15

1.6K 35 3
                                    



12:51

Nakatalukbong ako sa aking kumot at hindi parin ako makatulog.

Napaka galing niya talagang mambulabog ng ang aking isipan.

Dati rati ay natutuwa akong matulog ng maaga kasi yun lang yung tanging pahinga ko sa sakim na mundong ito. ngunit ngayon, hindi na ako makatulog ng dahil sakanya. Nanatiling occupado ang aking isipan simula noong nagkabanggaan kami.

Pero bakit ganun?

Mas masaya. Mas masarap sa pakiramdam ang ingay na nag mumula sakanya?

Ito ba yung sinasabi ni blast?

"Hey stupid" napatingin ako kay Blast.

Ang pogi niya. Kahit madilim ang pogi niya. Ang ganda pa ng mga mata, yung tipong pag tinignan mo ay mawawala ka sa iyong sarili.

"Oh?"

"Come with me" sabi niya

Masunurin naman ako kaya sinundan ko siya.

Sa wakas! Nasa tahimik na environment na ulit ako.

"Hays, ang saya" sabi ko

"Are you having fun inside?" Tanong niya.

Unti unti ko siyang tinignan at ako'y umiling. "Dito ako masaya"

"You're so weird" pa iling iling niyang sabi sabay hithit ng kaniyang yosi.

"I prefer silence over nonsense noise" sabi ko habang naka tingin sa malayo.

Binalot kami ng isang nakakabinging katahimikan at tanging malaming na simoy ng hangin lamang ang nag sisilbing musika sa aking tenga.

"Eh ikaw?" Basag ko sa katahimikan.

"I prefer nonsense noise" sabi niya at humithit "it is making me forget the voices inside my head. The thoughts that are killing me everyday." Sabi niya at umalis na.

Ang gulo.

*Toot *toot

Na pukaw ang aking atensyon sa vibrate ng aking cellphone.

Sino naman kayang mag tetext ng ganitong oras?

From 0924******3:
Psstt! Are you still awake? Luci to.

Si luci? Paano niya nakuha ang numero ko?

Ako:
Paano mo naman nakuha ang number ko?

Nilagyan ko kaagad ng pangalan ang kaniyang number upang ma save sa aking contacts.

From Luci:
Ahh. I got it from my brother. Mag kaklase kayo diba? Damon Lim?

Kaya naman pala Lim din ang ang apelyedo ni Luci. Mag kapatid pala sila.

Hindi naman ako nagulat. Magkahawig sila at pareho silang makulit at pakealamero.

From Luci:
hey are you still there?
Wala kanabang load?
Sendan ba kita?

Ang dami niya namang sinabe parang 'di lang naka reply ng ilang minuto eh.

Ako:
huwag na. May load pa ako.

From luci:
Ah okay. Anong ginagawa mo? Bakit gising ka pa?

Bakit nga ba ako gising? Hays. Hindi ko naman pwedeng sabihin na ang pangungulit niya ang bumubulabog sa aking pag tulog gabi gabi.

From Luci:
Uy!
Uy! Reply
Tulog ka na ba?

Ako:
Gising ako kasi hindi pa ako tulog

From Luci:
Hahahahahaha ang funny mo pala pag sa text. Sana ganyan ka rin sa personal.

Ano bang nakakatawa don? Wala lang talaga akong masagot kaya ayan nalang aking nireply ko.

Ako:
Ewan ko sayo

From Luci:
Tignan mo ang buwan! Ang ganda

Agad naman akong tumayo at dumungaw sa aking bintana.

Nakita ko ang buwan na tila ba parang naka tago sa mga ulap.

Hindi naman maganda ang buwan ngayon ah? Pinag lololoko ako nito!

From Luci:
Huy! Ano na?
Huy!
Maganda ba?
Maganda no?

Ako:
Ang pangit
Nag aksaya pa ako ng enerhiya sa pag tayo.

From luci:
Maganda naman ah!

Ako:
Anong maganda diyan? Eh parang naka tago ang buwan sa mga ulap. Hindi masyadong nasisilayan.

From luci:
Parang ikaw.

Huh?

From Luci:
Parang ikaw yung buwan ngayon. Maganda ngunit nakatago sa sarili mong ulap. Nababalutan ka ng kadiliman at itinatago mo ang iyong sarili sa iyong mga ulap upang hindi nila masilayan ang tunay na ikaw. ngunit kahit nakatago ka at nababalutan ng kadiliman, maganda ka pa rin sa aking paningin. Nabibigyan mo pa rin ng ilaw ang aking buhay.

Marlboro BlackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon