Trese

85 28 8
                                    

Um-attend ako ng klase nang wala gaanong pinapansin. Civil lang din naman ang pakikitungo sa akin ng mga kaklase ko.

Hindi ko na rin sinubukang tingnan pa si Lena though naririnig ko ang boses niya. Pinapalibutan siya ng iba naming kaklase.

She finally got the attention she wanted, huh?

I smirked.

Kulang pala sa pansin ito si Lena. How pathetic!

It's sad how fame affects people. Kayang gawin ang lahat mapansin lang. Nakakaawa ang mga taong punong-puno ng insecurities sa katawan.

I snapped out of my thought when I heard the strumming of a guitar. Napatingin ako sa harapan and my mouth formed a big O.

Aki is leaning on the board while handsomely strumming the guitar.

Some of my classmates stood up and handed me roses. I saw Lena walked out of the classroom.

What's going on? Bakit may pa-ganito?

He sang me a song, his eyes never leaving mine.

Pagkatapos kumanta ay lumapit siya sa akin at bumulong.

"Happy 1st month of love, Xena,"

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. It's our monthsary!

How silly of me to forget. I mentally slapped myself.

Ganoon na ba kadami ang iniisip ko para makalimutan ang araw na ito? Pinamulahan ako ng mukha.

Nakakahiya. Wala man lang akong ginawa.

"I'll meet you after class," yun lang ang sinabi niya at hinalikan ako sa noo.

Hindi nakatakas sa pandinig ko ang impit na tilian ng mga kaklase ko.

Excited na ako na matapos ang klase para sa araw na yon. Kulang na lang ay i-adjust ko ang wall clock para mag-time na.

Kaya naman nang mag-dismiss ang aming subject teacher ay dali-dali akong lumabas. Tumakbo ako papunta sa CR para ayusin ang sarili ko.

Ilang beses ko pang pinasadahan ng tingin ang sarili ko at nang makuntento ay ngumiti sa harap ng salamin.

"Ganda mo talaga, Xena! Kaya madaming naiingit sayo." Natawa ako sa sarili ko.

Nababaliw na yata ako dahil kinakausap ko na ang sarili ko.

Bago lumabas ay nag-spray pa ako ng pabango.

I texted Molly that I'll go home late.

Mahinhin akong naglakad papunta sa parking lot. Na-realize ko din naman na ang plastic ko kasi hindi naman ako mahinhin kaya bumalik ang lakad ko sa normal.

Ano ba, Xena? Para namang first time niyo magkikita ni Aki.

Napahalakhak ako sa isiping iyon. We're really together. Parang kailan lang ay crush ko pa siya. Who would have thought that he likes me too?

Oh well, life is unpredictable.

Dinala muna ako ni Aki sa isang kilalang botique sa mall para makapagpalit. He's spoiling me. Ayaw ko nang ganito dahil baka masanay ako.

After changing into an off-shoulder dress and a pair of sandals, lumabas na ako sa fitting room at ipinakita ang itsura ko.

The dress is simple but classy. This is just my style.

"You're stunning," nakangiting bati ni Aki.

Umikot pa ako sa harap niya at humalakhak.

Binayaran niya lang ang mga pinamili niya. He also bought his own clothes and changed.

Tattooed Soul (UNEDITED)Where stories live. Discover now