23

1.2K 28 4
                                    


"Wow, a very cute necklace." Sabi nya sabay himas sa pendant.

Nakaupo ako sa puno malapit sa field namin at kasama ko si Daphne.

Ang weird, kasi hindi naman talaga ako nag karoon ng kaibigan pero ngayon hinahayaan ko nang may lumapit sa akin.

Simbolo na ba ito ng improvement? O simbolo lang ito na masasaktan ako ulit?

Hays, overthink nanaman.

"Salamat" tanging tugon ko

"Kanino galing yan?" Tanong niya

"Ahh, kay L-Luci" medyo nahihiya kong sinabi.

Mahihiya talaga ako kasi childhood friend siya ni Luci eh.

"Hmmm okay" sabi niya at tumingin sa malayo.

"Bakit?" Tanong ko

Nakakapagtaka ang kaniyang pag kilos. Biglaan nalang naging seryoso ang mukha niya.

"Sabi daw nila, hindi nag tatagal ang relasyon kapag may nag bigay ng kwintas" sabi niya habang nakatingin sa malayo.

Napatingin din ako sa malayo. Nakakatakot. Maaaring totoo nga ang kanyang sinabi. Pero ano bang magagawa ko? Hindi ko alam ang mangyayare bukas o mamaya. Dapat ko nalang bang hayaan? O protektahan ko nalang ang sarili ko?

"Uy"

Bumalik ako sa aking sarili at tumingin kay Seil.

"Wag kang overthinker dyan ah? Masama yun. We can't overthink things kase 'di naman natin ma cocontrol ang mangyayare" sabi niya at tumayk na "una na ko ah? Byeee"

Tama siya, hindi ko hawak ang mangyayare.

Mas lalo akong natakot kapag naiisip kong maaaring maging masaya na ako at maaaring masaktan nanaman ako muli. Dapag nga bang hayaan ko nalang? O iku—

"yosi girl!"

Naputol nanaman ang aking malalim na pag iisip, nandito na siya.

Naka shoulder bag siya at may hawak na tubig. Napaka simple pero ang gwapo gwapo niya.

Mukha siyang pagod na pagod sa pag takbo kaya't hinihingal siyang umupo sa tabi ko at uminom ng tubig.

Ngunit binalot lang kami ng katahimikan. Wala akong boses na mailalabas ngayon dahil nangangamba parin ako.

"Bakit?"

Tumingin ako sakanya at nag tataka sa kaniyang tinanong.

"Bakit ang lalim ng iniisip mo?" Tanong nya

"Parang di ka sanay sakin ah? Lagi namang malalim iniisip ko" sagot ko

"Ah, ganun ba?" Sabi niya

Bakit parang may kakaiba sakanya? Anong nangyayare sskanya?

"Woah, you two are dating?"

Nanlaki ang mata ko at tumayo ako agad kasabay nang pag tayo ni Luci.

"Ahh ehh ka—"

"Yes" pag putol ni Luci sa sasagutin ko sana kay Damon

Naramdaman ko naman agad ang init ng kanyang mga kamay sa aking mga kamay.

"I see" tumango siya habang tinitignan kaming dalawa "well, mauna na ko" tumalikod sya at umalis.

Bakit parang hindi siya masaya para sa kapatid niya?

Ano bang meron?

Bakit parang kakaiba ang araw na ito? Una, si Daphne tapos ngayon, si Damon. Ang gulo naman.

"Hayaan mo na yun, tara canteen tayo" pag aaya niya

Ngumiti naman ako ng konti at tumango. Tumalikod na rin kami at nag lakad habang hawak hawak niya ang kamay ko.

Sa pamamagitan nang pag hawak niya sa aking kamay ay parang pakiramdam ko na magiging maayos na ang lahat, pakiramdam ko ay malala—

"MAY NAHIMATAY!!" sigaw ng isang estudyante sa campus.

Hindi ko na lamang inintindi yun, ngunit laking gulat ko nung nataranta si Luci at tumakbo pabalik at nakita ko si Damon na naka handusay sa sahig.

————

Na sa Hospital kami ngayon, naka upo sa labas ng kwarto ni Damon. Bawal pang pumasok kaya't nandito muna kami.

Naka tungo lamang si Luci at halatang halata sakanya ang kaba. Nag aalala naman ako kaya't hinawakan ko ang kanyang kamay upang maramdaman niya naman na nandito lang ako sa kaniyang tabi.

Ilang minuto pa ang nakalipas, lumabas na ang doctor sa kwarto at agad naman kaming tumayo.

"Mr. Lim?" Tawag ng doctor

"Yes, doc"

"Let me talk to you, privately"

Umalis na silang dalawa at nag usap. Ano naman kaya ang pinag uusapan nila? Na cu curious tuloy ako. Ano bang sakit ni Damon?

Tumayo ako at tinignan si Damon mula dito sa pintuan. Kamukha nya paka talaga si Luci hahaha kopyang kop—

"WHAT THE F*CK ARE YOU SAYING DOC?! MY MOM IS NOT PAYING YOU TO TELL ME THAT BULLSH*T"

Nagulat ako at ang lahat ng mga tao dito sa hospital.

Sigaw yun ni Luci habang kinu-kwelyuhan niya ang doctor kaya naman agad akong lumapit para pigilan siya.

"Luci tama na" sabi ko

"There's nothing we can do, yun nalang talaga, Mr. Lim" kalmadong sabi ng doctor

"DOCTOR KA DIBA?! TAPOS WALA KANG MAGAWA?!" galit na galit niyang sinabi.

"Luci tama n—"

"ISA KA PA! WAG MOKONG PIGILAN DAHIL WALA KANG ALAM, WAG KANG PAKIALAMERA—"

Sinampal ko siya.

Bakit niya kailangan sabihin yun?

Ibang iba ang Lucing kaharap ko ngayon. Para siyang halimaw.

"Oh my."

Tumigil ang lahat. Tumigil ba? O sadyang mundo ko lang ang tumigil?

"Uhm. Doc, you can go now." Hinawakan ni Daphne ang balikat ko at inalalayan ako "it's better na umuwi kana muna, seil" sabi niya

"Umuwi ka na, at wag kanang mag papakita kahit kailan. Hiwalay na tayo" sabi niya at pumasok sa kwarto ni Damon.

Anong nangyayari? Bakit parang bumaliktad ang mundo ko?

Marlboro BlackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon