✨Chapter 10

88 7 0
                                    

Jennie's POV

"Jennie gising na"paggising sa akin ng human alarm ko I ignored him, I just need to sleep 

"Hoy Jennie gumising ka na dahil nandito na si Suga"sabi ni kuya habang niyuyugyog ako. Si Suga lang pa-- si Suga?! Anong ginagawa nya dito?! 

Dali-dali akong bumangon at pinunasan ang laway na tumulo mula sa bibig ko pati na ang buhok kong parang sinabunutan ng pitong bakla 

"Ha?! Ba't sya nandito? Anong kailangan nya? Wala naman kaming pinag-usapan! Ba't ngayon mo lang ako ginising?!"sunod-sunod na tanong ko 

"Pfft-- bwahaha! If you just saw your face! Epic! Bwahaha! Wala pa sya dito, papunta palang sabi nya ay susunduin ka nya daw"sabi ni kuya 

"Eh bakit naman nya ako susunduin? Wala naman kaming usapan eh"sabi ko habang napakamot ng ulo

"I don't know too, basta susunduin ka daw nya"sabi ni kuya 

"Ganun ba? Sige maliligo na pala ako, baka bigla syang dumating ng hindi pa ako nakahanda"sabi ko, umalis na si kuya

Tumayo ako sa kama ko at naginat, tapos ay ni-ready ko na ang isusuot ko bago maligo, lalong-lalo na ang medyas 

Medyo binilisan ko ang pag-ligo ko ngayon para naman pagdating ni Suga ay ready na ako. Hindi naman sa nagpapaganda ako sakanya o ano pero gusto kog magmukha akong fresh sakanyang harapan 

Saktong paglaabs ko ng banyo ay may narinig akong kotseng bumusina sa gate, si Suga na ata yun? Kaya naman agad akong nagsuklay ng buhok. Naglagay din ako ng kaunting lip gloss, naglagay ng pabango at naglagay na rin ako ng clip sa buhok ko 

Nagmadali akong bumaba ng matapos na ako, naka-ngiti akong bumaba para salubungin si Suga pero naglaho ang ngiti ko ng hindi sya ang makita ko

Kaya nagmadali akong magsuklay pagbaba ko hindi si Suga ang nadatnan ko

"Anong ginagawa nya dito? Akala ko ay Suga ang dadating?"parang nanlulumong tanong ko 

"Kala mo naman ay gusto kitang sunduin, wala din naan akong choice dahil may utang pa ako kay Suga kaya pinasundo ka nalang nya sa akin. Nasiraan kasi sya ng kotse"sabi ni Jin

"Parang may sinabi naman ako na gusto din kitang kasama no? Tsk"sagot ko sakanya 

"Baka kasi isipin mo na ginusto kong mapunta sa ganitong sitwasyon"sabi nya

"Eh para naman iisipin ko iyon? Alam ko naman na ayaw mo din sa akin"sabi ko 

"Karaniwan kasi sa mga babae ay assuming kaya hanggat maaga ay sinasabi ko na sayo"sabi nya

"Pero hindi ako kasama sa mga babaeng yun. Wag magmalaki"sabi ko at inirapan sya at umalis na sa harapan nila, ang akala ko ba naman ay si Suga na iyon

Habang papunta ako sa dining table ay narinig ko silang naguusap 

"Jin? Hindi ka pa kumain diba? Baka gusto mong makikain sa amin"tanong ni kuya kay Jin

"Hindi na, ayokong makasama sa hapag kainan ang tulad ng kapatid mo"sabi ni Jin, eh parang gsuto ko naman syang makasama

"Oh Seokji? Iho, halika at makikain ka na sa amin, hayaan mo na iyang si Jennie"sabi ni mom 

"Mom naman" sabi ko

"Hayaan mo na, ihahatid ka na nga eh" sabi ni mom "saka madami-dami din kaming naluto ngayon"

"Oo nga saka sabi mo ay hindi ka na nakakain para dumeretso lang dito? Kain ka na"sabi naman ni kuya na kinagulat ko. That idiot. Sana ay kumain man lang sya bago dumeretso rito, nakakairita ang kashungahan nya, sana naman ay intindihin nya ang kanyang sarili bago ang iba 

I'm Inlove With My EnemyWhere stories live. Discover now