✨Chapter 36

73 2 0
                                    

Nadatnan namin si Suga, buying something. Nung nakuha nya yung binili nya, humarap na sya sa amin samantalang kami naman ni Jin papunta palang sakanya.

"Oh Jennie," tawag nya sa akin saka nag-abot ng Delight sa akin, naka-straw na yon, "may bibilin ata kayo ni Jin?"

"Ah oo, bibilihan ko sya ng soft drink."

"Wag soft drink, nakakasama yon sa katawan," sabi ni Suga saka inabot sa akin yung Delight, "mag-ganito nalang sya-- isa pa nabilihan ko naman na sya."

"S-sige, Delight n-nalang," kinuha ko naman yung Delight sa kamay nya, anong meron at ganyan yung tinginan nila? Ano, in love na sila sa isa't isa? Joke lang, ba't naman kasi ang intense?

"H-hoy, in love na kayo sa isa't isa n-no?" pagsasalita ko, para naman mabawasan yung tensyon sa kanilang dalawa.

"Sige na, bibilhan ko pa sya ng kakainin nya," sabi ni Jin saka ako hinila palayo kay Suga, hinawakan nya nang madiin yung pulsuhan ko.

"A-aray hoy," nasabi ko nung hindi ko na napigilan ang sakit, agad naman nya akong binitawan.

Napatingin ako sa wrist ko, oh see? Edi namula, "napano ka?"

"Sorry," sabi nya.

"Anong meron ba't ba asar kayo sa isa't isa ha?" tanong ko, sarap sapakin ang tatanda na nag-aaway pa rin.

"Bakit ba ang manhid mo?" tanong nya sa akin, nakatalikod na sya sa akin kaya hindi ko nakikita ang mukha nya.

"What do you m--"

"Ang tagal ko nang nagpaparamdam pero hindi naman ako makapaniwalang hindi mo pa din nare-realize, Jennie yung mga inaakto ko ngayon hindi mo ba nahahalata?" sabi nya, nanatili naman akong tahimik, "dati... hindi ako ganito umakto lalo na sa mga babae, pero pagdating sayo nag-iba ako--- I can't help myself but to act like this towards you. Maniniwala ka bang... nagselos ako kay Suga kanina?"

"Jennie promise ang hirap magparamdam ng nararamdaman lalo na duwag din akong magsabi ng totoo sayo. Sobrang hirap din kasi I'm not get used to this feeling, magkaaway tayo pero hindi hatred ang nararamdaman ko sayo... iba," he said then I heard a loud sigh.

I bit my bottom lips, I don't know what to say. I keep my mouth shut. Hindi pa rin sya humaharap sa akin at wala din akong balak na paharapin sya sa akin, I'm not get use to this topic too.

"Nung una pinabayaan ko lang pero mas lalong lumala. Sinubukan ko ding umiwas sayo but guess what? Mas lalo kong naramdaman yung ganito sayo."

"Nung hinalikan kita, hindi ko ginawa yon dahil trip ko lang, hindi ko nga din alam kung bakit ko ginawa yon eh, basta ang alam ko dahil yun yung gusto ko. Jennie, I tried many ways to confess to you in different ways pero lahat yon naging palpak," sabi nya humarap naman na sya sa akin.

"Why can't you realize it? I'm in love with you... too bad, my friend's courting you. Ngayong sinabi ko na sayo harap-harapan... siguro naman hindi na iba ang iisipin mo?" sabi nya, napabuntong ihninga naman sya saka tumalikod, "a-ano bang gusto mo? Ibibili ko na."

"Jin..." pagtawag ko sakanya pero hindi naman nya ako nilingon, "a-ayoko... ayokong mag-away kayo ni Suga."

"Hindi naman kami mag-aaway, magiging patas kami sa isa't isa, nililigawan ka nya. Liligawan din naman kita, may karapatan pa naman ako diba? Hindi pa naman kayo," sabi nya.

"How about Irene? You're still her boyfriend and you can't just---"

"It doesn't matter anymore," humarap naman sya sa akin, "sya nga merong ibang kasintahan nung nagsasama kami diba? Isa pa, makikipaghiwalay na ako sakanya."

I'm Inlove With My EnemyWhere stories live. Discover now