Disinwebe

89 13 2
                                    

6 years later..

"Kumalma ka nga dyan anak. Ako ang siyang nahihilo sa'yo," napapailing na wika ni Mama at sinapo ang ulo niya.

Kanina pa ako paikot-ikot dito sa sala. Hindi ako mapakali. Nanlalamig ang mga kamay ko at talagang kinakabahan na ako.

"Xeres!" sumigaw na si Mama. Sobrang nahilo na 'ata sa akin.

Nakabusangot ang mukhang umupo ako sa tabi niya. Napahilamos ang isang kamay ko sa aking mukha habang mahina namang kinakatok ng isa ang ulo ko.

"Ma, I can't calm down. No matter how I try, I just can't!" frustrated kong sabi.

Grabe! Ganito ba talaga ang feeling noon?

"Wag kang mag-alala, papasa ka doon. Tiwala lang. Alam kong matalino ka," hinaplos ni Mama ang buhok ko.

I took the Licensure Examination Test at ngayon ang release ng results noon! Kabado kong nginatngat ang kuko ko. Natatakot ako. Paano kung hindi ako pumasa? Ayaw ko nang mag-test ulit ng isa pa! Gusto kong pumasa na ako!

Nakarinig kami ng isang katok kaya sabay kaming napalingon ni Mama. I slightly smiled at the visitor. Gusto ko mang ngumiti ng malawak sa kanya ay hindi ko magawa dahil sobra akong kinakabahan!

"Magandang tanghali, Tita Harriete. H-hi Xeres," Kylo stuttered. Kabado siyang kumaway sa akin. May bitbit siyang isang pinggan ng pancit sa kaliwang kamay.

Medyo natawa ako dahil balita dito na may gusto daw sa akin 'yan si Kylo. Palaging nauutal kapag nakikita ako. Iba talaga ang kamandag ko.

Magkasama na kami ni Mama na nakatira dito sa Mindoro. Tahimik dito. Payapa. Friendly ang mga tao. Masaya ako dahil magkasama na kami ni Mama kung saan peaceful ang paligid.

Dito na ako nag-college. Hindi man ako nakapag-aral sa gusto kong eskwelahan sa Manila ay okay na din. I graduated under my course Bachelor of Science in Elementary Education Major in Filipino.

Dito na rin naging maayos ang buhay.

Dito ako nakalimot.

"Pasok ka, Kylo. Salamat sa pancit ha? Sino ba ang may birthday?" tanong ni Mama na nakangiti.

"Si Nanay po," maikling sagot naman ni Kylo.

Kinuha ni Mama ang dala ni Kylo at dumiretso sa kusina. Naiwan tuloy si Kylo sa pinto at hindi alam ang gagawin. Napangisi na naman ako.

"Kylo, upo ka dito." Iminuwestra ko ang upuan sa tabi ko.

I bit my lips to stop myself from smiling. Nakakatuwa talaga siya! Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya. Kung lalapit ba siya o ano.

Pinagtaasan ko siya ng kilay kaya naman dali-dali siyang lumapit at umupo sa tabi ko. Hindi ko na napigilan kaya humalakhak na ako ng malakas.

"W-what's funny?" naguguluhang tanong niya sa akin.

"Nothing." Amused na amused ko siyang tiningnan, halatang naiilang. Napakamot siya sa ulo at umiwas ng tingin.

Bumalik na si Mama dala ang hugas na pinggan. Umupo rin siya sa upuan, doon sa tabi ko kanina. Mahaba naman kasi ang sofa na iyon. Nasa single couch naman si Kylo.

"May gagawin ka pa sa inyo?" tanong ni Mama. Umiling lang si Kylo.

"Dumito ka na muna. Ngayon ang labas nang results nang board exam ni Xeres. Hintayin natin!" masayang sabi ni Mama. Pumalakpak pa na parang bata.

Napaka-mature!

Ngumiti naman si Kylo at tumango kay Mama. Nagpatuloy sila sa pagkukwentuhan habang bumalik naman ang kaba sa akin. Nanahimik lang ako sa isang tabi habang pinipigilan ang panginginig ng mga kamay ko.

Tattooed Soul (UNEDITED)Where stories live. Discover now