Chapter 22

289 14 2
                                    

CHAPTER 22

Wala akong Alyana na naabutan sa canteen pagkarating ko. There are still 20 minutes before my game starts but I'm already losing my head. I'm not usually this frantic but ever since what happened on the gasoline station, I worry a lot whenever I'm not with her.

Natauhan lang ako nang mag-text si Xy na nasa clinic raw sila. Kaya naman hindi na ako nagdalawang-isip pumunta doon. My chest was pounding really loud because of the thought that something bad might have happened to her.

Naabutan ko siyang natutulog sa kama. Nasa gilid nito si Marco na binabantayan siya. Halos mapatalon ito nang kwelyuhan ko siya.

"Woah, calm down. Jowa ka ba?" Pilit nitong inaalis ang hawak ko pero hindi ako nagpaawat at lalo itong hinigpitan.

"Cut it, Marco. He's Aly's best friend." Xy intervened.

"Kahit na. Wala naman akong ginawang masama." Marahas nitong hinawi ang kamay ko ksaka inayos ang damit nang makabitaw ako. "Mag-oorder pa lang sana kami ng kakainin kaso biglang nahilo si Alyana. Dinala ko siya sa clinic kasi nahimatay siya. 'Yon lang."

Imbes na kumalma, lalo lamang tumindi ang kabang nararamdaman ko sa dibdib ko. Iniwan muna kami nung dalawa sa loob ng clinic. Umupo ako sa tabi ni Alyana at ilang minuto lamang ang lumipas nang imulat nito ang mga mata.

"Hey. Don't force yourself." Hinawakan ko ang mga balikat niya upang pigilan siya sa pagbangon pero patuloy ito sa pag-angat na parang walang narinig kaya inalalayan ko na lang umupo.

"May game ka 'di ba? Punta ka na doon, baka malate ka!" Napasimangot ako dahil ito agad ang unang sinabi nito pagkatapos ng nangyari sa kaniya. "Okay naman na ako. Kanina lang talaga nung napadaan ako sa office, bigla akong nahilo. Siguro dahil sa init?"

"Iyon lang ba talaga? Baka naman masiyado mo nang pinapagod ang sarili mo." I suggested, but that was impossible since I am always with her, monitoring her every move.

"Bago ako mahimatay, may nakita akong dalawang matanda sa isip ko, pero ang labo ng mukha nila. Tapos wala na, nag-dilim na ang lahat."

"Sobrang pagod mo na yata kaya kung ano-ano na talagang nakikita mo. Mabuti pa, umuwi ka na agad kapag natapos ang laro para mas makapagpahinga ka nang maayos."

"Oo. Pero 'di ba nga, may game ka?" Napatingin ako sa orasan sa dingding nang maalala ito. Halos tatlong minuto na lang bago ang calltime.

Iniwanan ko muna si Alyana sa clinic upang makapagpahinga dahil sinigurado naman nitong maayos na ang kalagayan niya. Gusto pa sana nitong manuod, pero syempre, hindi ko siya pinayagan. Bagkus, tumulak ako sa court mag-isa.

I won the singles match and Marco shook my hand afterwards. Kahit pa nalaman ko na wala naman itong ginawa kay Alyana, hindi pa rin ako nagpakita ng kalambutan dito dahil naalala ko pa ang ginawa nito kahapon.

Kinahapunan, ginanap ang awarding. Most of the teams from our school got a gold medal which made our principal very happy. Nanalo rin ang team nila Cryd, ngunit hindi nga lang namin ito nakausap pagkatapos dahil nagkaroon sila ng victory party. Samantalang missing in action naman si Xy mula pa nung galing kami sa clinic kanina.

"Uuwi ba tayo agad after ng reception?" tanong ni Alyana habang inaayos ang gamit niya bago kami umalis ng clinic. Hindi na kami sumama sa victory party pagkatapos dahil gusto ko sanang umuwi na kasama siya para makapagpahinga na.

"May booked rooms daw, eh. Pero depende kung uuwi na sila Zach, makisabay na lang tayo." Sinabit ko ang bag ko saka kami nagsimulang maglakad. "Gusto mo pa bang mag-stay?"

"Birthday rin kasi ni Xy kinabukasan ng kasal, eh. Nakakahiya naman kung hindi natin siya sasamahang mag-celebrate." Naitagilid ko ang ulo ko. I forgot about that.

Kaya naman kinabukasan, pinasadya naming bumili ng regalo sa mall dahil sa pagpupumilit ni Alyana na masama raw akong kaibigan dahil sa nakalimutan ko. I bought a perfume while she bought a stuffed animal which we wrapped in matching paperbags.

"So, now what?" tanong ko paglabas namin ng mall dahil ang dami pa naming oras at ang ganda ng panahon. "Ayoko pang umuwi, eh. Want to do something fun?"

"Ano?" Excited siyang napalingon sa'kin.

Hindi ko siya sinagot at pumara ng taxi. Kinukulit ako nito buong biyahe kung saan kami pupunta pero hindi ko talaga sinabi hangga't hindi kami nakararating sa destinasyon namin.

"Rides? Hindi nga?" Hindi na maitago ang tuwa sa nito nang makababa kami sa entrance ng Enchanted Kingdom.

Inaya niya agad ako sa vikings sumakay. I bit my lips to stop myself from smiling when I realized she was holding my hand tight, dragging me towards the ride she wants. She was so excited.

"Kaya mo ba 'yan?" Pang-aasar ko habang pinagmamasdan namin ang mga sigaw at reaksyon ng mga taong nakasakay.

"Sus! Para 'yan lang!" Pagmamayabang niya at inunahan pa ako sa pila.

Nang bumaba na ang mga nakasakay, isa-isa naman kaming pinapasok. Sabi ko sa bandang dulo kami sumakay dahil doon masaya. Napangisi ako dahil wala itong kaalam-alam.

Sa umpisa, nakataas pa ang mga kamay niya dahil mahina pag-uga. Pero habang pabilis nang pabilis, nagsimula na siyang sumigaw sa takot at halos punitin na ang damit ko sa kakakapit.

"Tama na! Nasusuka na ako! Ibaba niyo na ako!" sigaw nito at ng ilang mga nakasakay.

Tawa ako nang tawa dahil siya 'yong pinakamaingay doon kahit pa andami na nilang gustong bumaba. Kinagat niya 'yong braso ko sa inis kaya lalo akong natawa.

Nang makababa kami, pinagsusuntok niya ako dahil sabi ng operator, dapat daw sa gitna sumasakay ang mga first-timer para hindi masiyadong nakakatakot. Kaya naman bilang pampalubag ng kalooban niya, hinatak ko siya sa bump cars.

Gusto niya raw akong gantihan dahil sa ginawa ko at totoo ngang hindi siya nagpatalo dahil ako ang puntirya niya. Sumasakit lalo 'yong tiyan ko sa katatawa habang pinagmamasdan siyang patuloy akong hinahabol at binubunggo kahit pa lumalayo na ako sa kaniya. Kayang-kaya ko naman siyang bungguin pabalik pero hinayaan ko siya sa kung saan siya masaya.

"Ito'ng sa'yo!" Bubungguin na sana niya ako ulit nang bigla na lang may lalaking bumunggo sa kaniya.

Dali-dali kong inikot ang steering wheel at binunggo ang lalaking 'yon. Nginisian niya lang ako.

Akala ko, doon na matatapos pero sa tuwing lalayo si Alyana, hinahabol siya nung gunggong na 'yon para bungguin. Kaya naman nang makahanap ng tiyempo ay binunggo ko ito nang pagkalakas-lakas na halos umalog ang ulo niya. Sakto namang tumunog ang whistle, meaning tapos na ang oras namin.

"Ang init ng ulo mo, ah. Porket natalo kita." Manhid.

Sumakay pa kami ng ibang rides. Mostly mga pambata dahil iyon ang gusto ni Alyana. Huli naming sinakyan 'yong carousel dahil pagod na kami parehas. Sumandal ako sa carriage na inuupuan ko para maiunat ang likod ko. Pinagmasdan ko ang nakapikit nitong mukha habang nakahilig ang ulo sa kabayo.

"Thank you." bulong niya bago ngumiti.

God knows how my heart started to beat like crazy because of that small gesture.

"Don't smile like that." Mahinang turan ko habang pinipilit na mag-iwas ng tingin. "You know that I like you, right?"

Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob para sabihin 'yon kahit na lumipas ang mga araw na hindi namin ginagalaw ang usaping 'yon.

All I could ever think of was the perfect place, the perfect ambiance, and the perfect person I could share this perfect moment with. Whether she rejects me or ignores me, I no longer care.

Ang alam ko lang, hindi na ako takot. Hindi na ako takot pa sa nararamdaman ko at hindi na ako itakot ipakita sa kaniya ito. I'll continue liking her no matter what.

Akala ko hindi na ito sasagot pero bigla akong napalingon nang magsalita ito.

"I know." Then she smiled with those perfect pair of eyes gleaming at me.

My heart stopped for a moment, wanting to jump in elation because of that small appreciation of what I felt for her.

Fleeting SkiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon