17

1.4K 30 0
                                    


Dalawang linggo na ang nakalipas.

Hindi pumasok si Luci ng dalawang linggo sa eskwelahan.

Bumalik nanaman ako sa dati kong gawi, overthink.

Bakit biglaan siyang nawala ng ganun ganon nalang? Patay rin ba sya?

Hindi ko maintindihan kung bakit kumikirot ang dibdib ko 'pag naiisip kong wala na siya sa tabi ko.

Possible bang gusto ko siya?

Malabo eh. Ilang araw ko palang siya nakaka sama at nakaka usap, gusto agad?

Ayoko na masaktan. Ayoko na umasa. Tama na.

Ngunit merong nag sasabi sa akin na, saktan ko nalang ang aking sarili at hanapin siya muli.

Bakit ganun?

Ang gulo.

Nasa eskwelahan parin ako. Tinatapos ko ang aking research sa library kahit 7pm na. Wala kasing internet connection sa bahay kaya't minabuti ko na lamang na dito gumawa.

Isinantabi ko na muna ang aking pag iisip kay Luci at pinag patuloy ko na gawin ang aking research.

Research.

Sabi nila, lahat ng bagay sa mundo ay isang produkto ng research.

Pati rin ba itong nararamdaman ko ay produkto ng research?

O yung nararamdaman ko mismo ang research upang makilala ko pa mismo ang mundo at ang aking tunay na sarili?

Hays, seil. Masyado kananamang nag iisip.

In-off ko na ang computer ko at nag pasya na akong umuwi na muna sapagka't occupado pa ang aking utak.

Ano ba talaga ang totoo? Bakit ganito ang nararamdaman ko?

Parang namamanhid pero nasasaktan? Pwede ba yun?

Nag lalakad ako na parang multong lumulutang, hindi ko namalayan na yung agos ng ulan at ang aking luha ay sabay na bumagsak.

Nararamdaman din ba ng kalangitan ang aking nararamdaman? Siguro kailangan ko na pumunta do—

"SEIL!!"

Siya ba yon?

Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses na iyon ngunit parang nanlalabo ang aking mga mata. Isang imahe ng lalaking may dalang payong habang tumatakbo sa direksyon ko ang aking nakikita.

Anong ginagawa nya dito?

"Bakit ka nag papa ulan? Baliw ka ba?" Sabi niya at pinayungan ako

"D-Damon?" Tanong ko

Basang basa siya at mukha siyang frustrated ng dahil sa pag papa ulan ko.

"Tara pasok sa sasakyan" sabi niya.

Pumaosk naman ako sa kanyang sasakyan. Hindi na ako sumuway dahil wala narin naman akong magagawa.

"Oh mag punas ka, tapos suot mo to, kita na kaluluwa mo eh" sabi niya habang nakatingin sa ibang direksyon.

Agad akong napatakip ng aking dibdib. Bakat nga ang mga panluob ko. Kinuha ko na agad ang ibinigay nya at ginawa ang kaniyang sinabi.

"Bakit ka ba kasi nag papa ulan? At isa pa, 7pm na bakit andito ka parin?" Sabi niya

Tinignan ko lamang sya at pinag masdan sa kinikilos niya.

Kamukha niya si Luci. Mas malalim ngakang ang kaniyang mga mata.

"Tsk hahaha pambihira! Wala ka talagang ka rea-reaksyon no? Baliw ka atang babae ka."

Umiwas nalang ako ng tingin sakanya at dineretso ko nalang ang aking tingin sa daan.

"At dahil dyan! Mag cocoffee shop tayo!"

=COFFEE SHOP=

"Oh, mainit na kape para sa mukha mong blangko" sabi niya

Hindi na ako tumutol sa pag punta niya ng coffee shop. Mabuti na rin ito. Dahil kapag sa bahay lang ako, si Luci nanaman ang maiisip ko.

"Ganyan ka ba talaga?" Tumingin ako sakanya "wala kang expression? Panu yan nung pinanganak ka, hindi ko umiiyak? Hahahaha grabe ang cool! Kaya idol kita eh!" Sabi niya

Kumunot naman ang noo ko.

"Ano bang problema mo sa mukha ko?" Sabi ko

"Wala, ang ganda kasi eh"

Huh? Nahihibang na tong lalaking to, dapat sakanilang dalawa ng kapatid niya, sinasabuyan ng asin.

"Joke lang Hahahaha kiligin kapa" hindi ko na lamang sya pinansin "bakit nga pala nasa school ka paren? Research yan noh?" Sabi niya at humigop ng kape.

Research

Sa research kailangan ng respondent sa survey sa kung anu man ang tatanungin mo. it's either an interview or a survey questionnaire.

"May tanong ako" sabi ko sakanya

"Sure"

"Para sayo, anong ibig sabihin ng 'i prefer nonsense noise rather than silence'?" Tanong ko

"Hmmm" nilagay niya ang kamay nya sakanyang baba at umaaktong tila ba nag iisip ng kritikal.

"For me, nonsense noise represents someone's noise na walang sense. pero kahit na walang sense, pipiliin mo parin yun ng paulit ulit kasi that someone already have a place in your heart. Mas pipiliin mong bulabugin niya ng mga walang kwentang topic ang utak mo kesa sa manahimik, and I thank you HAHAHAHA"

Pag ka tapos ng mahaba niyang lintanya ay uminom na siya ng kape.

Marlboro BlackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon