Chapter Five: Biscuit

186 13 3
                                    

His POV

Kakatapos lang ng Pepsi Taste Challenge namin sa Davao.

Pabalik na kami sa hotel na tinutulugan namin dito.

Pero etong si Stell parang di mapakali.

"Ano bang nangyayari sayo Stell?" Tanong ni Jah. Nagtataka siguro dahil para talagang bulate si Stell.

"Gutom nakooo." Sagot ni Stell.

"Akala namin napano ka na dre." Komento ni Ken.

"Gusto ko punta groceryyyy! Tara Sejun!" Sabi niya sabay hila sa braso ko.

"Sabay ako." Sabi ni Josh.

"Oops san kayo? Balik balik. Sa hotel lahat may pagkain na don." Sermon ni ate Rose saamin, na mas kilala bilang ate Rappl.

"Grocery lang kami ate Rose nag crave kasi talaga ako ng strawberry." Pagpapacute na sabi ni Stell.

"Hindi pwede. Diba nakita kayo ng isang A'Tin? Eh paano na kung alam na ng mga A'Tin na pumupunta kayo sa grocery dito edi magkagulo pa dun." Suway niya ulit kay Stell.

"Yan kasi tigas ng ulo." Sermon ko rin kay Stell.

"Hala! Ikaw kaya ang bias nung nakita natin na A'Tin!" Pagtatanggol naman niya.

Biglang nagflashback yung nangyari. Natawa naman ako. Pati sa event kanina gumawa ng ganon kaibigan niya eh.

Pagbalik namin para sa photo op, pilit niyang pinapababa sa kaibigan niya yung cartolina na may pangalan niya. Di niya ata alam whole time ng event namin nakataas yun.

"Oh diba! Tignan niyo! Kinikilig!" Sabi ni Stell sa kanila sabay turo saakin.

"Di ah. Gutom lang ako." Sabi ko nalang at pumasok na sa kwarto namin sa hotel.

Habang paakyat kasi kami nagkwentuhan tungkol dun.

"Ate Roseee sige naaaa~" Pagpapacute ulit ni Stell.

"Meron naman atang strawberry sa hotel nato Stell. Kung wala ako nalang pupunta sa grocery." Sabi naman ni ate Rose.

"Ako malalagot nito kay sir Robin  eh." Natatawang dagdag niya.

Natawa rin naman kaming lahat at pumasok na sa kwarto.

Kaming tatlo ni Stell at Josh habang sa kabilang kwarto naman ay ang KenTin.

Pero dito pumasok sina Ken at Jah.

"Oh? Anong ginagawa niyo dito?" Tanong ko sa kanila.

"Tahimik sa kwarto namin si Ken ba naman kasama ko dun." Komento ni Jah.

"Wag kayong pauto dyan sabi niya saakin makikichis-----" Di na natapos ni Ken ang sasabihin niya dahil hinawakan ni Jah ang kanyang bibig.

"Tumahimik ka nga dyan Ken ang dami mong alam." Sabi ni Jah.

"Ano namang chismis ang gusto niyong malaman dito?" Tanong ni Josh sa dalawang naglalambingan.

"Pansinin niyo kasi si Josh oh. Nagseselos tuloy." Natatawang sabi ni Stell.

"Hehehhe. Sino yung A'Tin na bias si pinuno? Parang distracted din kasi siya kanina eh sa event may side siya na palaging tinitignan." Di na natiis ni Jah ang kanyang sarili na ma-curious.

Nag hands-up lang naman si Stell.

"Not my story to tell dre." Sabi niya at tumingin sakin ng nakakaloko.

Tumingin naman ngayon ang apat saakin.

"Oh ba't ako tinitignan niyo?" Tanong ko.

"Sige na pinuno kwento kanaaaa~" Pangungulit ni Jah.

Just a Fan {Pablo FF} (Completed)Where stories live. Discover now