Chapter Eleven: Yare

166 12 0
                                    

His POV

Pagkababa ni ate Rose sa tawag ay siya ring pag-alis ko sa escalator.

Nasa second floor na ako ngayon. Hinahanap ko na ang men's bathroom and binibilisan ko na ang aking lakad.

Nung may nakita akong restrooms na sign lumiko ako dito. Sa baba naman ng restroom na sign ay may exit rin na sign.

So bale if lalakad ka pa-straight lalabas ka na papunta sa maraming restaurant pero part parin ng mall nato.

Pero sa restroom ako pupunta kaya straight then lumiko ako and I was shocked for a second.

I saw her.

Alexandra Marie Reyes.

Siya lang isa at papaalis na siya ng women's restroom tapos nakita niya ako.

"Se-Sejun!?!?" Gulat niyang tanong.

I don't know what came into me but I grabbed her hand and hinila siya papuntang men's restroom.

"T-teka san tayo pupunta?! Ba't tayo pupunta sa men's!?!" Naguguluhan at kinakabahan niyang tanong.

I knocked twice and Justin opened the door na may nakalagay sa harap na papel.

Closed for cleaning

Baliw talaga tong si Jah, ginamit niya siguro yung nabili niya kanina para sa drawing niya.

Pumasok na kami at hinila ko si Marie papasok sa loob.

Hinawakan ko ang bibig niya at ang kabilang kamay ko naman ay nilagay sa bibig ko at nag shhh sign.

Tumango-tango lang naman siya.

May narinig kaming mga yabag ng paa na papunta na dito.

"Closed ang men's bathroom"
"Baka lumusot siya sa exit"
"Oo nga andami pa namang resto pag labas mo dito."

At narinig namin na umalis na sila. Gaya nga ng sabi ko kanina may exit kasi dito.

"Uhh pinuno ba't dinala mo siya dito?" Tanong ni Jah.

"B-baka kasi sasabihin niya sa iba na dito ako pumunta." Explain ko.

"Oo nga no." Inosenteng tango-tango ni Jah.

"Nakita ko kasi siya palabas ng women's kaya hinila ko na siya papunta dito." Dagdag ko pa.

"Sus ang defensive. Daming sinasabi." Sabi ni Stell.

"Dre pwede mo na siguro i-alis ang kamay mo sa kanya." Komento ni Ken. Inalis ko naman ito agad.

Napatawa lang naman si Josh.

Napako sa kanyang position si Marie.

"Uhm Marie. Sorry nahila kita dito." Pagpaumanhin kong sabi sa kanya.

"Ma-marie??" Nagtatakang tanong niya.

"That's your second name right?" Tanong ko.

Tumango naman siya.

"I'll call you Marie. Ang taas naman kasi ng Alexandra Marie Reyes diba?" Komento ko.

Napa MmmHmmm naman si Stell.

"Mataas daw." Sabi ni Jah at tinakpan naman agad ni Josh ang bibig niya nung napalingon ako.

"Jah. Lagot na nga tayo kay teacher nito ayaw kong pati kay pinuno." Bulong ni Josh na rinig ko naman.

Napa-iling iling lang naman ako. This is about her again. Tong mga 'to talaga.

Nagtatakang tumingin saakin si Marie.

Just a Fan {Pablo FF} (Completed)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz