11

1.9K 27 0
                                    


Hindi ako makatulog

Nakakahiya. Bakit ko hinayaang yumakap siya sa'kin?

Umiiyak ako na para bang namatayan ako. Hindi ko alam pero ang gaan sa pakiramdam. Parang libo libong tinik ang na bunot sa dibdib ko.

Iniyak ko na lamang lahat ng luha ko hanggang sa tumahan na ako pa unti unti ngunit may napag tanto ako—

"Okay ka na ba?"

Shit! Nakayakap nga pala ako sa baliw na 'to.

Agad akong umayos at tumingin sakanya.

Nakatulala lamang ako at tila ba parang naging in slow motion ang lahat.

Dahan dahan siyang gumiti ng konti at hinawi ang mga buhok na naka tabon sa aking mukha.

"Mukha kang batang uhugin HAHAHAHAHA" sabi niya sabay tumawa na para bang walang bukas.

Nainis ako at inayos ang sarili tsaka umalis na.

Nakakahiya

Pero bakit?

Bakit hinayaan ko siyang bulabugin ang katahimikan ko?

At bakit parang maayos ako at hindi ko na naiisip ang mga negatibo na bumubulong sa utak ko?

Epekto ba niya 'to?

O sadyang ang katahimikan ay sakim? Kapalit ng pananakit ng ibang tao ay ang negatibong mag sasalita sa utak mo?

Ang gulo. Sobrang gulo.

Marlboro BlackWhere stories live. Discover now