Chapter Twenty Two: P.A

172 12 4
                                    

Her POV

Papunta na ako sa ShowBt ng may nadaanan akong streetfoods.

I suddenly remembered Josh cravin' for it kaya lumapit ako dito para bilhan narin silang lahat.

San galing pera ko? Well, I have savings naman.

Medyo kuripot kasi ako sa ibang bagay pero pag sa SB19 na merch ehehehehe.👉👈 Kaya pinag-iipunan ko talaga.

"12 po na kwek kwek, 18 na isaw." Sabi ko sa tindera.

Sorry boys tig dadalawang kwek kwek at tigtatatlong isaw muna tayo ehehehehe.

Binabalot na ni ate yung binili ko, bagong luto rin kasi to eh.

Tamang-tama pang snacks.

Mag na-nine am narin kasi.

Tumawag si Ms.Hong saakin, hiningi niya kasi number ko sa messenger kagabi eh para daw mas madali ako macontact kaya napatalikod ako para sagutin yung tawag kaso napaso yung likod ng braso ko.

"Aray! Tsk, napaka clumsy mo talaga Sandra." Sermon ko sa sarili ko at nagsorry kay ate. Nagbigla naman siya at nagsorry din.

Ate ba't ka naman nagsorry kasalanan ko naman ihh. :3

Mamaya ko nalang 'to gagamutin.
Sinagot ko na yung tawag.

Tinanong ako ni Ms.Hong kung saan na daw ako sabi ko naman ay papunta na.

Kinuha ko na yung binili ko at nagbayad na.

Sinabi niya naman na kung malapit na ako ay sasabihan ko siya ahead of time para makababa siya at sunduin ako.

Wala pa kasi ako nung ID kaya baka di ako makilala ng guard.

Binaba na ni Ms.Hong ang tawag dahil may aasikasuhin daw siya saglit. Nagjeep na ako papuntang ShowBt. At nung medyo malapit na ako ay tinext at chinat ko siya.

Bigla ba namang tumawag! Nasa jeep pa akooo juskooo.

"Mi-miss? I'm still at the jeep po." Bulong kong sabi nakow baka may A'Tin pa dito at mapatanong eh.

"Oh it's okay. Just don't drop the call. I'm going downstairs now." Sabi niya saakin kaya timing rin at nakarating na ako sa building.

Bumaba na ako at nagbayad.

Nasa labas na ako ng building at sakto ring nandito na si Ms.Hong.

Sinabi niya sa guard na papasukin lang ako, pinakita yung ID ko at saka binigay na saakin.

Alexandra Marie Reyes
Personal Assistant of SB19

OH MY GOODNESS!

SINABI TALAGA NILA KAY MS.HONG!?!?!?!!!!

'Tong mga 'to talaga humanda saakin mamaya!

"What's that?" Tanong ni Ms.Hong at tinuro yung dinala ko.

Hala di ko pala siya nabilhan. Nakakahiya. T___T

"Uhm.. Streetfoods po Ms.Hong for them. Hehehehe sorry po Ms.Hong I didn't get enough." Nakapout kong sabi but she just smiled and giggled.

"You're so sweet. It's okay I don't mind." Sabi niya at sinabing pumunta lang ako sa training room ng boys at pumasok para ipabreak raw sila for 30 minutes and pakainin saglit. Susunod daw siya after 45 minutes may aasikasuhin pa ata.

Pumasok na ako sa training room nila at nakitang nagpapractice sila ng sayaw.

Napatigil naman silang lima pagpasok ko at nilapitan ako.

Just a Fan {Pablo FF} (Completed)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt