"Ano ba? Parang bata." Naiiritang angil niya. Ako naman ang hindi pumansin sa kaniya at walang pag-aalinlangang humiga sa hita niya.

"Kaya pinili ni Xy ang Wisconsin kaysa sa'yo eh." Sininghalan ko siya.

"Mukha mo. Ano nga palang napag-usapan niyo nung binisita ka niya sa ospital?" I felt her fingers on my forehead when she began to massage it. Napapikit tuloy ako.

"Bakit ba nakiki-chismis ka? Nag-sorry lang naman siya."

"Saan? Sa ano-ano?"

"Sa lahat. Iyong gown ko sa Miss UN, umamin siya sa'kin na sinadya niya raw punitin 'yon bago 'yong pageant. Tsaka 'wag ko raw seryosohin 'yong pag-amin mo sa'kin noon, dahil kung nagawa mo nga na magsinungaling noong sumama ka sa bahay nila, magagawa mo raw ulit. Pati, sinabi niya sa'kin na noong sinabi mo raw na gusto mo ako, prank lang daw 'yon, kaya wag akong maniniwala."

Napabangon ako bigla. She didn't tell me any of these!

"Kaya pala binalewala mo 'yong sinabi ko?"

"Oo nga. Tsaka nagpapatulong siya sa'kin para magkabalikan kayo. Kaya may mga pagkakataong lumalayo ako." Tumawa siya.

"At tinulungan mo naman?"

"Syempre bakit hindi? Mabait si Xy." Parang wala lang sa kaniya kaya mas lalong nagsalubong ang kilay ko. I can't believe she's this relaxed while I'm here feeling raged!

"Alyana naman."

"Ano? Tsaka, akala ko talaga, nagkabalikan na kayo at dine-deny mo lang."

"Ilang beses ko sinabi sa'yo 'yon, ah. Hindi ko naman alam na aabutin pala sa gan'on." Depensa ko. Hihiga na sana ako ulit pero tinulak niya ang ulo ko.

"Ginusto mo naman?"

"Kung ginusto ko 'yon, edi dapat kasama ko na siya sa ibang bansa ngayon! Bakit, nagseselos ka ba?"

"Bakit ako magseselos? Edi sundan mo pa siya. Doon ka na tumira. Doon ka na habang-buhay." Sumilay ang mga ngiti sa labi ko dahil sa tono ng pananalita niya.

"Nagseselos ka, eh! Wag gan'on! Handa naman akong layuan lahat ng babae para sa'yo." Marahan niya akong sinampal ng unan para lumayo.

"Goodnight, Sych." Tumatawa siya habang tinalikuran ako.

Sinubukan kong istorbohin dahil ayoko pang matulog, pero hindi niya ako pinansin. Ang daya talaga ng babaeng 'to. Inayos ko muli ang barriers sa kama upang magkaroon ng hati sa pagitan namin, pinatay ko na rin ang ilaw at humiga sa kama nang nakalagay ang braso sa ilalim ng ulo ko.

I smiled while staring at her sleeping. I didn't know everything would be this complicated yet so sweet in the end.

Destiny might have played with us real good, but I'm so glad we won.

Pumikit na ako upang makatulog nang naramdaman kong may humawak sa kamay ko. Dumilat ako at pinagmasdan si Alyana na nakatihaya na. My gazes traced our hands.

"Sych..." Nagulat ako nang magsalita siya, nakapikit pa rin.

"Oh?" Nilingon ko ulit siya. Dahan-dahang iminulat niya ang mga mata at humarap sa'kin.

"I love you..." bulong lamang iyon pero parang nabingi ang buong paligid ko sa sinabi niya.

"I love you, too..." I replied trying not to scream my heart out.

I slept that night with a smile on my face, beside the woman I longed for, not removing the barriers between us.

She was my miracle–and now, I'm the happiest man alive.

Fleeting SkiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon