Bente Uno

75 9 0
                                    

"Landi mo, Reyanne," puna ko.

We spent the entire lunch talking about the Engineer from Manila. Mukhang excited na magka-lovelife si Reyanne. Tigang lang girl?

Noong hapon ay nagkaroon ng meeting ang elementary teachers. Naging attentive naman ako at paminsan ay nagbibigay ng suggestions.

May gaganapin daw kasing program in connection sa Reading Month. Nag-brainstorming lang kung paano mapapaganda ang program.

Inintay pa ako nina Reyanne pag-uwi kahit na-late ako ng konti. Ayaw daw kasi ni Reyanne na mag-isa akong uuwi, gusto daw niyang kasama ako para may panakot sila sa multo kung sakali.

Pagdating sa bahay ay nag-dinner lang kami ni Mama. Wala akong masyadong gagawin ngayong gabi kaya napagdesisyunan naming manood.

Friday ngayon kaya walang pasok at pwede mag-chill. Nag-Netflix kami at tinawag din sina Reyanne. Wala daw naman silang gagawin.

Dumating si Reyanne na may bitbit na isang pack ng fries. Kasama din niya si Kylo as usual. Magkapitbahay kasi sila. Ako naman, pitong bahay lang ang agwat sa bahay nila.

"Yan, ganyan nga Reyanne. Mag-ambag ka ng pagkain hindi yung laging ikaw kumakain," pang-aasar ko pa sa kanya. Binato ko sila ng unan na agad din naman nilang nailagan.

"Tita Harriete, anak niyo po bastos ang bunganga," sumbong ni Reyanne. Ibinato niya pabalik ang unan.

Tumawa lang si Mama. Biglang inabot ni Reyanne ang fries kay Kylo.

"Kylo,magluto ka," utos ni Reyanne.

"Dinala mo ako dito para gawing utusan. Galing mo," reklamo ni Kylo. Nag-reklamo pa pero sumunod din naman. Dumiretso sa kusina si Kylo.

Umupo si Reyanne sa tabi namin ni Mama, bale nasa gitna si Mama.

"Tita Harriete ampunin mo na lang po kami," pagpapa-cute ni Reyanne. Kumapit pa siya sa braso ni Mama.

Tinampal ko ang mga kamay niyang nakakapit kay Mama.

Tumawa siya at nanood na lang. Dumating na si Kylo dala ang lutong fries. May dala din siyang ketchup na may halong mayonnaise.

"Ayoko nga kasi ng may cheese!" Binato ni Reyanne si Kylo ng fries.

"Gusto nina Xeres na may cheese," sagot naman ni Kylo.

"Paano ako? Ayoko nga nito!" Ipinadyak pa ni Reyanne ang paa.

"Sige, pumunta ka doon at magluto ka! Arte mo." Itinulak ni Kylo si Reyanne patayo.

"Nananadya ka talaga!" Inis na tumayo si Reyanne at pumunta sa kusina.

Nanood lang kami magdamag habang si Mama naman ay maagang natulog. Umuwi rin sina Kylo pagkatapos ng movie.

Inaantok man ay maaga rin akong gumising kinabukasan para tulungan si Mama na maglaba. Dalawa lang naman kami kaya kaunti lang ang labahin.

Buong weekend naman ay ginawa ko ang Daily Lesson Logs ko. Nagsimba rin kami noong linggo.

"Reyanne, wag kang papasok baka masunog ka," biro ni Kylo. Hinigit niya ang damit ni Reyanne kaya napaatras si Reyanne.

Pinakatitigan siya ng masama ni Reyanne. Hindi rin naman nagpatalo si Kylo.

"Ikaw ang demonyo sa ating dalawa. Hmp!" Umirap si Reyanne at nagmartsa na papasok sa loob.

Thankfully, tahimik kami buong misa. Noong Our Father lang muling nagkaroon ng pagtatalo.

"Ayoko ngang hawakan ang kamay mo! Pasmado," bulong ni Kylo kay Reyanne.

"Kapal ng mukha mo," ganti ni Reyanne. Hinigit ni Reyanne ang kamay ni Kylo at pilit hinawakan.

Kapag talaga magkasama itong dalawang 'to laging magkabangay! Parang aso at pusa.

"Wala talaga kayong breeding!" Hinampas ko silang dalawa pagkalabas namin ng simbahan.

"Excuse me, 'yong isa kasi dyan pasmado ang kamay. Kadiri. May alcohol ka ba dyan, Xeres?" Lumapit sa akin si Kylo at hinila-hila ang bag ko.

"Aba't!" Hinabol ni Reyanne si Kylo.

Tumatakbo sila hanggang makarating kami sa bahay. Bahala sila dyan, hindi naman ako ang napapagod.

Kinabukasan ay mag-isa akong pumasok. Nauna na sina Reyanne kasi kailangang maaga daw sila para maghanda. Ngayon kasi ang pagbisita ng gagawa ng bagong building.

Nasa faculty room ako ngayon kasi wala pa akong klase, vacant ko.

"OMG! Super pogi ng Engineer! Like I know he's the one na," Diadem shrieked. Nagtitili siya sa table niya na parang tanga doon. Kaming dalawa lang sa faculty room kasi may klase ang ibang teachers.

"Elementary teacher ka, Diadem. Paano ka nakarating sa High School Dept.?" tanong ko sa kanya.

"Pake mo ba? Don't mind me nga!" She rolled her eyes. Nagpaganda na siya doon. Nagpahid ng kung ano-ano sa mukha.

Nag-ring ang cellphone ko at nakita kong tumatawag si Reyanne. Sinagot ko kasi baka importante.

"Giiirrrlll!"

Nailayo ko ang cellphone ko sa tenga ko. Nabingi ako sa pagsigaw niya.

"Ang pogi ni Engineer!"

I rolled my eyes. Pati pala siya nabiktima ng Engineer. Sobrang pogi ba para pagtilian ng mga babae yun?

Naging busy ako kaya hindi ako nakasabay sa kanila ng lunch. Sa faculty lang ako kumain.

Sabag-sabay pa rin naman kaming umuwi nung hapon.

Narindi lang kami ni Kylo sa pagkekwento ni Reyanne tungkol sa gwapong Engineer.

"Gosh, hindi ko alam kung may garter pa ba ang panty ko. Nahulog ata nung nakita ko siya," pagkukwento ni Reyanne. Kulang na lang ay maghugis puso ang mga mata ni Reyanne.

"Kadiri talaga 'to," sabi naman ni Kylo.

"Sayang ka Xeres! Dapat sumabay ka sa amin ng lunch. Sa cafeteria din siya kumain. Hindi mo nakita ang kagwapuhan ni Engr. Flaze!" tumitiling sabi ni Reyanne.

Engr. Flaze?

Familiar. May kakilala ba akong Flaze? Saan ko nga ba narinig 'yon?

Tattooed Soul (UNEDITED)Where stories live. Discover now