Tuluyan akong nanghina sa narinig na sinabi niya. "Tita hindi ko po magagawa iyan," makahulugang sabi ko. Ang isiping iwan si Reeve, sobrang sakit sa puso.

"Graduating ka na two weeks from now, Yasi. And Reeve is leaving for Switzerland five months from now. Maghihiwalay rin lang kayo. So I am asking you to break up with my son, Yasmin. Break up with your cousin," determinadong wika ni Tita.

Patuya akong natawa. "Tita kung kaya ko ho, matagal ko na pong hiniwalayan si Reeve. Pero hindi ko po kaya-"

"Yasi, makinig ka!" She cut me off.

Nagdadalamhati na ang puso ko ngunit wala akong balak isuko si Reeve. He is willing to fight for me. Why can't I? I'll try to be brave enough to battle my love for him too.

Tinitigan ko si Tita. "Reeve has been giving us signals about his plan. All of us disagreed. Alam mo ba ang binabalak ng anak ko, Yasi?"

Umiling ako.

"He is planning to breach the six years contract."

Nanlalaki ang mga mata kong sariwa pa sa pag-iyak. "P-po?"

Tita Monic looked at me with judgement. "Pinaplano niyang huwag na lang umalis at manatili dito sa Pilipinas. Nalilito pa ako kung bakit niya naisip gawin iyon ngunit ngayon.." tinignan niya ako. "..alam ko na ang dahilan,"

Nanunuya siyang tumawa. "Ikaw Yasi. You are the sole reason why Reeve is willing to take risks of imprisonment just so he could stay here with you! He will do everything in his power to avoid the consequences of breaching the contract. Kung papalya man ang abogado niya sa pagtatanggol sa kanya, papayag siyang makulong para lang huwag malayo sa'yo,"

Natutop ko ang bibig ko sa rebelasyong narinig. Reeve can't do that! Anong pumasok sa kokote niya?!

"There were times when Reeve wanted to tell us something but I always dismiss him because I am afraid that my own accusation to the both of you is true. At ngayong nalaman ko na, gusto kong magalit sa inyong dalawa. I am mad, Yasi" saad ni Tita. "Ngunit mas nagagalit ako dahil kayang sirain ni Reeve ang mga plano niya at pangarap sa buhay para lang sa'yo. His biggest plan when he was still young was to become a great engineer. When he grew up, he told me about his plan of working in the biggest company in Switzerland. Matagal na niyang pangarap iyon Yasi. But just because of his love for you, he is willing to let go of that dream in order to have you in his arms"

Halos magpigil ako ng hininga sa nalaman. Umiling ako. "No.. hindi niya dapat gawin iyon,"

Tota Monic nodded. "That is why I am pleading you to leave my son, Yasi. After your graduation two weeks from now, I want you to leave him"

Napahikbi ako. "T-tita..." Naguguluhan na ako. Ngunit alam ko sa sarili ko na ayokong pigilan si Reeve na abutin ang pangarap niya.

Bumuntong hininga si Tita. Ngunit kanina ko pa napapansin ang kakaibang emosyong nasa mga mata niya na para bang may gusto siyangsabihin ngunit pinipigilan niya ang sarili.

"If you can't do it after your graduation. I could give you more days," lumapit siya sa akin at hinawakan ang mga kamay ko. "Nakikiusap ako sa'yo Yasi. You can't be with Reeve. And I am asking you because I know you would understand where I'm coming from. You can't let Reeve crush his own dreams of working in Stadler Corporation," sobrang mahal ko si Reeve. Ngunit ang isipin na masisira ko ang mga pangarap niya nang dahil lang sa hindi niya ako gustong iwan, pareho kaming magkakagulo.

"You have to leave him. If his Dad finds out about this, I don't know what he would do to Reeve. I am afraid of what Brandon can obtain to do in order to separate the both of you" naisip ko rin iyan at isa iyon sa kinakatakot ko.

I bit my lip. "Naiintindihan ko po na galit kayo sa akin Tita-"

She nodded without hesitation. "I am. Galit ako sa'yo at kay Reeve. I want to blame you both for your stupidity," she sighed, "Yasi, this is very wrong. You both know it. Knowing Reeve, it doesn't matter to him if you are related or not. Because I have seen through him the passion he has for you. And my son wasn't good at hiding your relationship or what he feels for you. Nagtataka na rin ang Daddy niya. Pilit ko lang itinatanggi dahil ayokong magkagulo. But my son.... you have to talk to him, Yasmin. Because sooner or later, his Dad would know it"

"Plano pong sabihin ni Reeve kay Tito ngayon ang tungkol sa amin," kabadong sabi ko.

Suminghap si Tita Monic. "Then you have to stop him!"

"Kahit po pigilan ko, nakapagdesisyon na po siya" nanghihinang sagot ko.

Napahawak sa noo si Tita. "I'm sorry for slapping you, Yasi"

"Kasalanan ko po Tita. Napakalaki po ng kasalanan ko," I admitted. Tumayo si Tita at hinawakan ako sa kamay. "We have to stop my son, Yasmin. By the looks of it, Brandon is someone who put violence first when someone disobeys him. Kapag nalaman ng asawa ko ang ginagawa niyo ni Reeve, hindi lang siya ang paparusahan kundi natatakot ako na pati ikaw ay madamay. And Reeve wouldn't like that. Because my son is protective of you, kaya niyang kalabanin kung sino man ang mananakit sa'yo, kahit sariling tatay pa niya,"

Binalot ako ng kaba sa napakinggan. Gulong gulo na ako ngunit ang nasa isip ko lang ay ang maramdaman ang presensya ni Reeve at kausapin siya tungkol dito.

Sabay kaming lumabas ni Tita. Ngunit ganun na lamang ang pagkawala ng buhay sa mukha ko nang makita si Reeve na sinuntok ni Tito Brandon. "Leave her out of this Dad!" Nagsitayuan ang balahibo ko sa malamig na boses ni Reeve.

Gusto kong takbuhin ang pagitan namin nang makitang dumudugo ang mukha niya. Even his lips are bleeding!

"No! You leave her out of this! Stay away from your cousin, Reeve! After what you told me? Do you think I'd let you see her again?!" Galit na galit na sumbat ni Tito.

Lalo akong nanginig nang mapagtanto kung ano ang nangyayari. Nagpasya na siyang sabihin kay Tito... He.. he told him everything.

I heard Tita gasp loudly when Tito Brandon punched Reeve again. "You could have all the women who's willing to satisfy you. But you chose to do your own cousin?! Wala na kayong delikadesa sa sarili niyo! Shame on you!"

Reeve didn't answer. Subalit bumaling siya ng tingin sa gawi namin ni Tita. I sobbed when I saw blood and wounds all over his face. His eyes bore to mine before he clenched his jaw aggressively.


.....
Quarantine, Tuesday a.m.
"She's crying, goddammit!" - Reeve

Bilis niyo ah haha. 400 votes and comments para sa nxt update.

His Personal Mistress✔️[18+]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon