24

1.2K 31 4
                                    

Nakaupo. Tulala. Pinag mamasdan ang mundo mula rito sa aking bintana.

Bakit ang saya nila habang nag lalakad? Hindi ba nila alam na malungkot ako? Bakit ang saya nila at samantalang ako ay malungkot? Hindi ba pwedeng kahit isang minuto lang ay maki ayon saakin ang mundo?

Isang buwan na ang nakalipas. Wala akong nabalitaan tungkol sa kanya. Hindi na siya pumasok at pati na rin si Damon.

Sinubukan kong intayin si Daphne upang tanungin kung saan sila nakatira ngunit siya ay naglaho na rin.

Ano ba ang nangyayare? Bakit ganito ang naging takbo ng buhay ko? Akala ko malaya na ako sa pighati na hatid ng mundong ito ngunit hindi pala.

Isang buwan palang naman diba? Siguro naman darating siya ulit at sasabihin niyang "joke" lang ang lahat ng iyon o di kaya sasabihin niyang nadala lang siya ng kaniyang emosyon at hindi niya sadya.

Kaya't nag hintay  pa ako...

Apat na buwan ang nakalipas, wala pa rin.

Pinapaulanan ko ng email si Daphne ngunit hindi siya sumasagot.

Sinubukan kong tanungin ang mga kaklase ko kung saan nakatira sila Damon ngunit wala akong nakuhang impormasyon.

Sinubukan ko ring tanungin ang adviser namin ngunit bawal sila mag share ng personal information.

Wala akong magawa.

Wala akong magawa kundi mag hintay, umupo, tumunganga, at pag masdan ang mga tao mula sa bintana ko.

Mag hihintay ako. Ganun naman diba ang ginagawa kapag nag mamahal? Nag hihintay?

Kaya patuloy akong mag iinatay...

Anim na buwan.

Anim na buwan na ang nakalipas ngunit eto parin ako. Nakatulala at naka upo. Parang hindi ko na nararamdaman ang luha na umaagos mula sa aking mga mata sapagkat nasasanay na ako.

Hanggang kailan ako mangungulila?

"Seil? Apo?" Kumatok si papang sa pintuan.

Pinunasan ko kaagad ang mga luha sa aking mga mata at binuksan ko ang pintuan ng aking kwarto.

"Kamusta?" Tanong niya habang naka ngiti.

Yung ngiti ni papang, totoo at walang daplis na pag kukunwari. Sana makangiti rin akk ng ganyan.

"A-Ayos lang ho" sabi ko

Hindi ako makatingin sakanya ng maayos, natatakot ako. Natatakot ako na makita niya ang nararamdaman ko sa pamamagitan ng aking mga mata.

"Weh?" Tumawa siya ng mahina at umupo sa aking kama "mukhang hindi naman ata, iha? Baka gusto mong pag usapan yan?"

Hindi ko na lamang sinagot ang sinabi ni papang at nag patuloy nalang ako sa pag tingin sa ang bintana.

Full moon. Nananadya ba ang mundo?

"Ang ganda ng buwan diba?" Banggit ni papang ngunit hindi ko siya pinapansin.

"Ganyan ang buwan noong isinilang ka sa mundong ito, iha" tumawa siya ng mahina "sobrang saya at ligalig mo pa noon kahit lagi kang pinapagalitan ng nanay mo hahahaha hays nakaka miss" kwento niya

Ngunit wala akong reaksyon, tumititig lamang ako sa buwan.

"Pakiramdam ko nga sinadya ng sansinukob na ipanganak ka sa mismong full moon. Kasi para ganoon ka" naging seryoso ang boses ni papang "buong buo kahit anong mangyare. At binibigyan mo kami liwanag"

Hindi ko na napigilan ang pag agos ng aking mga luha.

"Pero bakit parang hindi na ikaw ang Seil na yon, apo? Anong nangyare?" Tanong niya

Kahit ako, papang. Hindi ko rin alam kung bakit ganito ang nangyayare.

"Ngunit napag tanto ko, hindi pala lahat ng bagay ay nananatili habang buhay. Siguro kailangan ko nalang tanggapin na nag bago ka, iha. Ngunit napapaliwanag mo panaman ang mga mundo namin. Kaso half moon kanangalang" tumawa si papang ng mahina.

Samantalang ako? Humahagulgol ng palihim. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

"Pero kahit anong mang yare, iha. Andito lang ang papang ha? Mahal na mahal kita kahit ika'y masungit na hehe. O siya, maiwan na kita baka may ginagawa ka pa."

Ilang segundo pa ay narinig ko ang pag sara ng pintuan.

Wala akong nagawa kundi umiyak.

Buong buhay ko, akala ko ay walang nag mamahal saakin. Akala ko ay hahanapin ko pa, ngunit nasa tabi ko lang pala ang taong nag mamahal sa akin ng tunay, si papang.

Siguro nga.

Siguro nga bulag ako sa ideyang may cocompleto pa saakin kahit completo naman ako.

Nabulag ako sa kung anong gusto ko, kaya't hindi ko na kikita kung ano ang meron ako.

Marlboro BlackWhere stories live. Discover now