Tres

187 83 16
                                    

Nakatulala ako sa Community Engagement Solidarity and Citizenship class ko. It's been three days since that clubbing happened. Hindi ko makakalimutan kung gaano ako na-disappoint nang gabi na yon.

May sumundot sa tagiliran ko. Irita kong nilingon si Chynna, seatmate ko.

"Ano ba?" I annoyingly looked at her. Inginuso lang niya ang harapan. Napatingin naman ako doon.

Ma'am Lyka is glaring at me. Napansin kong tahimik rin ang buong klase. What now? Tahimik naman ako dito ah! I didn't disturb her class!

"Miss Sandoval, if you can't listen to my class you are free to leave," she said. Irritation was evident in her voice.

"I am sorry Ma'am," hingi ko ng tawad. I also bowed my head. Ayoko nang pahabain pa ang usapan.

Nagpatuloy na ulit siya sa pagdi-discuss. Napatingin ako kay Lena at natatawa siyang nakatingin sa akin.

"Stop thinking about Achilles," she mouthed.

I rolled my eyes at her. Tumawa ulit siya and signalled that we'll talk later.

Humarap na lang ako sa teacher namin. After discussion, nag-quiz lang kami. Okay naman ang scores ko.

The bell rang, hudyat na dismissed na ang klase. Niligpit ko naman ang mga gamit ko. Tamad na tamad ko 'yong ginawa.

Naramdaman kong lumapit si Alena sa tabi ko.

"Tama na kasi pag-iisip sa Aki na yon, girl!" humahalakhak niyang kumento.

I made faces and rolled my eyes in the end.

"You never told me that he's the serious type," saad ko. "Which is good!" I added.

Hindi kasi ako makapaniwala! I expected for us to do some chitchats or maybe coffee or whatever but not like that! Literal kasi na we breathed fresh air, dalhin ba naman ako sa park.

Inip na inip akong nakatayo doon sa swing nang bigla siyang magtanong if he could court me. Dahil sa pagkabigla, tumakbo ako palayo at pumara ng taxi pauwi. Hindi ko tuloy alam kung paano haharapin si Aki kung sakali. Takbuhan ko ba naman sa first meet namin.

"So what's your plan now?" Naglakad kami papunta sa cafeteria. Binabati ni Lena 'yong mga nakakasalubong niyang kasama sa cheering.

"Kapag tinanong niya ulit ako syempre papayag na ako. Aki ba naman manligaw sayo sinong hindi papayag? Nabigla lang talaga ako nang gabing 'yon," kinikilig kong saad at hinampas si Lena.

Aki is the team captain of Esther Academy's basketball team. There are lots of girls fangirling him and I can say that those are real bitches! I can't imagine there reactions once they find out that Aki is courting me.

"Akala ko magpapabebe ka pa dyan. Hindi ko kasi maintindihan kung bakit mo siya tinakbuhan." Humagalpak ang tawa niya nang sobrang lakas. Napalingon ang ibang estudyante sa amin. Agad ko namang tinakpan ang bibig niya kasi nakakahiya. Para siyang nakalunok ng megaphone! Kanina niya pa ako tinatawanan at inaasar.

"Buti pa 'yong bike may preno, 'yang bunganga mo wala," I said rolling my eyes at Lena. She just smirked at me.

Nakarating na kami sa cafeteria at nag-order lang kami tapos humanap na ng bakanteng table. Busy kami sa pagchichismisan nang may maglapag ng tray sa tabi ko.

Napatingala ako only to see Aki wearing his usual smirk. I eyed Lena and became uncomfortable in my seat. What's he doing here? Pwede ba ang outsider sa school namin?

"Can I sit here?" he asked still smiling.

"Sure!" Halata rin kay Lena na nagulat siya.

She looked at me accusingly. Mukha na naman siyang ready mang-asar so I glared at her.

Tattooed Soul (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon