Prologue

188 6 2
                                    

Typographical and grammatical errors ahead!
*(Edit: July 2021) To be revised soon :))

-----

Prologue

Memories - they are worth the keep, kagaya ng sinasabi ng ibang tao. Mama kept so many memories of her and my father. My father isn't who I thought he was. I can say he changed as time continued to run.

Half of myself felt great and relieved at what I've discovered. At the same time, the other half wished na hindi ko na lang sana pinakialaman ang mga itinago ni mama. Mixed feelings, kumbaga.

Nagsimula ito nang umuwi kami sa probinsya ni mama. They planned to stay para sa summer break ko and we needed fresh air. Ilang oras pa lamang ang nakalipas mula nang nakarating kami at gumabi na.

Biglaan akong bumangon dahil sa ingay na narinig ko. Sinubukan ko'ng kapahin ang cellphone ko sa ilalim ng unan, ngunit hindi ko ito nakapa o nahanap dahil madilim ang kabuoan ng silid.

Wala akong naging ibang choice kung hindi ang mano-manong lapitan ang wall clock. Alas onse pa lamang ng gabi,  halos magdadalawang oras lang akong nakatulog. I was about to go back to sleep pero hindi ako mapakali.

Sa kasamaang palad ay hindi na ako na dalaw pa ulit ng antok.

Umupo ako sa kama at panandaliang inobserbahan ang paligid. Hindi ko na narinig ang ingay na gumising sa akin, ngunit sa tingin ko ay nag-away sina mama at papa ulit.

Bumaba ako sa kama at isinuot ang sarili kong tsinelas. Kinuha ko ang jacket na nakasablay sa likod ng pintuan bago lumabas. Tahimik, medyo malamig, at dim ang second floor ng bahay nina lolo.

Habang naglalakad ako sa pasilyo ay marahan at puno ng pag-iingat ang mga naging galaw ko sa takot na baka may masagi akong luma na kagamitan.

Nang makarating ako sa tapat ng kuwarto na tinutulugan nina mama at papa ay tinignan ko muna ang siwang sa ibabang parte ng pintuan. Nakabukas ang ilaw na ang ibig sabihin ay gising pa ang mga magulang ko.

Tumapik ako sa pader at napahawak sa dibdib ng wala sa oras dahil sa pagkabigla. Nakarinig ako ng marahas na pagsara mula sa loob ng kuwarto. Pinalipas ko muna ang sa tingin ko ay halos dalawang minuto bago nagpasyang bumaba na lang.

Nang makarating ako sa unang palapag ay halos pareho lang ito sa taas, tanging maliliit na mga ilaw lang ang nakabukas para may kakaunting liwanag na matira. Dinaan ko rin ang silid nina lolo at lola pero sobrang tahimik ito. Pumunta na lang ako sa kusina at nagsalin ng gatas.

Pabalik na ako sa silid na tinutuluyan ko, na nasa dulo ng pasilyo, nang maaninagan ko'ng may nakabukas din na ilaw mula sa hagdan patungo sa third floor ng bahay.

Sa pagkakaalam ko ay isa lang ang silid doon at 'yon daw ang dating silid ni mama. Dahan-dahan akong umakyat sa hagdan patungo sa pangatlong palapag. Sumalubong sa akin ang pintuan na ang kulay ay kumukupas na mula sa pagiging dilaw nito. Nakabukas ito ng kaunti kaya pumasok ako at sinuri ang lugar.

Ma-espasyo ang dating silid ni mama at ang desk lamp lang ang nagsisilbing ilaw para sa buong kuwarto. Maraming lumang papel ang nakakalat sa study table pero hindi ko na ginalaw ang mga iyon.

Malinis ang buong kuwarto, maliban sa mga papel, at hindi rin masiyadong maalikabok na taliwas sa inaakala ko.

Sa kabilang parte ng silid naman ng silid si mama na nakahiga sa kaniyang kama. Mahimbing siya na natutulog habang yakap-yakap ang isang maputlang berde na unan. Kahit sa gilid niya ay may nakakalat din na mga papel.

Ano ba ang pinag-aawayan ng mga magulang ko mula pa dati at palaging nauuwi sa pag-iyak si mama?

I was about to turn the desk lamp off nang marinig ko ang tawag ni mama. Sandali ang natigil nang nakita ko'ng hindi naman minumulat ni mama ang kaniyang mga mata. Paalis na ako nang tumawag siya ulit,

"Euan..."

Sa puntong iyon ay nakasisiguro ako na kay mama nga talaga nanggaling iyon. Ngunit, tulog siya? Inisip ko na lang na nagsi-sleeptalk siya bago ko pinatay ang desk lamp at dali-daling tumakbo papunta sa silid na tinutuluyan ko.

Siguro nga at ganoon na lang sana ang dapat kong ginawa. Sana binalewala at hindi ko lang pinansin.

It was far less complicated before I found the compiled memories that my mother kept.

#

Compiled MemoriesWhere stories live. Discover now