Chapter 1

306K 4.9K 649
                                    

starting..

#1 meet-up

bato ang puso mo pagdating sa lalake, Yasi
-


Yasi

"Tabachoy! Tumayo ka na jan at ipaghain mo ang master mo ng kanyang kakainin!"

Sinamaan ko ng tingin si Drew matapos marinig ang sinabi niya. "Nang-aasar ka ba? Kita mong busy ako sa pag-study rito! You have your own hands and feet! Use them and not your stupid mouth,"

Kinukulit kasi ako ulit! I'm busy finishing my sketch para sa ipapasa kong output next week. The deadline is on next week. Ako pa naman 'yung tipong hindi fan ng procrastination. I don't like rushing my works. Gusto ko planado, malinis, at pinagpaguran. Hindi 'yung minadali.

"Kumain ka na! Kailangan mo pang magdagdag ng fats! Tsaka kahapon mo pa 'yan ginagawa ah!" Tumabi siya sa sofa na inuupuan ko.

"5th year ko na, Andrew," biglas ko sa mismong pangalan niya. "Graduating na ako. And I have to finish doing my plates, I don't need a distractive mamal like you right now. Kakain ako mamaya, okay?!"

Ngumiti lang siya at ginulo ang buhok ko. "Kumain ka lang sinabi ko. Dinamay mo pa graduating choochoo riyan," kaasar talaga siya.

Saglit niyang tinitigan ang sketch ko. "Ang ganda n'yan. Kapag magpapatayo ako ng bahay, ikaw kukunin kong magde-desenyo. Ikaw architect ko, " wow naman!

"Ayus 'yan, G ako!" Ngisi ko tsaka siya binatukan. "Pero ayusin mo muna pag-aaral mo, 'wag muna landi!" Piningot ko ang tenga niya.

Wala talagang kadala-dala ang lokong 'toh! Papalit palit ng babae bawat linggo, akala mo naman mauubusan!

Napa-ARAY siya. "Tabachuy ka na nga! Tomboy na rin! Tapos sadista pa?!" He massaged his ear.

Ngumisi lang ako at tinaasan siya ng gitnang daliri. "Hanapin mo paki ko sa puwet mo,"

Nagtigil siya. "Uy! Concerned siya sa butt ko!" what the fuck!

Mabilis siyang kumaripas ng takbo palayo sa akin nang akmang itutusok ko sa leeg niya ang pencil na hawak ko.

Umirap lang ako nang makaalis siya. "Shet ka boi, sarap hampasin ng canvass ang pagmumukha!" Tanghaling tapat, nang-iinis ba.

"Nga pala tabachuy! Sinabi na ba ng tatay mo sa'yo na bibisita kayo sa bahay mamayang gabi!" Mula kusina ang sigaw niya.

I fixed the lining on the side of my drawing.

"Hindi ko pa nakikita si Tatay magmula kahapon," bulong ko.

Busy iyun sa trabaho. Hindi kasi kami mayaman. Maaga rin kaming iniwan ng nanay ko. She died giving birth to me. Hindi naman kasundo ni Tay ang pamilya ni Mommy. My mom's family hates us. Lalo na si Tatay sa kadahilanang magmula umpisa ay tutol na sila sa relasyon nila ni Ma. Pero mahal ni Mama si Tay kaya sumama siya rito, nagpakasal at namahay. Pero wala na siya. Si Tatay lang ang natitirang kapamilya ko. At halos pasukin na niya ang kahit anong raket na maaari niyang pasukan para lamang matustusan niya ang pangangailangan ko. Kahit pagod na siya sa trabaho bilang jeepney driver, ginagamit niya ang natiturang oras sa pagraraket.

Kasalukuyan akong pinag-aaral ni Tita Monic, kapatid ni Daddy na medyo may kaya sa buhay. She suggested to pay for my tuition, sila ni Tito Brandon, ang asawa niya. Ipinasok niya ako sa parehong school na pinag-aaralan ng mga anak niya. Kaya pareho kami nila Andrew at Kuya Kenneth ng University na pinapasukan. Well, graduate na pala si Kuya Ken two years ago. Si Andrew na lang kasama ko.

His Personal Mistress✔️[18+]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon