindi niya sinabi sa akin na wag mangopya pero sinabi niyang wag daw akong iiyak at kailangan kong maging matatag. I just did what he said. Study, dont worry, dont cry, be strong. JUST FACE IT!

Siguro alam niya kung ano ang dapat kong matutunan. And luckily, sobra sobra pala ang natutunan at nakita ko that day. 

My next plan is to ace that EXAM even if I have no chance to survive it. I don't believe in miracles that our professor will give us adjustment. Instead I create miracles  but if I wasn't able to make it, then perfectly fine. I did what is right, whatever the result is, I'm happy.

☺😊😀😁😃😉 Like these emojis hahaha :D

Fight!

Rules Of Accountancy StudentsWhere stories live. Discover now