Bente Dos

71 10 1
                                    

"Xeres, sa High School ka na mag-lunch mamaya para makita mo si Engineer!"

Iyon ang bungad sa akin ni Reyanne pagdating niya dito sa bahay. Nakikikain na naman siya ng almusal. Hindi niya kasama si Kylo kasi nauna nang pumasok. Maghahanda daw para sa observation niya.

"Sino naman 'yang kinahuhumalingan mo, Reyanne?" Pag-uusisa ni Mama.

"Ay naku, Tita Harriete! Sobrang gwapo ni Engr. Flaze!"

Nagkwentuhan lang sila ng nagkwentuhan doon hanggang sa nagpaalam na kami kay Mama.

"Huwag munang mag-aasawa Reyanne, ah?" Nakangiting paalala ni Mama.

Ngumiti din naman pabalik si Reyanne. Kinawayan na lang namin si Mama paalis.

I did my usual routine in school. I taught the students in third grade. When lunch came, I decided to eat at the High School Department. Para na rin makita ko yung sinasabi nilang gwapong Engineer.

Don't get me wrong, hindi ako interested. Okay fine. Interested ng konti pero hindi kagaya ng mga tao dito na parang in love na agad sa kanya.

Para kasing familiar talaga yung pangalan niya.

Flaze

Saan ko nga ba narinig yun?

Inikot ko ang paningin ko pagdating doon. Wala naman akong nakitang bagong mukha.

Nagkibit-balikat na lang ako at lumapit kina Reyanne at Kylo.

Nakasimangot na tumingin sa akin si Reyanne.

"What?" I asked.

"Nakakainis naman! Bakit wala yata siya dito?" She pouted.

"Baka nagsawa na sa pagkain dito. Lumipat siguro sa iba o kumain sa labas," simpleng sagot naman ni Kylo at nagsimula ng kumain.

"Hindi ka ba makakakain kapag wala yun dito?" Tanong ko naman kay Reyanne.

Huminga lang siya ng malalim at nagsimula na ding kumain.

Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng marinig ko ang singhapan sa paligid. Narinig ko rin ang ilang bulungan ng mga high school students.

"Kyah! Si Engineer!" Reyanned shrieked.

Tss. Ang OA!

"Xeres, nasa likod siya ng table natin so basically, nasa likod mo siya," lumapit sa akin si Reyanne at bumulong.

Dahan-dahan akong lumingon at nakita ang isang nakatalikod na lalaki.

He's wearing a light blue long-sleeved polo folded right below his elbow.

Kaya lang ay likod niya lang talaga ang nakikita ko. Inintay ko pa ng ilang minuto na humarap siya pero hindi niya ginawa kaya bumalik na ako sa pagkain ko.

"He's so hot," Reyanne mouthed.

"Partida likod pa lang niya yan Reyanne tingin mo hot na siya. Wala pang mukha girl," sabi ko naman at sumubo ng kanin.

"Basta hot siya kapag nakita mo," sabi na lang niya.

Biglang nasamid si Kylo kaya sa kanya nabaling ang atensyon namin.

"T-tubig," parang kinakapos na siya ng hininga at pinupukpok pa ang dibdib.

Agad ko namang inabot sa kanya ang tubig sa harap ko. Maya-maya ay kumalma na siya.

"Ano? Buhay ka pa?" Pang-aasar ni Reyanne.

"Halos mamatay na si Kylo aasarin mo pa. Wag ganun Reyanne. Dapat ba hindi ko na lang inabutan ng tubig?" Sabay ngisi ko kaya napahalakhak naman si Reyanne.

Tattooed Soul (UNEDITED)Where stories live. Discover now