7

2.9K 35 1
                                    


Umaga na

Nagising ako sa ingay ng aking alarm clock.

Nabulabog nanaman ang katahimikan na inaasam ko.

Bumangon na ako sa aking kama at nag ayos na para pumasok sa eskwelahan.

Eskwahan

Panibagong araw, wala paring kabuhay buhay.

Ganiyan lagi ang eksena ng buhay ko simula noong nawala ang aking buwan. Ang aking nag iisang liwanag.

Mamaya pang 9am ang aking klase kaya't minabuti ko na lamang pumunta sa soccer field.

Sa di kalayuan ay may punong malaki. Umupo ako at sumandal sa puno.

May naglalarong tanong sa aking utak.

Nabubuhay ako para saan?

Tinitignan ko ang aking paligid. Ang saya ng mga tao. May malungkot, natatakot o naiiyak sa saya.

Samantalang ako?

Eto. Walang emosyon. Walang nararamdaman. Pakiramdam ko tulog ako sapagkat nababalutan ng kadiliman ang aking kapaligiran.

Wala akong pangarap. Wala rin akong rason para mabuhay pa sa mundong ito.

Kung ang pag gising ko ay katulad parin sa pagtulog ko na puro kadiliman ang nasa paligid ko, bakit kaya hindi ko nalang tapusin ang buha—

"Yosi girl!"

Muli nanamang nabulabog ang aking mga iniisip.

Tumingin ako sa nag salita. Tumatakbo sya ng dahan dahan papunta saakin.

"Bakit ka nandito?" Sabi niya at umupo sa tabi ko.

Nakatitig lamang ako sakanya.

"Bakit moko tinititigan? Siguro na po pogian ka sakin no?" Sabi niya at uminom ng tubig.

Tumingin na lamang ako sa malayo at
Sinusubukan ko ulit na makipag usap sa mga boses na nasa utak ko.

"Tsk. Ang boring mo" napatingin ako sakanya "alam mo, mapapanis nalang yang laway mo dahil di ka nag sasalita"

Pakialamero

"Bakit ka nga pala umalis kaagad? Ayaw mo bang mag sulat ng article about sa mga krimen na tutuklasin ko? Ayaw mo ba sumikat kasama ako?"

Kasama ako

Bakit ba lagi niya akong dinadamay sa pangarap niyang halata namang may posibilidad na hindi niya makakamit?

"Asa kang magiging detective ka" sabi ko habang nakatingin sa malayo.

"Ang nega mo naman! Oo naman no! Magiging detective ako! May nilulutas na nga akong mysteryo eh"

"Paniguradong walang kwenta yan at kahit elementary kayang kaya lutasin yang mysteryong sinasabe mo" sabi ko

"Hindi nila malulutas yun no!"

"Oh, baket? Anong mysteryo ba nilulutas mo pang fbi ba ya—"

"Ikaw"

Tulala. Nakatitig lamang sakanya. Wala ng bala ang mga bibig ko kaya't tumahimik na lamang ako at tumingin sakanya.

Ako? Bakit?

Binulabog nya ang aking katahimikan at ngayon mas lalo noyang binulabog ang aking pag iisip.

Bakit mysteryo ang tingin niya saakin? Diba ang mysteryo ay isang mahalagang bagay para sa mga detectives? Pero, bakit?

Para siyang alarm clock ngunit, binubulabog nya ang gising kong diwa.

Marlboro BlackWhere stories live. Discover now