Bente Kwatro

58 5 1
                                    


"Tandaan ninyo ang mga itinuro ni Teacher,okay?"

Nandito kami ng mga estudyante ko ngayon sa backstage. Pinapaalalahanan ko sila ng mga linyang inensayo namin ng mga nakaraang linggo. Culminating activity na kasi ngayon ng Reading Month. May entry ang advisory class ko sa Reader's Theatre.

"Opo Teacher," sabay-sabay naman nilang sagot.

Ang cute! Sa tuwing nakikita ko ang mga pupils ko ay kakaibang saya ang nararamdaman ko. Sobrang fulfilling maging teacher. Hindi ko nga alam kung bakit minamaliit ng iba ang profession na ito. Maliit daw ang sweldo.

Hindi lang naman sweldo ang basehan para masabing successful ang isang tao sa career na napili niya. Para sa akin ay tunay na successful ang isang tao kung masaya siya sa ginagawa niya, kung masaya siya sa napili niya. I can proudly say that I'm happy being an elementary teacher.

It's all about passion.

Todo suporta ako sa mga pupils ko habang nasa stage sila. Nakakatuwa talaga kasi kayang-kaya nilang humarap sa mga tao sa murang edad.

When they finished, I clapped hard. These are my students and they deserve all the support.

Masaya ko silang sinalubong sa backstage at niyakap.

"Congratulations! Ang gagaling niyo," teary-eyed na ako. Gosh! Ang drama ko.

"Teacher kinakabahan nga po ako kanina e," sabi ng isa kong pupil habang kumakapit sa braso ko.

"Ako din po. My hands were very sweaty," sabi pa ng isa habang ipinapahid ang kamay sa palda.

"It's alright. You did well guys. I'm very proud of you. Dahil d'yan iti-treat ko kayo ng ice cream!" Nakangiti kong sabi sa kanila.

Nagtalunan naman sila at kitang kita ko sa kanilang mukha ang saya.

These moment, these were priceless.

I ordered gallons of ice cream and let them eat merrily. Nakangiti ko silang pinapanood kumain. Bigla namang may kumalabit sa akin at napangiti ulit ng makita ang isa kong pupil.

"Teacher, ice cream po," iniabot niya sa akin ang isang cup ng ice cream. My heart is melting!

After dismissal ay niligpit ko lang ang mga nagkalat na cups sa classroom. Sumabay na lang din ako kayna Reyanne pag-uwi.

"Xeres, may balak ka bang bumalik sa Manila?"

Curious si Reyanne sa buhay ko. Dumating lang ako dito sa probinsiya na 'to na wala silang kaalam-alam tungkol sa mga pangyayari sa buhay ko noon.

They knew I have a reason why I ended up here but they chose not to stick their noses into my business. I'm glad they respect my privacy.

"I don't know. Maybe in the future I'll come back, but definitely not now," sagot ko na lang.

Gusto ko nga bang bumalik sa Manila? Handa ko bang balikan ang lugar na iyon?

Ayoko na siguro. Masaya na ako sa tahimik na buhay dito.

Kinabukasan ay nagklase lang ulit ako. Naalala kong kakausapin ko nga pala dapat si Luther kaya lang ay naging busy ako dahil sa program.

Tattooed Soul (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon