Chapter 34

124 11 1
                                    

CHAPTER 34

"Spoiled ka siguro, 'no? Ang dami mong gamit sa kwarto mo." Pang-aasar ko habang pinagmamasdan ang kwarto niya kahit nakita ko naman na ito.

"'Yong kwarto mo nga, kumpleto ang gaming set. Sinong mas spoiled sa atin ngayon?" Inirapan niya ako habang nagpapatuyo ng buhok.

Naalala ko bigla 'yong sinabi ng mama niya kaya nilapitan ko kaagad ang pangalawang drawer at walang paalam na binuksan 'yon.

"Hoy, 'wag 'yan!" Agad siyang napatalon mula sa kama nang hilain ko ang hawakan nito. Pero huli na ang lahat dahil nakuha ko na ang isang sketchpad mula sa loob. Nilayo ko ito sa kaniya at buniklat.

"Ano 'to, ha?" Lumapit naman ito at pilit na nakipag-agawan sa'kin.

"Ibabalik mo 'yan, o palalayasin kita dito sa bahay namin? Isa!" Inis na inis na siya pero hindi ko siya pinansin at nagpatuloy.

I flipped through the pages and found sketches... of me? How could she draw all of these without a concrete reference? Wala akong natatandaan na litrato kong mapagkukunan niya!

The dates, they were all old and somewhat years ago. Was this why she busied in arts because she was drawing me?

Naalarma ako nung sumigaw siya kaya agad akong tumakbo sa kabilang gilid ng kama kaya naiwan siya sa kabila. Nagulat ako nang simulan niya akong pagbabatuhin ng unan na pilit ko namang iniwasan isa-isa.

"'Wag kang umilag!" utos niya dahilan para matawa ako. Panay pa rin ang ilag ko kaya tumama ang isa sa mga ito sa aparador niyang nasa likod ko.

Napasigaw ito sa inis kaya tinalikuran na niya ako. Akmang magwawalk-out na ito kaya naman agad kong hinabol at hinila sa braso nito.

"Ito naman. Sorry na, boss!" Ayaw niya akong pansinin kaya naman mula sa likod ng binti niya ay binuhat ko siya papunta sa kama niya.

"Ano ba? Foul!" sigaw niya pero hindi naman siya pumalag nang ihiga ko siya.

I chuckled then let go of the sketchbook which landed on the side of her back. Her head is now resting on my arm while I'm hugging her.

"Kailan mo ako sinimulang i-drawing?" Kalmadong tanong ko. The surroundings suddenly fell silent. Umirap muna siya bago magsalita.

"Nakita kita sa mga panaginip ko kaya naman hindi ka na nawala sa isip ko. Edi ni-drawing kita." Simpleng tugon niya.

"So we did keep seeing each other on our dreams?" Namamanghang sabi ko.

"Yeah. Kasi ako ang dream girl mo." Tumawa ako bago inayos ang higa namin. Tumabi ako sa kaniya at ibinuka ang braso ko. Agad naman itong sumiksik at isinandal ang mukha sa dibdib ko.

Our bodies were so near to each other that we could feel each other's breath at our skins.

"Alam mo, Alyana? Destiny really has its own playful ways. Who would've thought we'd meet like this? At sinong mag-aakala na possible pa lang magmahal ng taong nasa panaginip mo lang?" Hinaplos ko ang buhok niya.

I felt her arms crawled to my waist which made me smile.

Hindi ako makapaniwalang yakap-yakap ko na ang babaeng matagal ko nang pinangarap na mahawakan man lang. It's all so good to be true. Siguro naman, hindi na 'to panaginip, 'di ba?

"Nagiging madrama ka naman." aniya sabay bangon. Pinulot niya 'yong binato niyang mga unan sa'kin at nilagay sa gitna namin.

"Hahatiin natin 'tong kama, ah. Delikado ka katabi eh, naninipa."

"Tanggalin mo 'yan. Ayoko 'yan." Hindi niya ako pinakinggan at nagpatuloy sa paggawa ng harang. I got up in frustration then threw all the pillows to the floor.

Fleeting SkiesWhere stories live. Discover now