18

1.4K 32 3
                                    

Naka tulala.

Hindi nanaman ako makatulog nang dahil sa mga bumabagabag sa utak ko.

Una, yung biglaang pag kawala ni Luci. Pangalawa, yung sagot ni Damon sa tanong ko at panghuli, yung mga sinabi nya.

Pagkatapos ng usapan namin habang nag kakape, nag desisyon na akong umuwi dahil gabi na.

Umalis na kami sa aming kinauupuan at pumunta ng parking lot.

"Uhm, siguro dito nalang ako, mag hahanap nalang ako ng jeep" sabi ko

Tumawa ng mahina si Damon at umilimg. Hindi nya pinansin ang sinabi ko. Binuksan nya ang pinto ng kotse at itinulak ako papasok.

"Baliw ka din eh. Mukha ka ngang basang sisiw tapos mag co-commute ka pa? Tsk ihahatid na kita sa ayaw at gusto mo" sabi niya.

Hindi na lamang ako umimik. Alam ko namang makulit siyang nilalang kaya't hinayaan ko nalang.

Ang buong byahe ay tahimik lang. Nakatitig lamang ako sa daan at patak ng ulan.

Bakit parang ulan ang sinisimbolo ng kalungkutan?

Kapag sa pelikula laging umuulan pag nabibigo ang karakter o di kaya nagluluksa.

Ano ba ang meron sa ulan?

"Lalim ng iniisio mo dyan ah" pag basag ni Damon sa katahimikan.

Tinignan ko naman sya habang siya ay nag mamaneho at tumitingin ng maigi sa daan.

Kamukha niya si Luci ngunit iba ang nararamdaman ko kapag kasama ko sya o si Luci.

"Kwento ka naman" sabi niya

Ano ba maaari kong ikuwento sakanya? Tsk. Alam niya namang hindi ako pala kwento tapos uutusan niya pa akong magkwento.

"Edi wag"

Wow tampo ka na niyan?

"Alam mo ba, yung kaibigan ko, in love na in love sa isang babae hahaha"

Ano namang nakakatawa don?

"It's crazy because konting panahon lang naman sila mag kakilala, but my friend told me na iba talaga ang nararamdaman nya kapag nakakausap niya yung babae o kapag nasisilayan o kahit humihinga lang yung babae parang ang laki ng impact sakanya hahahaha" tuwang tuwa nitang kwento.

"Anong crazy don?" Tanong ko

"It's crazy because napaka unpredictable ng effect ng love. It feels like it is always in disguise pero lantaran ang clue. It's either you'll guess it right na it is love or you'll guess it wrong na it is not love but something else. Love is really a complicated thing though." Pa iling iling niyang sinabi.

Tama siya.

Nakakalito ang pag ibig. Lantaran ang mga signs ngunit ang hirap paring tuklasin kung pag ibig nga ba o hindi.

Pero ano nga ba itong nararamdaman ko kay Luci?

"Possible ba talagang mag ka gusto ka sa maikling panahon?" Sabi ko habang diretso ang tingin sa kalsada.

"Yup, you can never predict when will cupid shoot you with his cruel arrow hahaha pero, there are some scenarios na napagkakamalan nating love yung Fullfilment ng needs natin. Maybe you're really inlove with a person and maybe you're just inlove with the idea of him changing you." Sabi niya.

Ang gulo, ang gulo gulo na.

"Oh, nandito na pala tayo" sabi niya.

Tinignan ko siya ulit. Mukha lang siyang loko loko pero ang dami niya rin palang alam kagaya ni Luci. Magkapatid nga talaga sila.

Tinanggal ko na ang aking seatbelt at inayos kk na ang aking sarili.

"Salamat ah?" Sabi ko at tumango lamang sya.

Bubuksan ko na sana ang pinto nang bigla siyang nag salita,

"Magpakatatag ka, seil"

Marlboro BlackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon