✨Chapter 25

77 3 0
                                    

"Asan apron nyo?" pagtatanong ko magiging makalat nyan to for sure so we need apron.

"Here!" sabi nito saka inabot sa akin ang apron na kulay light pink, we have the same apron with same design, unicorn ang design. Agad ko itong sinuot saka naghanap ng ingredients and luckily they have.

"Unahin mong ilagay ay yung flour next is the baking powder and mix that like this." turo ko sakanya na agad naman nyang ginaya. Nakita ko naman si Jin na bumaba.

"Yah, anong gagawin nyo? Mom just said don't burn the house." sabi ni Jin I rolled my eyes.

"She was referring to you when she said that not burn the house. I know how to bake I'm good at this." sagot ko.

"Ano bang ibe-bake nyo?"

"Cupcakes, kung matapos ito wag kang hihingi ah." sagot ko.

"Oo nga maybe ate Jennie is greater than you, marunong din daw sya eh." sabi ni Jiyoung.

"At talagang nagkampihan kayo ha, I know how to bake too. Sasamahan ko na kayo." prisinta ni Jin.

"Gumawa ka ng sarili mo ah." sabi ni Jiyoung kay Jin.

"Eh, wag mo nalang syang pagawain. Okay lang naman kung nakatayo lang si Jin dyan. Okay lang naman sa akin na magkaroon ng body guard." sabi ko.

"Anong maging bodyguard? Diba sabi ko magluluto din ako! Kami ang may-ari ng bahay tapos gagawin mo akong bodyguard?" sabi nito saka agad na kumuha ng apron, dahil wala ng ibang kulay yung kulay white nalang ang kinuha nya.

"Oh sige, ano na ngayon ang gagawin nyo?" tanong nya sa akin, may hawak na din agad syang bowl saka whisk.

"Ilagay mo muna ang mga dry ingredients mo, una ang flour and next the baking powder. Tapos mix mo para mag-combined" sabi ko sakanya at agad naman nyang ginawa. Hinintay namin syang matapos.

"Magbasag kayo ng dalawang itlog, make sure na hindi sasama ang shell." sabi ko, "ah! jjangkkaman, jjangkkaman (wait, wait) don't put the eggs directly to the dry ingredients. Kuha kayong panibagong bowl tapos doon nyo batiin."

Binati namin yung mga itlog hanggang sa maging fluffy ito, we take a long time to make it fluffy, hindi ko na kasi sila pinagamit ng electric mixer.

Dahil gago si Jin, kumuha sya ng kaunti sa nagawa nya at saka pinahid sa mukha ko since nasa tabi ko lang sya. Sya pa ata ang mas bata kesa kay Jiyoung eh, sesh.

"Jin naman eh! Why so childish, tsk." sigaw ko sakanya pero dinilaan nya lang ako. I rolled my eyes at pinunasan nalang yung pinahid nya sa mukha ko. Let it slip for now, Jennie.

"Next nyong gawin, malagay kayo ng one cup sugar sa egg." sabi ko saka nag-lagay, ginaya naman nila.

"Bakit pa tayo maglalagay?" tanong ni Jin.

"Kasi maglalagay talaga tayo." sagot ko sakanya, agad naman humalakhak si Jiyoung.

"Tas mix nyo ulit."

Makalipas ang ilang minuto ay pinalagyan ko ng oil yung ginawa namin, pinahalo ulit saka nilagay na ang dry ingredients.

"Unti-untiin nyo lang yung paglagay ng mga dry ingredients pati na yung milk. Put flour then milk, vice versa. Paunti-unti hanggang sa maubos."

Sinunod naman nila ang sinabi ko, nagulat nalang ako ng may nagtapon ng harina sa akin. I looked who was it and it was Jin. Hindi nga namin sinunog ung bahay, nagdumi naman kami.

"Gago anong ginawa ko sayo?!" sigaw ko sakanya saka tumalon papunta sakanya, agad akong sumakay sa likod nya saka sya pinagpapapalo.

"Araaaaaay!" sigaw nya.

I'm Inlove With My EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon