Epilogue

115 5 0
                                    

Jin's POV

Patakbo kong pinuntahan ang room ni Jennie, pagbukas ko hindi ko alam kung mabigla ba ako sa makikita ko, Jennie's awake, yes. Pero andito si Irene, ang kataka-taka kung bakit nakangiti silang dalawa.

Napansin naman nila agad ang presensya ko at saka tumingin sa akin, sabay pa sila.

"Anong nangyayari?" tanong ko.

"Sino mage-explain?" tanong ni Jennie, tinuro naman ni Irene ang sarili nya.

"Kami na," sabi ni Irene, napakunot ang nuo ko, "kaya kita nilalapitan because of her," sabi nya saka tumingin kay Jennie.

"We've been together for almost a year, pero pinaghiwalay kami ng mga magulang namin, kaya ginawa namin ang lahat para pagmukhaing magkaaway kami at hindi kami malayo sa isa't isa."

Nanlaki ang mata kong tumingin kay Jennie, acting lang ang lahat ng yon?! Nagkagusto ako sa lesbian?! Pero gusto ko pa din sya!

"A-ano?!"

Nagkatinginan sila sa isa't isa saka tumawa ng pagkalakas-lakas, "just kidding, do you really think I would date my sister?"

Sister? Ano bang pinagsasabi nila?! Baka mamaya hindi ko na sila pagkatiwalaan nyan, kanina magkasintahan ngayon magkapatid? What the.

"Ipaliwanag mo sakanya ng matino, stop joking Jess," sabi ni Jennie--- Jess?! Sinong Jess?!

"Sinong Jess?" tanong ko.

"Ako," sagot ni Irene.

"Irene ang pangalan mo eh! Wag nyo na nga ako lokohin at sabihin nyo na lahat! F*ck! My head's hurting!" sigaw ko.

"Really," sagot ni Irene, "I'm Jessica--- Jessica Park and I'm her twin sister at yun yung sinasabi ko sayo na niloko kita purposely, because of my sister and really sorry to hurt your ego but I don't really love you, dahil alam kong magiging kayo talaga ni Jennie since we were children alam ko na yon."

"F*ck it, bakit hindi mo nalang sinabi sa akin na kapatid mo si Jennie?" tanong ko, "edi sana tapos agad ang lahat!"

"May plano talaga ako para dyan kaso masyadong nakakatamad ikwento sayo," sagot ni Irene--- Jessica, "lalo na't may time talagang slow ka."

"And by the way, I want you to meet my boyfriend," dagdag nya.

"Ay oo nga pala, sino sya?" tanong ni Jennie, ngiting-ngiti naman sya ngayon. Naalaala ko sya pala yung mas excited pa sa aking hanapin kung sino ang boyfriend ni Irene.

"Irene---" biglang pumasok sa loob ng kwarto si Gdragon, may bitbit-bitbit pa syang mga prutas, "ito na yung pinapabili mo sa akin."

"He's my boyfriend."

"Akala ko hindi mo pa sasabihin?" nakakunot ang nuong tanong ni Gdragon, ayon sa kilos nya--- may alam na talaga sya dito.

"Ngayon nalang tutal andito naman na silang dalawa, in fact dapat matagal na natin ito sinabi right?"

"Sa bagay," sagot ni Gdragon saka umupo sa sofa.

"She's my girlfriend," dagdag ni Gdragon, "naalala mo yung sinabi ko sayo?"

"Bwisit ka! You made my head hurt the whole day you know? I thought si kuya yung tinutukoy mo, it turns out to be Jessica," reklamo ni Jennie.

"Ano yon?" tanong ko, "ano? Wala na ba kayong iba pang sasabihin? Baka mamaya ako na yung kakambal ni Jimin? Ano?"

Nailing naman si Gdragon, "ulol, may ilang sign na nga akong binigay sayo, hindi mo pa din nakuha."

"Papakasal na talaga kayo?" tanong ni Jennie habang nakatingin kay Ire--- Jessica.

I'm Inlove With My EnemyWhere stories live. Discover now