Chapter 8

324 19 2
                                    

CHAPTER 8

Napatingin ako sa teacher's table. 10 minutes past 8AM na, pero wala pa rin si Ms. Uduke. Early bird pa naman 'yon at galit sa mga nahuhuli sa klase. Kaya nga buzzer beater tawag namin sa kaniya kasi kung maaga ka, mas maaga siya.

"Namimiss mo si ma'am Uduke, 'no?" Nginiwian ko si Angelo.

Iginala ko ang paningin ko sa mga kaklase ko na parang may sariling pasugalan habang naglalaro ng uno cards. Nabulabog lamang ito nang bigla na lang pumasok si ma'am na mukhang nagmamadali.

"Sorry class if I am late. May urgent matters lang sa office na kani-kanina lang din diniscuss." Hindi na niya pinansin 'yong mga nahuli niyang naglalaro, bagkus, inilapag niya ang mga dala sa mesa. "So today, you won't be having your classes for the whole morning–"

"Yay!"

"Let me finish." Tumahimik ulit ang lahat. "As I have said, no classes for today, dahil required ang lahat ng Grade 12 students to proceed to the auditorium for election of the Grade 12 Class Organization."

"Ma'am, buong klase po ba? Not just the homeroom officers?"

"Yes. As much as possible, our principal is trying to include all of the Grade 12 students to partake in any of this school year's activities kasi nga graduating na kayo. So, line up and proceed to the auditorium quietly." Sumunod kami sa instructions niya.

Pagkarating namin sa audi, andoon na 'yong ibang mga sections na nakaupo nang maayos. Pumwesto na rin kami sa designated seats namin at hinayaang i-lead kami ng class mayor.

Katabi namin ang mga HUMSS students at sa kanan naman namin ay mga ABM. Kinindatan ako ni Cryd nang magtama ang mga mata namin. Hindi ko siya pinansin at agad na hinanap si Alyana na nasa harapan lang pala niya. Nang makita niya ako, kumaway siya sa'kin gamit ang dalawa niyang kamay kaya tinanguan ko lang siya.

Nag-umpisa na ang elections matapos ang ilang minuto. Hindi na ako nakikinig pero ang alam ko lang ay kung sinong homeroom officer ang naka-assign para sa position, automatic siya na ang magp-present sa section naming para raw makatipid sa oras. We were just called here for the votes.

"So our PIO is none other than, Arlene Conde from ICT strand. Congratulations! Now, we'll move on to the nomination of our adonis. May these class representatives proceed in front to be recognized by the whole batch." Naghiyawan ang mga babae nang isa-isa kaming umakyat sa stage at humilera para magpakilala.

"May the best man win." biro ni Cryd nang tumayo kami sa tabi ng isa't-isa. Binatukan ko naman ito nang mahina sabay nagtawanan kami nang patago para hindi mahuli ng mga org officers.

Tinawag isa-isa ang mga nominees ng bawat section para magpakilala. Nang matapos ako, sumunod naman si Cryd.

"Hey, there. My name is Crydrell Angeles from the proud strand of HUMSS. I am 19 years old and always up for a cup of coffee. Please vote wisely, thank you." Halos mayanig ang auditorium dahil sa tilian matapos nitong magsalita.

Nang matapos ang lahat sa pagpapakilala, nag-proceed na sa votation at talaga namang dumadagsa ang mga kamay para kay Cryd, kahit mga taga-ibang section.

"Wow! That's a massive amount." Nilagay nung secretary sa mini-board 'yong tally ng mga boto ni Cryd.

"Now, who are in favor for Sych Sebastian from the STEM strand?" Nagtaas ng kamay ang mga kaklase ko.

I already expected that my classmates would vote for me, but what I didn't expect was that one person's hand who stood out among the other hands raised–Alyana's.

"Favoritism." reklamo ni Cryd habang nakanguso.

She was getting weird looks from her classmates since all of them voted for their representative, which is Cryd. But there she was raising her hand for me. Hindi pa ako kailanman nagkaroon ng pakialam sa paningin ng iba sa'kin pero nang dahil sa ginawa niyang 'yon, I felt kind of special.

Pakiramdam ko namula ako kaya sinubukan kong 'wag siyang tignan.

Kiss on the foreahead.

Naalala ko naman. Kainis talaga.

Nagmadali akong bumaba at bumalik sa pwesto ko nang ideklara si Cryd na panalo. Nakita ko si Alyana na nakangiti habang inaabangan ang pag-upo ko. She signaled me a thumbs-up, and I just smiled awkwardly.

Calm down, Sych.

"Last but not the least, let us move on to the presentation of the nominated class muses of each strand. Please come forward to be recognized." Isa-isang umakyat ang mga babaeng representative sa stage.

Si Alyana lang naman ang kilala ko at may pakialam ako, but what surprised me was the face of someone familiar. Tinapik ako ni Cryd na katulad ko ay hindi rin makapaniwala sa nakita. Tinignan naman ako nito nang magsimula na itong magsalita sa harap.

"Hello everyone. I'm Xyzereanne Banez. Xy for short. Everyone here is beautiful and deserving! Please vote wisely. Thank you!" Nag-flying kiss pa siya dahilan para humiyaw ang ilang mga lalaki.

So she's back.

Hindi ko na tuloy narinig pa ang introduction ni Alyana dahil sa naisip ko. Natauhan lang ako nang magsalita ang elected President na mag-proceed na raw para sa votation.

"Who are in favor of Xyzereanne Banez?" Nagtaas ng kamay ang kalahati ng mga tao sa audi. Nilingon ako ni Cryd na may makahulugang titig sa mga mata niya.

"How about for Alyana Sebastian?" Saka lang ako nagtaas ng kamay ko. Muli na naman akong nilingon ni Cryd.

"Ano na naman?"

"I have stiff neck, I guess?" Hindi ko siya pinansin. Alam kong ic-chismis na naman niya doon sa dalawa ang tungkol dito.

As expected, nanalo si Xyzereanne. Pero hindi na rin masama para kay Alyana dahil bilang transferee, nakakuha siya ng boto na malapit-lapit sa bilang ng nanalo. 'Imagine having a power like that' naalala kong sinabi ni Cryd minsan.

Sa huling pagkakataon, pinaakyat lahat ng mga elected officers sa harap para sa oath-taking nila. Napako ang tingin ko sa kaniya na kasalukuyang kausap ni Cryd dahil magkatabi sila.

Pagkababa ng stage ng newly elected officers, nagkaayaan na kaming maglunch. Kaya naman nang makahanap kami ng mauupuan, ibinaba namin ni Cryd ang mga bag namin at tumayo para um-order.

"Ba't dalawa kayo? Sama ako!" tanong ni Alyana.

"Magbantay ka ng gamit." tugon ko bago namin siya tinalikuran at naglakad papunta sa counter. Naiwan si Alyana doon na nakanguso.

"She was asking why you didn't raise your hand for her." Panimula ni Cryd habang kumukuha kami ng mga kutsara at tinidor. "Kaya niya ako kinausap kanina."

Nagsalubong ang mga kilay ko. "Pati ba naman 'yon?"

Sumandal ako sa counter habang hinihintay ang order namin. Si Cryd naman ay kumukuha na ng ilang mga tissue at condiments.

"Like you don't know her, Sych. She always wanted your attention." saad nito.

"She wants everyone's attention." Paglilinaw ko.

"But she loves yours the most."

"I have nothing to give." Diretso kong tugon habang inaabot ang mga tray na naglalaman ng mga pagkain namin.

"You sure?" Sininghalan ko siya bilang pagsang-ayon. Kinuha ko ang mga tray saka siya tinalikuran at naglakad pabalik sa lamesa namin.

I felt a bit taken aback when I first saw her again for the first time after a year of not talking and communicating with each other. Matapos ng huli naming pag-uusap sa telepono, hindi na ako nakarinig mula dito.

I thought she was doing well with all her decisions in life, but now she's back here.

I just hope her question meant nothing a while ago, but it does, I'm sure about what I said to Cryd... because I'm not the same blind man who would break his principles for the woman who can't do the same.

I have moved on.

Fleeting SkiesWhere stories live. Discover now