Chapter 20

204 13 0
                                    

CHAPTER 20

Ignorance was her response after my confession. It's as if she never heard anything or that day never even happened when we got back home.

Hindi kaya hindi niya sineryoso 'yong sinabi ko? How could she treat her admirers as if they were her mere friends and get away with it? Most importantly, why would she apologize?

I wanted to hate her for being this cruel and insensitive about what I felt. But I was more afraid of losing her if I forced my way in–even if she was never mine to begin with.

"Nga pala, my sister's getting married. You all should come!" anunsyo ni Xy isang tanghali na nagsabay-sabay kaming kumain. I gave her a meaningful look.

Mukhang naintindihan naman ni Cryd 'yon kaya inaya niya si Alyana na samahan siya sa room dahil may nakalimutan daw ito. Kaya naman naiwan kaming dalawa sa lamesa.

"Xy, as much as I want to come for ate Xyla, I can't if you're still lying to them about us."

"Last na 'to, promise! I just don't want to ruin the event. After naman non, sasabihin ko na, eh. Just until the wedding, please?"

Of course, I couldn't say no. Kaya naman puspusan ang pasasalamat nito nang iabot sa'kin ang invitation.

On the same week, we became very busy. Doble na ang pagsasanay nila Cryd para sa interschool competition, gano'on din kami ni Alyana. She greatly improved in tennis while I'm still stuck here wondering how she's able to set aside what happened to us at the mall.

"Okay, ma. Kami na bahala." Binaba ko ang telepono at tinawag si Alyana.

KL needs her check-up done today because of a sprained ankle. My mom asked us both to take care of her since she's busy. Kaya naman nagpaalam kami kay coach para puntahan ang kapatid ko.

Tahimik ang buong biyahe nang makarating kami sa ospital. I wanted to open up about that day, but I figured the timing would be wrong. Sa ngayon, ayoko na lang munang isipin.

Pagbaba namin sa ospital, naroon na si KL na ipinagmalaki ang independency ng pag-commute niya mag-isa.

"Dapat pumasok ka na rin sa loob para nagpa-check up nang mag-isa." I teased.

"Umayos ka nga." suway ni Alyana.

See? She's scolding me as if I never confessed to her! At least, she's not avoiding me, right?

"Ate, I'm old enough naman po. Don't worry!" Kumapit ito sa braso ni Alyana at sabay na silang pumasok sa loob.

Si Alyana ang sumama dito sa opisina ng doktor. Nanahimik akong naghihintay sa labas nang mamataan si Rover sa 'di kalayuang hallway.

"Oy, bobo. Ginagawa mo dito?" Lumapit ito sa kinauupuan ko at tinapik ang balikat ko.

"Oy, mas bobo ka. Nagpapa-check up si KL." Umupo ito sa tabi ko. "Ano mayroon? May kailangan si tita 'no?"

Doktor ang mama nito dito kaya naman hindi na ako magtataka kung bakit nandito siya minsan.

"Oo. Nagpapa-repaint ng opisina niya." Luminga-linga ito sa paligid. "Kasama mo si Alyana?"

"Kasama ni KL."

"Edi kasama mo nga."

"May sinabi ba akong hindi? Bobo." Sininghalan ako nito bago umayos ng upo.

"Kumusta na raw sila ni Cryd?" Nagkibit-balikat ako.

"Wala namang sila, ah."

"Ba't ang torpe niyo parehas? Ang hihina niyo."

"Umamin na ako." Bigla akong nilingon nito na animong di makapaniwala. "Kaso, mapanakit. Nag-sorry lang tapos tinakbuhan ako. Hanggang ngayon, 'di pa rin namin napag-uusapan ulit 'yon.

"Gan'on? Weird." tugon ni Cryd.

Hindi na ako nakasagot pa nang makarinig kami ng kumosyon sa 'di kalayuan. Napalingon kami parehas sa doktor na may kausap na mag-asawa.

"Misis, sinabi naman na po namin sainyo 'di ba? Matagal nang discharged ang pasyente na tinutukoy niyo." paliwanag ng doktor sa isang mahinahon na tono.

"Pero walang consent namin. Hindi siya umuwi sa'min, doc! Sigurado ba kayo na wala siyang kasama nung oras na 'yon?" Hinawakan ang babae ng asawa niya sa braso habang pilit itong pinakakalma.

"Maayos po siyang pumirma ng discharge slip, misis. Wala na pong kinalaman ang ospital sa oras na nabigyan na siya ng consent na makalabas. Now, if you'll excuse me." Matigas na sabi ng doktor at naglakad palayo sa mag-asawa.

Nakaramdam ako ng awa nang mapasandal ang babae sa dibdib ng lalaki. Mukhang pagod na pagod na ito base sa itsura niya at sa nangingitim na ilalim ng mata nito.

"Alam mo, madalas 'yan sila rito. Na-confine raw kasi 'yong anak nila dito sa mismong ospital na 'to, kaso nag-discharge mag-isa nang hindi alam ng mga magulang. Pero hindi rin raw ito umuwi sa kanila."

"Tumakas?"

"Siguro." Nagkibit-balikat si Rover. "Wala nang naabutan dito 'yong parents sa araw ng discharge kaya nagsimulang magkagulo. Ilang buwan na rin 'yan sila dito na pabalik-balik. Nakakaawa na nga, eh."

Umiiyak ngayon 'yong babae habang akay-akay ng asawa niya. Halos ka-edad lang siya ni mama kaya lalo akong nakaramdam ng awa nang malaman ang istorya nila.

May yakap-yakap itong picture frame ng babae sa dibdib niya. Marahil ito ang anak nila.

I squinted my eyes, trying to figure out if I have seen her before.

She looks really familiar, I just can't remember where I saw her.

Fleeting SkiesWhere stories live. Discover now