#24Graduation ko, wala siya. Ang saklap lang..
-
YasminHalos dalawang linggo na ang nakalilipas. Lahat nagbago. Pilit pinaghihiwalay ng mag-asawang Legaspi si Yasi at Reeve. Maski si Romualdo na nalaman ang nangyari ay naging istrikto sa anak. Napagalitan pa niya at napagsabihan si Yasi. At dahil sa galit, nasampal niya ang dalaga.
" Graduation mo ngayon pero ang lungkot lungkot mo, taba. Ang ganda mo nga oh! Perpek pagkakamake-up ni Ate Phoebe sa'yo. Light lang pero sapul na sapul sa ganda,"
Pilit na ngumiti si Yasmin kay Andrew na nakatingin sa kanya. Sinamahan siya nito sa graduation niya kasama sina Phoebe, Kenneth at Romualdo na nasa may di kalayuan. "Si Kuya pa rin ba ang naiisip mo?"
Patuyang tumawa si Yasi. "Palagi naman. Walang minutong hindi ko siya naisip. Nag-aalaa ako kung kumakain ba siya ng mabuti. Kung namomroblema ba siya lagi," napakasakit isipin na nagawa nga nilang ipagtapat ang sekreto nila, pinaghihiwalay naman sila.
Napabuntong hininga si Andrew nang makitang paiyak na naman si Yasi. Naiipit siya tuwing nakikita niya ang matalik niyang pinsan na ganito. 'Yung mahina at malungkot. Masayahin si Yasi at mapang-asar dati ngunit magmula nung pilit silang pinaghihiwalay nila Monic, nagbago ito. Kaya nungkang naninibago si Andrew kapag nakikita niya si Yasi sa ganitong estado.
Tinapik niya ang balikat ni Yasi at binigyan ito ng makahulugang yakap ng isang kaibigan. "Kapag pinupuntahan ako ng Kuya mo, puno ng pasa ang mukha niya. Sa tuwing tinatanong ko siya, sumasagot siya pero alam kong puro kasinungalingan iyon. He says he's fine but I certainly know he's not," she laughed while crying. "Nahihirapan na siya eh! Bakit ba kasi sinasaktan siya ni Tito Brandon? Kung sana alam ko lang na ganito ang kahihinatnan kapag ipinaalam namin ang katotohanan, edi sana pala kinumbinsi ko na lang sa abot ng makakaya ko si Reeve upang huwag sabihin kila Tito. Dahil ayokong nakikita ang mga pasa sa mukha niya at ang sakit sa mga mata niya. Nasasaktan ako lalo.." Yasi's heart clenched in pain.
Mahinang napamura si Andrew, hindi alam kung ano ang gagawin.
"Yasmin," seryosong banggit niya sa pangalan nito. Nasaktan si Andrew nang makita ang pagtulo ng luha ni Yasmin na kaagad nitong pinunasan.
"Ayaw na ayaw ni Kuya Reeve na umiiyak ka, diba?" Sikmat niya rito.
Pilit na ngumiti si Yasi at sinubukang pigilan ang mga nagbabadyang luhang gustong pumatak. Pero shet, ang hirap.
Tangina, mas malala ang nangyayari ngayon kay Reeve. Dahil ang kapalit ng pagpunta nito sa bahay nila Yasi ay bugbog galing kay Brandon. And Reeve wasn't fighting back, he's restraining himself dahil nirerespeto niya pa rin ang ama niya. Bawat araw na tinitignan ni Andrew ang kapatid, gusto niyang sumbatan ang ama dahil naaawa na siya sa Kuya niya. Palagi nitong itinatago ang mga emosyon mula sa kanila pero sa tuwing nakikita niya itong mag-isa, sobrang kalungkutan at galit ang nakikita niya rito. Nakaukit rin sa mga mata nito ang sobrang pananabik para kay Yasi.
Kailanman ay hindi niya nakita si Reeve na ganoon. Malamig ang pakikitungo nito sa lahat maliban kay Yasi. Tumatakas ito para lang puntahan si Yasi. Pati si Tito Romualdo ay ayaw palapitin sa anak si Reeve. Sa kabila ng lahat, hindi maipaliwanag ni Andrew sa sarili ang pagkamangha niya sa pagmamahal ng Kuya niya kay Yasi. It's something so powerful. Kahit pinagkakait ito ng tadhana, hindi natitinag. Reeve is madly in love with his own architect... si Yasmin.
"Nagsisinungaling si Kuya sa'yo dahil ayaw niyang saktan ka o mag-alala ka sa kanya. Trust me when I say he's doing the best he can to protect you. Sana tatagan mo ang sarili mo dahil iyon ang gusto ni Kuya na gawin mo,"
BINABASA MO ANG
His Personal Mistress✔️[18+]
Romance|R-18| SPG Reeve De Marco is a bachelor Engineer who was attracted to a woman who runs the same bloodline as his. Her name's Yasmin. He can't fight the urge to contain the feelings that he has for her. Yasmin is his cousin. But they fucked. They h...