Prologue

889 21 7
                                    

This is a work of fiction. Name, characters, places and events are fictitious, unless otherwise stated. Any resemblance to real person, living or dead, or actual event is purely coincidental.





Plagiarism is a crime, punishable by law.





- kapag natapos ko na yung buong story, ie-edit ko siya. Medyo jeje at oa kasi yung ibang parts hehe.



- kung ayaw niyo din yung flow ng story, wala akong magagawa. Salamat nalang sa lahat :">



Author's Note: Hi!! this is my first story in wattpad. I hope you guys will appreciate it even though im not a famous writer. Madami din pong mga errors diyan, pero pagsusumikapan 'kong i-edit para sainyo. Sana ma-enjoy niyo yung story ko. iloveü and Godbless.






"STEM sucks," inis 'kong sigaw pagkalabas ko ng faculty. Kakakuha ko lang ngayon ng schedule ko para sa incoming school year. Well, consistent honor student naman ako pero ayaw ko maging Engineer. Bata pa lang ako, palagi na akong nasa rank. No doubt, hanggang ngayon ganon pa 'din.





matalino na nga, maganda pa.





Palabas na ako ngayon sa university, ilang araw nalang at pasukan na naman. Sa totoo lang, pinilit ko lang ang sarili ko maging STEM student. Wala talaga akong interest sa paggawa ng bahay or what, pero dahil gusto 'yon ng parents ko, wala akong magagawa.






Okay lang naman sa akin na sila ang pumili ng kukunin 'kong course, kapalit naman 'non ay ang mga luho ko. Yes, I'm spoiled by my own parents. By the way, incoming Grade 12 Student ako at konting push nalang, college student na ako.






Sa wakas, at makakalaya na ako sa pagiging isip-bata kuno na sinasabi nila.






Gusto kasi nila akong magtake ng Civil Engineering pag-dating ng college. Well that's not a big problem for me. Matalino kaya 'to.






"Sheen!" pag-tawag sa akin ng mga schoolmates ko. Agad naman silang lumapit sa akin atsaka kinuha ang schedule ng pasok ko. "Sana all," reklamo naman niya saka binalik ulit 'to sa'kin. Hays, kahit kailan talaga. "Ang ganda ng sched mo," sagot naman nung isa. Malamang, maganda ang may-ari ng hawak mo girl.






"Tanga, pare-parehas lang tayo ng strand," buwelta ko sakanila saka umirap, napaka-weird. Agad ko naman silang tiningnan kung nakuha na ba nila ang schedule. Hindi pa pala! "Alam niyo, pumila na kayo 'don." pag-uutos ko pa saka sila tinulak. Mahaba-haba kasi ang pila doon baka gabihin sila.







Sa simula pa lang talaga ay ABM na talaga ang first choice ko, kaso hindi sila nago-offer ng strand na 'yun. Para kasi sa universtiy na pinapasukan ko ngayon, cheap daw 'yon, weird. Sabagay, mga engineering students ang pinapahalagahan nila dito kaya naiintindihan ko.






Shit! Nagbago na ang sistema ng pinapasukan 'kong university. Hindi ko na 'din kilala ang mga tao na nasa loob ng faculty na 'yon. Bali-balita kasi na lahat ng mga naabutan naming senior highschool teachers last school year ay nag-resign lahat.






Paano naman kami? We're not ready for the new atmosphere. Madami pa naman akong gwapong profs last school year.






Ano pa 'bang magagawa naming mga naiwan dito na estudyante? Lahat nalang ba mang-iiwan, pati nga siya iniwanan ako eh. Chos.








As expected, maaga ang pasok pero go lang dahil malapit lang naman ang University na 'to sa condo ko. Ayoko na ng afternoon shift dahil minsan 9PM na ako nakakauwi or mas malala 10PM dahil sa mga overtime ng teachers namin. Hindi na tuloy ako nakakapag-get together sa mga friends ko.







Habang palabas ako sa gate, busy pa 'din akong tumitingin sa schedule. Mukhang hindi naman mahirap ang mga specialized subjects kung aayusin mo yung buhay mo at maga-advance reading ka. Nag-aabang na ako ngayon ng masasakyan pauwi, nang may mahagip ako na familiar na apelido.






Basillo.






Siya kaya 'yon? Wait, teacher na ba siya? Kamusta na kaya siya? Masaya na kaya siya sa buhay niya? Pero bura, bura, bura, bura! Imposibleng siya 'yon, ni-hindi ko nga alam kung nakapag-aral ba siya. Hays, bakit ko ba siya naiisip ulit? Matagal ko na siyang binura sa isipan ko at kinalimutan lahat ng mga nangyari sa amin.







Sinilip ko nalang ulit ang mga apelyido ng mga magiging profs ko. Shemay! Halos lahat ng mga profs ko, eh lalake. Mukhang gaganahan pa yata ako pumasok neto ng maaga. Sana lang ay puro gwapo at hindi mga matatanda dahil panigurado ako,  magiging bored ang huling taon ko dito bilang senior highschool student.







💫

Truth in your Eyes (COMPLETED)Where stories live. Discover now