Chapter 27

152 16 0
                                    

CHAPTER 27

I followed the house address Dr. Mejia gave me since I couldn't contact them via phone.

I stopped infront of yellow house with a brown roof. The front yard was all grassy and filled with different kind so plants, but it seemed like they weren't in great condition.

Nilabas ko muli ang cellphone at tinawagan ang numero, pero katulad noon, hindi rin ito sumagot. It seemed rude to barge in without giving them prior notice but they weren't answering.

"Ano pong sadya nila?" Kakatok pa lang sana ako sa gate nang may magsalita sa likod ko.

Nilingon ko ang babaeng nagmamay-ari ng boses at kasama nito ang asawa nito. May dalang kahon 'yong lalaki at nakakapit naman sa braso nito ang babaeng nagsalita.

'Yong mag-asawa.

"Kayo po ba ang nakatira dito?" Magalang na tanong ko.

"Oo. May kailangan ka ba?"

"Ako po si Sych Sebastian. May gusto lang po sana akong tanungin sainyo, kung hindi po ako nakakaabala." Maagap siyang umiling.

"Nako, hindi. Tara at pag-usapan natin sa loob." Inungusan niya ako upang buksan ang gate. Sumunod naman ako sa loob.

"Ako nga pala si Rene at ito ang asawa ko, si Lando." Inilahad niya ang kamay niya sa'kin habang naglalakad kami papasok. "Pasensya ka na sa hardin namin, iho. Iyong anak kong babae kasi ang madalas na nagtatabas ng damo, eh."

"Ayos lang po 'yon." Nginitian ko sila.

Hula ko ay ka-edad ni mama si Aling Rene at matanda naman ng ilang taon si Mang Lando. Malumanay ang itsura nilang parehas ngunit bakas ang pagod sa ilalim ng mga mata nila.

Bumungad sa'min ang isang simpleng sala pagpasok namin sa loob. Ang gaan ng kulay ng mga furnitures at malinis na malinis ang loob. Marami ding nakadisplay na calligraphy at artworks sa dingding.

"Ang anak ko ang may gawa ng mga 'yan." Pagmamalaki ni Aling Rene.

Napangiti ako lalo sa ganda ng mga ito habang iniisip kung sino ang nasa likod ng mga obrang ito.

"Magluluto na lang muna kami ng meryenda, iho. Ano bang gusto mo?" ani Mang Lando. Matipuno ang pangangatawan nito at malinis ang gupit ng buhok. Mayroon rin itong bigote at matangos na ilong. Mukha siyang strikto pero napaka-kalmado ng boses niya.

"Kahit ano po." Nahihiya akong sumagot.

Bagama't gusto kong tumanggi ay mukhang nakahanda na ito kaya iyon na lamang ang naisagot ko.

"Sige. Sandali lang, ha? Iaayos ko lang ang mga pinamili namin, iho. Pasensya ka na." Tinanguan ko sila nang sabay silang pumasok sa kusina.

Naglibot ako sa sala habang tinitignan ang nga nakasabit sa dingding. Naagaw ng atensyon ko ang isang kwartong nakabukas. Para bang tinawag ako nito kaya pumasok ako sa loob.

Pagpasok ko, bumungad sa'kin ang napaka-kulay na kwarto. May kama dito at katabi naman nito ang isang coffee table na may penguin-designed lamp shade.

Sa tapat naman ng kama, may mahaba-habang lamesa na naglalaman ng maraming art materials. Nagkalat ang mga gamit tulad ng brush, coloring materials at ruler sa espasyo ng lamesa. Katulad ng nasa sala, marami rin ang nakasabit na artworks sa dingding nito.

Lumapit ako dito at pinagmasdan ang ilan sa mga ito. Bumilis ang tibok ng puso ko nang mapagmasdan ang handwriting sa ibaba ng isang self-portrait.

I really have a great feeling about this.

"Ang galing, 'no?" Halos mapatalon ako nang lingunin si Aling Rene na nasa pintuan na nakasandal.

Fleeting SkiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon