Chapter 14

284 17 1
                                    

CHAPTER 14

After Cryd's confession, everything became a blur.

All I know was that the official pageant's in three days and Alyana busied herself in training, which was a good thing since it would be awkward for us three to eat lunch and act like I know nothing.

May faculty meeting ngayong hapon kaya walang klase. Sinamahan ko muna siya sa dry-run nila tutal wala naman akong gagawin. While watching Alyana and Xy, I couldn't help but to think about the possibility that they would compete for the crown.

Natapos ang dry-run ng bandang alas-quatro ng hapon. Sinenyasan ako ni Alyana na kukunin ang bag sa kabilang side ng bleachers. Kaya naman tinanguan ko lamang ito.

"Hey. Wala kayong training?" Nilapitan ako ni Xy habang pinupunasan ang mukha nito.

"Next week na raw, eh."

"Great. Pwede mo ba akong samahan sa mall?"

"Susunduin ko kasi si Alyana–"

"Geez. Stop being so protective about your bestfriend. Balita ko, susunduin raw siya ni Cryd, eh. I don't know, baka may date sila after. Is he courting her already?" Naalala ko ang sinabi nito sa locker room.

I guess he's making his move already.

Hindi ko na nasagot ang tanong ni Xy dahil nakita ko si Alyana papalapit sa pwesto namin. She was wearing a loose crop top and denim shorts, her bag slinging from her shoulder while beads of sweat ran down her face.

"May lakad kayo?" Inosenteng tanong niya.

"Yup!" ani Xy sabay pick-up ng mga gamit niya. "Una na kami, ha? See you tomorrow!"

Hinayaan ko na lang magpatianod kay Xy kahit na hindi naman talaga ako pumayag na sumama. Naiwan tuloy si Alyana doon nang hindi ako nakakapagpaalam nang maayos. May date ba talaga sila ni Cryd?

When we got to the mall, I tried not to think about it, but I couldn't. Sunod lang ako nang sunod kay Xy at patango-tango lang sa mga sinasabi nito.

"Sych, anong magandang shade ng lippie?"

"Yellow." Wala sa sarili kong tugon. Sinimangutan lang ako ni Xy bago kami umalis ng cosmetics shop at tumungo naman sa shoe store.

"Sych, I'll just pay for this. can you hold on to this for a sec?" Inabot niya ang bag sa'kin kaya naman wala na akong choice kundi bitbitin ito. "I'll be back."

Kasama nito ang saleslady na pumunta sa counter dala-dala ang heels na kanina pa nito hinahanap sa store. Para raw yata sa pageant? Hindi ko maalala.

"Ang ganda po ng girlfriend ninyo, sir." anang saleslady sa tabi ko. Pilit lamang akong ngumiti hanggang sa bumalik si Xy at inaya na akong umuwi.

Tinext ko si Cryd kung nasundo na ba niya si Alyana habang palabas kami ng mall. Nakasakay na kami sa sasakyan nila Xy at lahat, pero wala pa rin itong reply.

"I had fun today! Thank you for keeping me company!" aniya nang umandar na ito.

Nagprisinta itong ihatid ako kaya naman hindi na ako tumanggi dahil tinatamad na rin akong mag-commute. Xy kept talking the whole ride, pero ang nasa isip ko ay kung nakauwi na ba si Alyana. Can this vehicle just fly?

"And maybe the best part of pageants is winning, 'no? Sa totoo lang, I hardly have any cabinets to display my trophies. Do you think there are any better wood for cabinets than mahogany to hold my heavy trophies? Baka kasi bumiga-"

"Diy'an na lang po sa may mailbox na 'yan." wika ko sa driver.

Tumigil ang sasakyan sa tapat ng gate namin. Medyo madilim na kaya nakabukas na ang ilaw sa veranda. Bumaba ako sa kotse at nagulat ako nang sumabay si Xy.

"Andiyan sila tita? Can I say 'hi' for a while?" aniya habang nagpu-puff ng face powder sa pisngi.

"Wala pa. Late na umuuwi si mama ngayon, eh." I said immediately. "Anyway, thanks for the ride."

Tinalikuran ko na ito nang hindi man lang hinihintay ang sasabihin niya. Hindi ko na nakita ang reakyson niya mang isara ko ang pinto.

Kasabay ng pag-alis ng sasakyan nila ay siya namang pagparada ng isang pamilyar na sasakyan sa harapan ko. Hindi na ako nagulat nang lumabas si Alyana mula rito.

"Sabado, ah?" ani Cryd na hindi na lumabas ngunit na-bosesan ko naman.

"Oo, Sabado!" Kumaway si Alyana bago isarado ang pinto ng kotser. Humarurot ang sasakyan paalis at nag-iwan ng usok sa paligid.

"Anong Sabado?" Muntik nang mapatalon si Alyana sa gulat nang magsalita ako. "Bakit Sabado? Anong mayroon?"

"Ah. 'Yong term paper namin! Parehas tayo ng teacher do'n, 'di ba?" Pinagbuksan ko siya ng gate at sabay kaming pumasok. "Sino palang partner mo doon? Si Xy?"

"Oo."

"Ah." Tumango-tango siya. "Kumusta pala 'yong lakad ninyo?"

"Ayos lang naman. Kayo ba ni Cryd?"

"Okay lang din." Malumanay na tugon nito.

Pagkatapos non, hindi na kami nag-usap pa. Hanggang sa makaakyat kami ng kani-kaniya naming mga kwarto, walang nagsalita.

Para bang hindi namin alam ang sasabihin sa araw na 'to kahit pa naging routine naman na namin ang mag-kwentuhan tungkol sa mga nangyari.

This day just seemed... off. Para tuloy akong nahiya sa sobrang awkward namin kanina.

Now that Cryd's courting her and Xy's always around–is this going to be our new normal now?

Fleeting SkiesWhere stories live. Discover now