Chapter 17

279 15 17
                                    

CHAPTER 17

Back to normal na ulit matapos ng pageant. PE subject namin ngayon at maglalaro kami ng dodgeball. Kasama ko sina Ruigie sa bleachers habang nagk-kwentuhan sila. Sa kabilang panig naman, nakita ko si Cryd at Alyana na masayang nag-uusap. Kasabay kasi namin ang section nila na gagamit ng gym.

Nung dumating ang instructor namin, tinawag 'yong section namin para unang maglaro. Sa unang round, hinati sa apat na grupo ang buong klase at saka ipinaglaban. Sa pangalawang round naman, 'yong bawat nanalong grupo ang paglalabanin at ang manalo ang siyang makakakuha ng highest grade.

"Goodluck, Sych!" Tinapik ako ni Xy sa balikat na siyang teammate ko.

Nagsimula ang game na puro tawanan at hiyawan lang sa mga kaklase ko. Tawanan lang kung sino ang matamaan o kaya matumba, pero nanatili akong focused at iniwasan ko ang magkamali kaya kami ang nakapasok sa next round. Kadalasan, ako at si Ben lagi ang sumasalo ng bola. 'Yong dalawang bakla at dalawang babae, panay ang iwas pero nabubuhay naman ulit dahil sa mga nasalo namin.

Hindi naman ako competitive kaya ayos lang kung matalo kami. Pero nang makita ko si Cryd na pinupunasan ang noo ni Alyana, parang gusto kong kunin ang bola at batuhin ang mga nasa kabilang section–sila ang uubusin ko.

"'Yon, oh!" sigaw ni Ben nang masalo ko ang bola upang makumpletong muli ang teammates ko. "PE na PE, Sych, ah?"

Batid kong napapansin nila na masiyado akong seryoso sa laro at napapalakas ang bawat tira ko. Pero wala akong ibang maisip kundi ang ilabas lahat ng mga iniisip ko dito sa laro.

Dalawa na lang ang natira sa kabila. Sinubukan nila akong tamaan pero nasalo ko 'ang bola. Kaya naman binato ko ito sa kanila nang buong lakas. Muntik nang hindi makaiwas ang kaklase ko.

"Chill, Sych. This is just a game!" bulalas ni Ben sa tabi ko.

Nasalo ng kabilang panig ang ibinato ni Ben kay naging tatlo na ulit sila. Mukhang hindi na rin nakikipagbiruan ang kaklase kong muntik ko nang matamaan kanina, kaya nang subukan niya akong tamaan ay buong pwersa akong umiwas, kaso kay Xy naman ito tumama. Narinig ko ang sigawan ng mga manunuod dahil sa gulat. Pumito ang facilitator kaya natigil ang laro.

"Xy, sorry!" Paumahin nung nakatama.

Nakahawak si Xy sa tiyan niya. Hindi maitago ang sakit sa mukha niya dahil rinig sa buong gymnasium kung gaano kalakas tumama 'yong bola.

"Sych, bring her to the clinic so she can get checked." anang facilitator.

Hindi na ako nagdalawang isip at pinasan si Xy sa likod ko. This might create another issue, but I didn't care anymore since she's in a lot of pain. The important thing was to get her treated immediately.

Kumapit siya sa leeg ko habang hawak-hawak ko ang binti niya. Naramdaman ko ang mainit na hininga niyang bumubuga sa batok ko dahil sa lapit namin. Nang mapadaan ako sa side nila Alyana, nakatitig lamang siya sa'min ngunit nang magtama ang mata namin ay umiwas siya. Why have we become so awkward all of the sudden?

Nahagip ko rin ang mga mata ni Cryd na nakatitig sa'min, mukhang nalilito kung bakit ganito na lang bigla ang atmosphere sa'ming dalawa. Ibinalik ko ang tingin sa dinadaanan at mabilis na nakarating sa clinic. Buong araw ko lang ito binantayan habang namamalagi pa rin sa isip ko kung anong klaseng tingin ang ipinukol ni Alyana sa'kin kanina.

After that day, Xy got well and we were back to our usual study days. Kasama ko ito sa library at inuubos namin ang oras sa pag-aaral para sa nalalapit na exams. Pero imbes na mag-focus sa binabasa ko, nakatitig lamang ako kay Alyana at Cryd na masayang nagtatanungan sa 'di kalayuang mesa.

Fleeting SkiesWhere stories live. Discover now