✨Chapter 37

58 2 0
                                    

May umakbay sa akin kaya napatingin ako kung sino yon, I saw Jin. Agad ko naman tinanggal yung kamay nya sa akin saka lumayo ng konti.

"Napano ka?" tanong ko.

"Lumalayo ka na sa akin?" naka-pout nyang sabi, I rolled my eyes I hate seeing him like this, he looks like a monkey who want to be feed.

"Kung lumalayo ako sayo, edi sana every time na nakikita kita, lumalayo ako," sagot ko.

"Okay~ next time kung magpapa-announce ka, siguraduhin mo na yung mga students lang ang magugulat at hindi pati kaming kasama mo," paalala nya, natawa nalang ako.

"That's for fun you know? Saka ayaw nyo yon? Pati kayo nagulat hindi lang yung mga huhuliin natin?" nakangisi kong sagot.

"Tara mag-try tayo ng ibang booths," pagyaya nya sa akin, pero agad namang sumulpot si Suga.

"Sama ako," sabi nya, "aba, magkaibigan naman tayo ah."

"Pero---"

"Tara na," hindi na natuloy ni Jin ang sasabihin nya nung hinila na kaming dalawa ni Suga.

"Where do you want to go?" tanong ni Suga.

"You guys decide," sagot ko, napalingon ako doon sa Thai booth na nakita ko kahapon, "sa Thai booth! I think, they are selling foods."

Hindi ko na sila hinitay na sumagot, hinila ko nalang sila papunta doon sa booth na yon, konti lang naman yung tao.

"Ano pong meron dito?" tanong ko sa teacher na nandodoon, napatingin ako sa sign nila, 'Thai Booth: prepared by Cooking Club'.

"Nagtitinda kami ng mga pagkain na mula sa Thailand, isn't it obvious? May mga tinitinda kaming mga desserts like Itim, this is Thai ice cream this is lighter, less creamy and sweeter, we also have Luk Chub---"

"Luk Chub is little desserts that are shaped into mini Thai fruits or vegetable at mahirap tong gawin kaya medyo mas mahal sya and! And~ ito din yung binigay ni In kay P'Korn huhuhu, I can't believe they died!" pagsabat nung isang student na kasama din sa cooking club.

"You talked a lot Sammy," pagsaway ni ms, "meron din kaming Khanom Krok, Tup Kim Krob, Woon Bai Toey at---"

"Leum Kleun! This babies is translated as 'I forgot I swallowed', at ito din yung dessert na ginawa ni Pharm, reincarnation sya ni In! If you are interested you---"

"We're not promoting BL stories you love Sammy," paalala ni ms, "by the way, we also have drinks here. Kayo nalang ang pumili sa mga gusto nyo."

"I suggest to you the Pink Milk! Iniinom yan ni Arthit at Wayo," ngiting-ngiting sabi ni Sammy.

"Try natin?" tanong ko, tumango lang sila bilang sagot, napagpasyahan ko nalang na kumain ng Leum Kluen, Luk Chub I can't resist they are cute! Saka yung sinasabi ni Sammy na Pink Milk.

"Anong gusto nyo?" tanong ko sakanilang dalawa.

"Itim, itim pangalan pero hindi naman kulay black," sabi ni Jin.

"Syempre hindi sila pilipino kaya iba yung meaning nung itim sakanila," sagot ni Suga.

"Nagbibiro ako, okay? Kung---"

"Psst, stop fighting," pagsaway ko sa kanilang dalawa.

"Woo Bai Toey nalang akin saka lemon tea," sabi ni Suga, binigay na sa akin ni Sammy yung binili ko. Aabot ko na sana yung bayad ko nung nag-abot sila Jin at Suga ng bayad.

"Ako na," sabay pa nilang sabi, nagtinginan silang dalawa.

"Ako nalang," pagpupumilit ni Jin.

"Ako na," sagot ni Suga.

I'm Inlove With My Enemyحيث تعيش القصص. اكتشف الآن