✨Chapter 8

83 7 0
                                    

Jennie's POV

Maaga akong nagising kaya naman maaga din akong natapos sa paghahanda kong pumasok sa school 

Inayos ko na ang neck tie ko at bumaba na, wala pang nakahandang pagkain. Nakita ko si mom na naglalakad palang papunta sa kusina nung makita nya ako ay meedyo nagulat pa sya 

"Hija? Ang aga mo naman?"tanong ni mom

"Maaga kasi ako nagising mom eh, maaga din kasi ang tulog"sabi ko at ngumiti 

"Ganun ba? Magluluto palang sana ako ng breakfast natun pero kung gutom ka na kumain ka nalang ng cereal"sabi ni mom

"Ok. Bilisan mong magluto mom para makakain pa ako" sabi ko habang ngumunguya ng cereal

"Sabi ko, cereal nalang ang kakainin mo kung talagang gutom ka na at hindi habang naghihintay sa niluluto ko"sabi nya habang naiiling 

"Mom, alam nyo naman na matakaw ako, wag na kayong magtaka pa"sabi ko 

"Ang aga nyo namang gumising?" tanong mula sa hagdan at nakita ko si kuya pababa hindi pa sya nakabihis 

"Anong niluluto mo mom?" Tanong nya

"Fried rice and egg" sagot ni mom

Nang matapos ko ng ubusin ang cereal, kumuha ulit ako ng plato para kainin naman ang niluto ni mom, maaga naman akong natapos kaya nauna na akong pumunta as school. Hindi pa rin naman nakahanda si kuya

Dumeretso na ako sa room namin, nakakapagtaka dahil wala pa ring tao-- tanga mo naman ang aga mo kaya. Kaya nakinig nalang ako ng music 

*Now Playing: I Promise U by Wanna one*

Napapikit ako habang pinakikinggan ang awitin. Magaling umawit ang Wanna One isa silang group mula sa ibang bansa 

"Akala ko may multo na dito. Ikaw lang pala yun"lumingon ako kung sino iyon nakita ko si Jin

"Bakit?"tanong ko

"Syempre! Lahat ng multo pag nagumulto ay nag-hmm hmm hmm"sabi nya at tinono pa sa kinakanta ko 

"Oo, akala ko naman kasi ay walang makakarinig dahil nga sa mag-isa palang ako dito but its turnout you heard it"paliwanag ko, tumango-tango naman sya na parang nakumbinsi sa sinabi ko 

"Sa bagay, nung narinig ko yun nagdalawang isip pa akong pumasok sa room. Akala ko kasi ako ang unang dumating"sabi nya 

"Hmm"sagot ko at tumango 

"Hindi mo pansin? Ngayon lang tayo nag-kausap ng matino?"sabi ni Jin natigilan naman ako at lumingon sakanya 

"Ha? Totoo? Ngayon lang?.. Sa bagay lagi kasi tayong nagbabangalan"pag-sangayon ko sakanya tumawa naman sya ng bahagya 

*Krisk krisk*

Napalingon kami kung san nanggaling yung tunog may nag lock ng pinto!

"The hell?! Sino yun?"pagkabigla ko at mabilis na lumapit sa pinto at sinubukang buksan ito pero ayaw

Lumapit naman si Jin sakin at tinignan kung anong nangyari 

"Jin, nalock tayo may nag lock satin dito!"sigaw ko nanlaki naman ang mga mata nyang singkit dahil sa sinabi ko

"A-ano? Na lock?!"tanong nya sinubukan naman nyang pihitin ang pinto pero ayaw hinila nya rin ito pero hindi na buksan

Napatingin naman sya sakin na parang hindi na talaga alam ang gagawin. Pero maski ako ay hidni alam ang gagawin 

"Anong gagawin natin nyan?! Ayaw kong makulong"tanong nya

'Parang mas babae pa ito sakin, tsk'

I'm Inlove With My Enemyحيث تعيش القصص. اكتشف الآن