"Vien?"

[Oo ako ito.]

"Si Veng?" tanong ni Kaizen.

"Akala ko ba si Vanz?" si Maxwell.

"Where are you? Bakit na sa iyo ang cellphone ni Vanz?"

[Ang dami mong tanong. Pumunta ka na lang dito sa hospital ng Maynila.]

Anong nangyari? Bakit nandyan sila sa hospital?

"O-Okay I'm cumming (joke! coming talaga hahahaha! Okay continue!) Hintayin mo ko dyan."

[Ge.]

That's all her answered? Hindi 'man lang niya sasabihin kung anong nangyari?! Probinsyana ka talagang kahit kailan!

"Esther anong nangyari?" tanong ni Calix.

"Nasa hospital si Vien at Vanz. Paniguradong si Vanz ang na-hospital kasi si Vien ang tumawag."

"Wait. Nagkita sila ni Veng?" tanong sa akin ni Kaizen at tumango ako. "Destiny indeed," bulong pa niya na narinig ko.

"Pupuntahan ko lang siya," sabi ko at tumayo silang anim. "I said I'm going. Aalis na din ba kayo?"

"We're coming, fucking virgin," sabi ni Yuhence.

Hindi na ako tumutol. Pinaalalahanan ko muna si Lola Cecil na ilatag na ang hinandang pagkain para sa mga kapatid ko mamaya. Nagtanong pa siya kung saan kami pupunta ang sagot ko susunduin ko lang si Vien. Nakarating na kami sa hospital medyo walang masyadong tao.

"Nurse saan makikita si Vanz Won Ty?" tanong ko.

"Relatives ka po ba nila, Sir?"

"I'm just a friend. I need to see him because he was with my girl," sagot ko pa at natawa ang mga kaibigan ko.

"Hahahahahahahaha!" tawa ng mga baliw kaya sinamaan ko sila ng tingin.

"Ah, Ano niyo po 'yong babae?"

What? Sinabi ko na sa kanya na kasama niya si Vien. Bobo ba 'to? "Just. Tell. Me. Where. He. Is," diin na inis na sabi ko.

"Oo nga nurse ang dami mong alam, eh," sagot ni Maxwell.

"A-Ah nasa private room na po A321B fourth floor and kanan," sabi pa niya.

Dali-dali kaming sumakay sa elevator at hinahanap ang kwarto ni Vanz. Nang makita ko ay agad akong pumasok at tumambad sa akin si Vien na tinititigan si Vanz na natutulog.

"Veng, anong nangyari?" unang tanong ni Kaizen sabay pasok.

"Nandyan na pala kayo," sabi pa niya.

Tinignan ko si Vanz na kasalukuyan na natutulog. Puro pasa ang kanyang mukha at nakaramdam ako ng awa dahil sa nangyari sa kanya.

"What happened?" tanong din ni Yuhence.

"Ah. Upo muna kayo," turo niya sa sofa at umupo ang anim doon. Ako naman nanatili lang nakatayo.

"So, what happened?" tanong ko rin.

"Aksidente ko kasi siyang nakita sa iskinita. Binubugbog siya ng apat na lalake, kaya tumakbo ako papagawi sa nambugbog sa kanya at nilabanan ang tatlo maliban sa isa na nakatingin lang sa akin," pagsisimula niya.

"Tapos, Veng?" Kaizen.

"Nagsabi ang lalaking nakapuros itim na tumigil na at pamilyar daw ako sa kanya at sa kwintas na suot ko. Tinawag niya akong Ms. Ty at maling tao raw ang binangga ko," nakangising sabi niya. "Tss. Akala nila nakakatakot sila? Hindi nila ako matatakot."

Ang Basagulerang ProbinsyanaWhere stories live. Discover now