Disiotso

82 19 3
                                    

"Ang baby ko."

Iyon ang una kong binanggit nang magising ako. Namalayan ko na lang na nakahiga ako sa isang hospital bed.

Nasa hospital ako? Ibig sabihin alam na nila.

Nakakapagtakang wala akong maramdamang takot sa isiping nalaman nila. Kasi sa totoo lang, ang laman lang ng utak ko ay ang baby ko.

Napakapit ako sa tiyan ko, dahan-dahang hinahaplos ito.

"Baby ko, anak ko. Kapit ka lang, ah. Mahal ka ni Mommy," nakangiti ako habang kinakausap ang buhay sa loob ng tiyan ko.

Napatingin ako sa gilid ko nang may marinig akong hikbi. Nakita kong natutop ni Mama ang bibig.

Malungkot ba siya? Bakit siya umiiyak?

Napangiti ako kasi nandito si Mama.

Masaya akong tumingin sa kanya habang itinuturo ang tiyan ko.

"Mama, look oh. May baby sa tiyan ko," I beamed. Malawak ang ngiti ko, masayang-masaya. "Baby, andito ang lola mo. Pero chill ka lang diyan, makikita mo din siya paglabas mo."

"Xena," hindi na napigilan ni Mama na pumalahaw ng iyak.

Kunot ang noong tinitigan ko siya. Bakit siya umiiyak gayong dapat ay masaya siya?

Kitang-kita ko ang sunod-sunod na pag-agos nang luha ni Mama. Nanginginig ang mga kamay niya nang hawakan ang kamay ko.

Napatingin ako doon. Naguguluhan ako.

"Mama, why are you crying? Stop crying," pag-aalo ko sa kanya.

"Xena anak, may masakit ba sa iyo? Okay ka lang ba? Nagugutom ka? Anong gusto mo?"

Narindi ako sa dami ng tanong ni Mama. Alalang-alala siya, pero masaya ako kasi nandito siya ngayon at nag-aalala sa akin. Hindi na siguro niya ako ulit iiwan. Dito na lang siya sa tabi ko. Mas gusto ko iyon.

"Wag mo akong iiwan Mama ah," I said pleadingly, with a smile painted on my face.

Tumango tango siya kahit patuloy lang ang pag-agos ng luha niya.

Naguguluhan pa din ako kung bakit siya iyak ng iyak.

Mas lumakas ang hikbi ni Mama kaya bigla siyang lumabas. Nagtataka man ay hinayaan ko na lang.

"Baby, pasensya ka na sa Lola mo. Masyadong emotional," humahagikhik na pagkausap ko sa tiyan ko.

Nabasa ko kasi dati na maganda kung kinakausap ang baby habang nasa loob ng tiyan para daw ma-familiarize sa boses ng nanay. Masaya din daw kasi ang baby kapag kinakausap.

Nakangiti kong hinaplos-haplos ang tiyan ko. Fetus ka pa lang pero mahal na mahal kita.

Pinalipas ko ang oras ko sa pamamagitan ng pagkausap sa baby ko. Kinakantahan ko pa siya. I've also read that music is good for the baby.

Bumukas ang pintuan at iniluwa noon si Lena. Agad na nawala ang ngiti ko.

"Anong ginagawa mo dito? Sino ang nagpapasok sa'yo?" nakataas ang kilay kong tanong sa kanya.

Tipid siyang ngumiti at nag-aalinlangang lumapit sa akin.

"Kamusta na, Xena?" Umupo siya sa gilid ng kama. Bahagya akong napausog papalayo ngunit tumigil rin nang matanto na maliit lang ang kama at baka mahulog ako.

"Ayaw kitang makita," diretso kong sabi. Umiwas ako ng tingin.

Narinig kong humugot siya ng malalim na hininga.

"Gusto ko sanang mag-sorry sa'yo," malamlam ang boses niyang pakiusap. Hinawakan niya ang kamay ko at diretsong tumingin sa mga mata ko.

Nailang ako kaya tumingala ako.

"Xena, tingin ka sa akin. Wala ako dyan sa kisame." Bahagya pa siyang natawa sa sinabi niya.

"Pasensya ka na," panimula niya. "Pasensya na sa naging intensyon ko sa pakikipagkaibigan ko sa'yo, pero gusto kong malaman mo na sa ilang taon kitang nakasama, minahal kita bilang tunay na kaibigan." May kumawalang luha sa mata niya. "Kaya, Xena, sana mapatawad mo na ako. Smile ka na. Xena and Lena tayo, diba?"

Napatingin ako sa kanya. Bumuntong hininga ako at ngumiti sa kanya. Halata namang nagulat siya.

Sinabi ko na sa sarili ko na ayokong magtanim ng galit. Besides, I consider Lena as my sister.

Nagkwentuhan kami tungkol sa mga pangyayari noong hindi kami magkasama. Aminado naman akong na-miss ko si Lena at masaya ako na magkaayos na kami.

Nagpaalam na rin siya agad kasi bibisita daw ang mga magulang niya. Galing probinsiya kasi si Lena, pero dito na siya nag-aral sa siyudad kasama nang kuya niya.

Naramdaman kong dinadalaw na ako ng antok kaya umidlip muna ako. Nakatulog akong may mga ngiti sa labi habang hinahaplos ang tiyan ko.

Naalimpungatan lang ako dahil sa mahihinang bulungan sa tabi. Mahihinang bulungan iyon pero bahagya ko pa ring naririnig ang pag-uusap nila.

"Hindi ko naman alam na may ganyan na siyang problema, Harriete," rinig kong bulong ni Tita Maddie.

Napabuntong hininga si Mama.

"Hindi ko alam ang gagawin ko. Baka mabaliw siya kapag nalaman niya," sabi naman ni Mama.

"Paano 'yan? Papaniwalain mo siya na buhay pa ang anak niya? Hindi ba at mas lalo mo lang siyang papahirapan kung ganoon?"

Tumigil ang mundo ko. Nabingi yata ako? Anong ibig nilang sabihin?

Hindi pwedeng patay na ang baby ko. Alam ko andito pa siya sa akin.

Alam ko.

Nararamdaman ko.

Kausap ko pa siya kanina, kinakantahan ko pa.

Hindi na ako nakapagpigil at humarap na sa kanila at nagsalita.

"Anong ibig niyong sabihin? Anong meron sa anak ko?" Nanginginig na ang buong katawan ko at parang gusto ko na lang magwala.

Tumungo lang si Tita Maddie at napatingin naman sa malayo si Mama.

"Ma! Tita Maddie! Sumagot kayo!"

"Anak, kumalma ka," nag-aalalang wika ni Mama. Dali-dali siyang lumapit sa akin at hinawakan ang balikat ko.

Marahas na ang paghinga ko at sunod-sunod na ang pagtulo ng luha ko.

"Ang baby ko," I sobbed. "Anong nangyari sa baby ko?!"

Naramdaman ko ang sakit sa ibabang parte ng tiyan ko nang hindi ko mapigilan ang pag-iyak. Sinisinok na ako.

"Xena, wag kang umiyak. Baka bumukas ang tahi mo!" hindi na napigilang sigaw ni Mama.

Napatingin ako kay Tita Maddie, nanghihingi ng sagot -ng eksplenasyon, ng kumpirmasyon.

"Xena, wala na ang baby." Napaiyak na rin si Mama kaya kaagad naman siyang dinaluhan ni Tita Maddie.

Hinaplos niya ang likod ni Mama.

"Hindi! 'Yong anak ko. You're lying. You're lying!"

Hindi maaari.

Kasalanan ko ito.

Kung sana naging maingat ako. Kung sana hindi ako nadulas. Kung sana hindi ko sinagi ang bote ng shampoo.

Naging malikot ako at inaalis ang kamay ni Mama sa balikat ko. Dumugo na din ang swero ko.

"Tell me you're lying!"

Sumasakit ang kamay ko at ang tiyan ko pero wala ng mas sasakit pa sa nararamdaman ng puso ko.

Ang baby ko.

Sumigaw ako nang sumigaw. Wala akong pakialam kung bumukas ang tahi ko, ang gusto ko ay ibalik nila ang baby ko.

Nagtawag ng doctor si Tita. Dali-dali silang dumating at may itinurok na kung ano sa braso ko.

My system felt weak and then, my eyelids closed.

Tattooed Soul (UNEDITED)Where stories live. Discover now