Chapter 4

477 32 12
                                    

CHAPTER 4

I thought about a nice plan and decided to discuss it with Alyana. Tutal ay ang alam naman ng mga kaibigan ko ay 'border' ito, naisipan kong panindigan na lang namin ito.

"Sigurado ka bang gagana 'to?" aniya habang inaayos ang sarili.

I thought we'd put up a great show for my family, and we needed to be great actors to fulfill that.

"Basta, galingan mong um-acting." Napatingin ako sa balikat nito dahil nahuhulog yong manggas ng butas-butas na t-shirt na suot niya kaya bahagyang nakikita ang balat nito.

"Okay na 'to?"

"'Yong dito mo." Hinawakan ko ang balikat para ipakita sa kaniya. Agad naman itong tumingin sa balikat niya at hinila ang manga.

Nang maayos na ang lahat ay dahan-dahang pumuslit si Alyana mula sa bintana. Nahirapan pa akong alalayan ito dahil may kataasan ang second floor mula sa baba. Mabuti na lamang ay maingat ang bawat paghakbang nito.

Matapos kong isara ang bintana ay bumaba ako para samahan si mama at KL sa sala. As usual, nasa trabaho ang papa ko kaya kami lang ang natitira dito madalas.

I sat beside KL who was watching TV. My mom was organizing some papers when we heard a knock from the door a few seconds after.

It's showtime.

"Tao po? Tao po! Tulungan niyo ako!" Agad na napalingon ang mag-ina sa pinto kung saan nanggagaling ang boses ni Alyana. Pinigilan ko naman ang sarili ko matawa.

Patuloy pa ito sa pagtawag kaya naman tuluyang tinigil ni mama ang ginagawa. Sumunod naman kami ni KL na bahagya pa itong nagtatago sa likod ko.

Nang buksan ni mama ang pinto ay tumambad ang maruming itsura ni Alyana. Punit-punit ang damit nito, gulo-gulo ang buhok at may ilang grasa pa sa katawan. Syempre, galling ang mga 'yan sa garahe pati na rin sa damitan ko. Mabuti na lang may mga naitabi pa akong luma.

"Iha, anong nangyari sa'yo?" Nag-aalalang tanong ni mama.

"Wala na po akong pamilya. Namatay na po ang mga magulang ko at ngayon, pinapaalis na kami ng mga pulis sa kalsada. Tulungan niyo po ako. Gutom na gutom na po ako dahil wala pa akong kinakain sa loob ng tatlong araw!" Nag-iwas ako ng tingin nang magsimula itong umiyak. Hindi dahil naiiyak ako, kundi pinipigilan ko ang sarili ko na matawa.

"Naku, iha. Pumasok ka muna sa loob. Halika, ipagluluto kita." Nag-aalalang tugon ni mama na 'di alintana ang itsura nito habang inaalalayan ito papasok. Nang madaanan ako nito ay pasimple niya akong kinindatan.

Gan'on nga ang ginawa ni mama matapos itong pagliguin at bigyan ng maayos na damit. I knew her too well to be this kind-hearted that's why I deviced this kind of plan. Medyo nakakakonsensya nga lang pero kaysa naman sabihin ko ang totoo.

Sinamahan naming si Alyana kumain sa kusina. Syempre, andoon din ako para naman supportive kunwari. Nakikinig lang si mama sa 'kwento' nito tungkol sa sinapit niya at si KL naman ay animong naaawa na rin dito.

She's so good at this.

"Ayon po ang nangyari. Kaya makikiusap po sana ako ay kung pwede, dumito muna ako habang naghahanap pa ako ng matitirhan ko? Promise, ako po ang gagawa ng lahat!" aniya.

"Oo naman, iha. Kaysa naman pakalat-kalat ka sa daan sa gabi. Delikado pa naman lalo't andaming mga lasing na nagkalat tuwing ganoong oras." Kunwari ay naiyak pa ito sa tuwa at labis na pinasalamatan ang mama ko.

Fleeting SkiesWhere stories live. Discover now