Chapter Twelve: Mini Date?

179 14 0
                                    

(A/N: Same day parin hehehe)

Her POV

Teka di ba talaga ako nananaginip?!

Andito ba naman ako ngayon sa hotel room ni Sejun at Ken!!!!!!

PAANO HUMINGA LORD?!?!?!!

Di ko talaga alam ba't pinasama ako ni Ms.Hong dito. Eto na ba ang premyo niya!??

Wala naman talaga akong balak ikalat na nagtago sila sa men's restroom eh kasi baka maraming bashers ang aatake.

Premyo na nga yung inaccept ako ni Sejun tapos bonus pa ngayong inaccept ako ni Ms.Hong.

Ang baet ko ata sa past life ko't may ganito akong reward.

"Marie?" Tawag ni Sejun sa pangalan ko.

Aaaaa sarap pakinggan ng boses niya.

"P-po?" Kinakabahang tanong ko.

Tumawa lang naman siya.

"Wag ka ng kabahan saamin. Kami lang naman ito eh." Sabi niya. Nahihiyang tumango naman ako.

ANONG "LANG"!?!? My goodness Sej ang humble masyado ih.

Kaya labs na labs kita ih. T___T

"Saan sila?" Tanong ko and this time with much more confidence na.

Sinabihan na akong wag daw akong kabahan sa kanila eh, omg feeling close here. Ehehehehe.

Naisip ko na baka di na maulit to at baka makakalimutan lang rin naman siguro niya at nila ako so go self kapalan mo lang mukha mo ngayon, kahit ngayong araw lang!

"Bumaba na para mag lunch." Komento naman niya.

"Ikaw Sej? Di ka ba kakain?" Tanong ko sa kanya.

"Nah. Nagpadala lang ako ng food dito para saating dalawa." Sabi niya at umupo sa kama niya.

May upuan rin dito at dito naman ako umupo.

"Ha? Bakit?" Naguguluhang tanong ko.

"Sabi ni teacher sorry daw dahil kung isasama ka naming kumain sa baba baka may magpipicture eh tapos makalat pa sa social medias and some A'Tin might be jealous." Medyong mahabang explain ni Sejun.

Teka okay lang naman saakin na dito na muna ako eh what I meant is...

"No no that's okay I mean, ba't dito ka kakain? Ay hala! Di ako magnanakaw!" Depensa ko sa sarili ko.

Natawa lang naman si Sejun.

"Di ka naman namin pinagbibintangan. Nagworry kasi si teacher na baka mabagot ka dito kaya..." Nag-aalinlangan pa siyang dugtungan ito pero tinapos niya parin ang sasabihin niya.

"...Kaya I decided to keep you company." And he smiled.

This eye smile of his is really to die for.

Grabe Sej, stop please.

Nakatitig lang ako sa ngiti niya nang may kumatok sa pinto.

"Oh. That must be our lunch." Masiglang sabi niya at pumunta muna sa pintuan para kunin yung lunch namin.

EXHALES.

Hooh takte wala bang hangin dito? Di ako makahinga ng maayos eh.

I pick up my phone na nasa shoulder bag ko. Ngayon ko lang naalala na may phone pala ako, naka-silent kasi this whole time niready ko na for the mall show later eh.

Jacob calling...

Ba't to napatawag?

Nga pala after that confession of his parang wala lang nangyari. Di naman siya dumidikit saakin but I'm so clumsy kaya whenever I'm in danger or what he's magically right behind me.

Just a Fan {Pablo FF} (Completed)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz