✨Chapter 39

79 2 0
                                    

Nagsialisan na sila pagkalipas ng tatlong oras, madami pa daw kasi silang gagawin. Nagkwento din sila sa mga nangyari sa school habang wala kami ni Jennie. 

Papahiramin din daw ako ni Namjoon at Jinyoung ng mga notebook nila, sa kung ano ang mga inaral nila ng wala ako. 

Bukas ay papasok na ulit ako, makayanan ko kaya? Hindi ko maiwasang isipin si Jennie, mahirap din ang magkunwaring okay lang. Sobrang hirap.

Hindi ko binibitawan ang kamay ni Jennie, gusto kong magising na sya. Pero alam kong hindi pa sya nakakarecover lalo na't nasaksihan ko din ang nangyari sakanya.

Pag nagising sya, talagang poprotektahan ko sya. Hindi ko na syang hahayaan masaktan at mapahamak tulad ng nangyari dati, hindi ko na ata kakayanin makita syang nahihirapan.

Kinabukasan ay si mama ang naghatid sa amin ni Jiyoung, dahil nga hindi pa pwedeng magdrive si Jiyoung at isa pa, hindi ko pa din kaya. 

Nasalubong ko sila Jinyoung at Yugyeom na magkasama, nakita naman nila ako. Agad nila akong nilapitan.

"Sabay-sabay na tayo," yaya ni Jinyoung, napatango naman ako.

"Kailangan mo pa ba ng tulong?" tanong ni Yugyeom, pero umiling ako.

"Hindi na, nagawa ko ngang makaakyat sa floor ni Jennie without any one's help, ngayon pa kaya?" sagot ko, tumango naman sya.

"Kung sabi mo~ pero nasa third floor tayo, baka malate pa tayo."

"Bakit, kakargahin mo ako?" tanong ko sakanya, umiling naman sya.

"Gago ka? Ang bigat mo kaya!" reklamo nya, napailing nalang ako.

"May ilang minuto pa tayo, hindi naman siguro tayo male-late, isa pa nasa loob naman na tayo ng school," katwiran ni Jinyoung na nagdahan-dahan sa paglalakad, masabayan lang ako.

Ganon nalang din ang ginawa ni Yugyeom, nakanguso pa ang loko habang nakasabay sa amin.

"Mukhang mas naging close kayo ni Yugyeom ah?" pagsasalita ko habang naglalakad kami patungo sa building namin.

"Parang hindi naman," pagtanggi ni Jinyoung.

"Kaya nga, parang wala naman nagbago, kung pano yung turingan namin sa isa't isa," pagsangayon ni Yugyeom, paakyat na kami ng hagdanan ng may mahawig akong pigura--- familiar yon, sigurado ako kaya napatigil ako.

"Si Youngjae ata yon oh?" sabi ko sabay turo doon sa pigurang nakikita ko, sa dulo pa iyon ng hallway, mukhnag may kausap sya sa loob ng isang room.

Napasingkit naman ang mata ni Jinyoung, "medyo malabo na ang mata ko, pero parang sya nga. Malaki pwet eh."

"Ano naman ginagawa nya dyan?" pagtatanong ni Yugyeom.

"Kami nga din hindi namin alam, diba?"

"Tsk, pilay bleh," tanging nasagot nya, "hayaan na natin sya, baka may tinatanong lang o kaya naman ay nautusan ng teacher."

Napatango nalang kaming dalawa ni Jinyoung saka napagpasyahan na umakyat na, dapat ay meron ng elevator tong school eh. Ang yaman-yaman hindi man lang makapagpagawa ng elevator.

Wala kaming nagawa kung hindi ang umakyat mula first floor hanggang third floor, kung dati ay medyo hinihingal lang ako sa pagakyat, ngayon ay halos hindi na ako makahinga. Hindi nalang siguro ako dapat pumasok, letche.

"Instant sisi ka no?" tanong ni Yugyeom saka ako inakbayan.

"Gago," sagot ko, saka tinaas ang middle finger ko.

I'm Inlove With My EnemyWhere stories live. Discover now