Chapter 24

173 13 5
                                    

CHAPTER 24

"Saan kayo galing?" bungad ni Cryd pagkarating namin sa hotel room.

"Secret." Nagkindatan kami ni Alyana bago ako umagsak sa kama. Umupo naman ito sa sopa at binuksan ang TV.

Si Cryd naman patuloy na nangulit at mukhang sasabog na sa inis dahil sa pagmamatigas ko. Lumipat ito kay Alyana para mangulit, pero katulad ko ay nanatili ring tikom ang bibig nito.

"Alam niyo, ang hayop niyong dalawa kung saan man kayo nagpunta. Nagsalitan tuloy kami ng pagsasayaw kay Xy. Kadamutan niyo." reklamo ni Zach saka pinagbabato ako ng unan.

"Madamot talaga 'yan." ani Rover na tinignan ako nang may kahulugan. Patuloy pa si Cryd sa pangungulit hanggang sa umiling si Alyana at tuluyang tumayo.

"Ligo lang ako!" aniya sabay sabit ng tuwalya sa balikat mula sa maleta niya at pumasok ng banyo.

Ayaw naman naming maiwan siya sa iisang kwarto mag-isa niya kaya nag-request na lang kami ng kwarto na may dalawang kama. Mababait naman ang mga 'to kaya panatag ako sa iisang kwarto na mayroon kaming lahat.

Sa sobrang kulit ni Cryd, wala na akong nagawa kundi ang sabihin kung saan kami eksaktong nagpunta kanina ni Alyana. Sa sama ng loob, inaya nito si Zach na pumunta sila doon ngayon bago lumubog ang araw. Parang mga bata.

Habang naliligo si Alyana, lumabas muna ako sa may veranda at pinagmasdan ang mga city lights habang inaalala ang mga nangyari kanina.

Totoo pala talaga 'yong kasabihan na wala 'yan sa lugar, kundi sa kasama mo.

"Hey." Nilingon ko si Rover na nakasandal sa may sliding door habang nakapamulsa. "Looks like someone's being bold, huh?"

"Shut up, Rover." Hindi ko mapigilan ang mapangiti.

Pakiramdam ko, sasabog na ako sa sobrang tuwa dahil sa mga nangyayari.

She acknowledges the way I am feeling about her. I don't even know if that's a good thing but I know for sure that it's so much better than pretending we never talked about it.

Lumapit si Rover sa tabi ko at nagsindi ng sigarilyo. Hinayaan ko siyang magbuga ng usok doon habang namumutawi ang hindi nakakailang na katahimikan sa pagitan namin.

It was just like the wind was communicating for us in that brief moment.

"I'm not trying to sound like the bad guy here, pero paano na si Cryd?" Humugot ako ng malalim na hininga bago nagkibit-balikat.

"Sa totoo lang, hindi ko alam. Right now, I'm just really following my heart without any concrete plans on what's bound to happen."

"You're buddies. I'm sure one would be happy when one already is." He puffed his cigarette once more before leaving me.

I knew he meant that in a positive way, but I felt more guilty about what I was doing.

The thought about being a bad friend stayed with me the whole night.

Kinabukasan, tanghali na kami nagising. We spent the whole afternoon in the resort's bowling alley which really made me forget the time because of Zach's awful skills and Alyana's continuous shouting whenever her ball hit the gutter.

Nakabawi na rin naman kami kina Cryd at Zach sa pagmumukmok nila kahapon. We all had a great time and it was a wonderful escape from our stressful acads.

Bandang mga 5pm, bumalik na kami sa hotel room para makapagpahinga ng konti. Pagpatak ng 6:30 PM, nagbihis na kami para sa birthday party ni Xy na magaganap sa pool area ng hotel.

Fleeting SkiesWhere stories live. Discover now