✨Chapter 40

80 4 0
                                    

Nalate ako ng pasok ngayon, kasi akala ko ay walang pasok. Muntikan pa akong napagalitan pero kataka-takang hindi nya yon ginawa. Mukhang good mood.

Pagpasok ko sa room, kataka-taka din ang pananahimik nila Jungkook at Lisa. Nagdadaldalan naman ang ilan sakanila pero sila Jungkook at Lisa hindi.

Karaniwan kasi, pag-alis ng teacher magkaharap na sila at nag-uusap, nalilimutan na nila na may kasama pa sila minsan pa nga, kahit na may teahcer hindi rin sila mapigil.

"Anong nangyari sa inyo?" tanong ko.

"Jin, paupo muna sa upuan ni Jennie ah?" pagpapaalam sa akin ni Lisa, tumayo sya saka nagpunta sa upuan ni Jennie--- sa tabi ko.

"May nangyari ba?" tanong ko ulit pagkaupo nya sa upuan ni Jennie.

"Wala naman. Trip ko lang talaga," sagot nya saka ako binigyan ng ngiti.

Napatango nalang ako, hindi ko na din naman sila problema--- may sarili din akong problemang kelangan solusyonan, kung meron sila--- sila nalang ang bahala.

Napatingin ako sa gawi ni Jungkook, kapansin-pansin ang pagkakunot ng nuo nya habang nakatitig sa libro, napapikit nalang ako. Ako yung nahihiya para sa kanya halatang hindi sya nagbabasa ng libro, wala naman sigurong taong magbabasa ng libro ng nakabaliktad?

Pasimple akong naglakad papunta sakanya saka pasimple ding inayos ang libro nya, napatingin naman sa sa akin.

"Anong ginawa nyo?" tanong ko kay Jimin ng sakanya ako dalhin ng mga paa ko.

"Oo nga pala, kita-kita naman tayo mamaya oh?" sabat sa amin ni Jungkook, parehas kami ni Jimin napatingin sakanya.

"Bakit?" tanong ko.

"Sige na, basta mamaya kita-kita nalang tayo," sabi nya ulit saka hinawakan ang kamay ko, agad ko naman nilayo yun sakanya. Napapano ba sya?

"Mamaya ah?"

Napabuntong hininga ako, paano nyan? Pupuntahan ko pa si Jennie, bibilisan ko nalang mamaya, kung sakali tatakasan ko nalang sila.

Pagkaupo ko, ilang minuto lang ay dumating na ang teacher namin, pinapunta nya kami sa library may ipapagawa daw sya sa amin.

Pinapili nya kami ng magiging partner namin, agad naman akong nilapitan ni Jungkook.

"Jin, partner tayo," bulong nya sa akin.

"Ba't hindi si Lisa ang puntahan mo?" tanong ko, agad syang napanguso saka nagbaba ng tingin. Gusto ko nalang syang sapakin sa oras na to, mukha syang tanga.

"Ayoko," sagot nya, "... kahit gusto ko."

"Jin partner tayo---" natigilan si Lisa ng makita nya si Jungkook sa tabi ko, "wag nalang pala."

"Lisa!" tawag ko sakanya saka mabilis syang hinila pabalik sa amin.

"Kayong dalawa nalang ni Jungkook ang magpartner, tutal mukhang parehas kayong wala pang partner," suhestyon ko, "may partner na din ako eh."

"Sino?" sabay nilang tanong.

Sakto naman na papunta sa amin si Namjoon kaya agad ko syang tinuro, "si Namjoon yung partner ko."

Hinila ko papalapit sa amin si Namjoon, "kanina pa kita hinahanap, gago ka," salibong ko.

"Ako nga din eh," sagot nya, "kayo ding dalawa, kayo nalang ang walang may partner. Tara na, punta tayo ng library."

Naglakad na kaming dalawa ni Namjoon, tinaas ko ang kamay ko saka nakipag-apir sakanya, "good timing ka."

"Syempre," sagot nya.

I'm Inlove With My EnemyWhere stories live. Discover now