Chapter 32

125 10 17
                                    

CHAPTER 32

Sa paglalim ng gabi, umuwi na ang ilang mga bisita namin dahil wala na silang masasakyan. Naiwan naman kami ni mama kasama ang mag-anak sa sala habang walang tigil ang pasasalamat ni Aling Rene.

"Hindi ko alam kung paanong makakabayad sa ginawa niyong kabutihan sa anak ko, Mrs. Sebastian." Inabot nito ang kamay ni mama at pinisil nang marahan.

"Ellaine na lang! Tsaka, wala 'yon. Kami ang dapat magpasalamat dahil binigyang kulay ni Alyana ang bahay na 'to sa pagdating niya dito."

Hindi na ako masiyadong makapag-focus sa usapan nila dahil pasimple kong pinagmamasdan si Alyana na katabi 'yong Alfonso habang nagbubulungan sila. He hugged Alyana, kissed her on the forehead and called her 'baby' the moment he got here. I don't think ge's gay, though. Hindi kaya naiwan itong boyfriend ni Alyana bago mawala ang memorya nito?

Pinag-aralan ko nang mabuti ang datingan nung Alfonso. I think he's in his late 20s. Mga ilang dangkal lang ang lamang niya mula sa taas ko. He had sleepy eyes and a pointed roman nose. His eyebrows were thick which matched his brown eyes and disheveled hair. His broad shoulders even made the clothes his wearing look expensive.

Wala sa sarili akong tumayo para i-excuse ang sarili ko. Padabog akong pumasok sa kwarto ko kung saan naghihintay 'yong tatlo na nagpaiwan para sa dinner.

"Oh, sino raw 'yon? Jowa ba?" bungad ni Cryd na tinigil ang pagc-cellphone nang pumasok ako.

Naroon si Zach nakaupo sa carpet kasama ang kapatid kung nagkukulay ng kung ano. Doon ko lang rin napansin si Rover na may hawak na pulang krayola. Hindi ko siya pinansin at dumireto sa kapatid ko na agad napatingala nang makita ako.

"KL, do you want to stay in your room muna? Your brother's piss mode is activated, you might hear some words." ani Zach na inunahan pa ako.

"Okay!" Niligpit nito ang mga gamit bago tumayo. "Kuya, don't break anything. Remember we have visitors."

Tumawa pa ang mga kaibigan ko bago ito lumabas ng kwarto. I closed the door and violently sat on my bean bag. They all became attentive and directed their gazes at me.

"Ano? Magmamaktol ka na lang ba diy'an? Spill the tea!"

"What tea? There is no tea!" Masungit kong tugon. Pinaglaruan ko ang mga daliri ko para hindi nila makita 'yong busangot ng mukha ko.

"Alam mo ikaw, ang hina mo sa chismax. Ilang minuto ka nang nakaupo doon kasama si Alyana at 'yong pamilya niya, pero wala ka namang nakalap kahit isa. Bobo."

"They just catched up with each other. They're also staying for dinner, kaya umayos kayo." Pinagmumura nila ako dahil raw sa mga useless information na binahagi ko.

Maya-maya, tinawag na kami sa baba para mag-hapunan. I saw that Alfonso guy pulling a chair for Alyana kaya gad akong lumapit sa bakanteng upuan sa kanan niya at tsaka hinila. Alfonso looked at me before taking the left seat. I saw my friends stifle a laugh.

My mom sat at the head chair while I was on her right. Katabi ki si Rover at Zach at sa tapat ko naman ay si Aling Rene na katabi naman si Mang Lando. Again, the table was filled with laughter as we reminisced Alyana's moments in the house. Naiinis ako dahil hindi ko magawang damhin ang kasayahan dahil panay ang tingin ko kay Alfonso na kung ano-anong pinaglalagay sa plato ni Alyana. Kanina pa siya. Ultimong tubig sa baso ni Alyana, siya naglalagay. Waiter ka, waiter?

"Nako, napaka-sweet naman nitong si Alfonso. May girfriend ka na ba, iho?" Napatingin ako kay mama na tinignan rin ako. I heard Zach's cough which annoyed me even more.

Fleeting SkiesWhere stories live. Discover now