14

1.6K 30 0
                                    



Park

Oo, dito ko siya dinala.

May isang park malapit sa paaralan namin. Para siyang manila bay kung tutuosin pero malinis.

Tahimik. Ang tanging maririnig mo lamang ay ang simoy ng hangin at ang paghampas ng alon sa dagat.

Gustong gusto ko ang mga ganitong lugar. Mapayapa at tahimik. Mas gugustuhin ko ang pagiging tahimik kesa sa pagiging maingay.

Pero bakit ganoon?

Maraming pabor sa kaingayan kesa sa katahimikan. Anong mayroon kaingayan na wala ang katahimikan? Masarap ba sa pakiramdam ang kaingayan? Gusto kong malaman. Gusto kong maging mala—

"HUY!"

Napa dilat ako nang marinig ko ang sigaw na yun. Nagambala nanaman ang aking pag iisip ng dahil sa lalaking ito.

"Galaw galaw baka ma-stroke hahahahahah" pang aasar niya sabay abot ng ice cream.

Hindi na lamang ako nag salita at kinuha ko na lamang ang ice cream na kaniyang binigay.

Pinag mamasdan ko ang pag hampas ng mga alon sa dagat habang kinakain ko ang ice cream na binigay niya.

Biglang may nag rehistro na tanong sa aking utak, boring kaya to para sakany—

"Alam mo, I like this type of date" biglaan niyang sabi.

Nagulat ako. Nababasa niya ba ang isip ko?

Inilipat ko ang aking paningin sa kaniya. Nakatingin rin siya sa malayo habang kinakain ang kaniyang ice cream.

A-Ang gwapo niya.

"It is so refreshing. Stress free hahahaha ang ganda ng ambiance ng park na to" sabi niya

Hindi ako nag salita. Pinag masdan ko lamang siya habang siya ay nakatingin sa malayo.

Sa tagal ng pag mamasid ko sakaniya, hindi ko na malayan na unti unti rin pala siyang tumingin sa'kin. Ngunit hindi ko inalis ang aking paningin, para akong na estatwa.

Yung mukha niya, para siyang anghel. Ang ganda ng kaniyang mata. Kulay asul, kasing kulay ng dagat na aming tinatanaw. Malawak at tila ba parang marami ring misteryo pero hindi mo mahahalata kasi masaya lang siya.

Paano?

"huy!"

Bumalik ako sa aking katinuan nang biglaan siyang sumigaw.

"Lagi kanalang tulala. Gumagamit ka ba?"

Ako?! Gumagamit?! Ng droga?! Hindi pa ako baliw para gawin yun 'no!

"CHE!!!" pag tataray ko sabay tingin sa malayo.

Kumunot ang aking noo. Siguro mukha na akong yuping lata ngayon. Nakasimangot lang ako at tumingin sa malayo.

Narinig ko ang kaniyang mahinang tawa.

Ang sarap pakinggan. Parang isang musika para sa aking tenga ang kaniyang tawa.

"Pahiram ako ng notebook mo at ng ballpen mo" pag basag niya ng katahimikan

"H-Ha?"

"Sabi ko, pahiram ako ng notebook at ballpen mo"

"A-Ah o-okay" sabi ko at kinuha ko ang aking ballpen at notebook sa aking bag.

Kinuha niya agad at ngumiti sita habang may isinusulat sa aking kwaderno.

Ano kaya yung sinusulat niya?

Nang matapos na siyang mag sulat, ibinigay niya na ulit sa akin ang aking kwaderno.

"Tsaka mo na basahin pag uwi mo" nakangiti niyabg sinabi.

Tanging pag tango na lamang ang aking naging tugon.

"Tara na, dumidilim na, hatid na kita sainyo" sabi niya.











PAG KA UWI KO SA BAHAY

Agad kong binuksan ang aking kwaderno sapagkat kanina ko pa nais malaman kung ano ang kaniyang sinulat.

Ikaw ang naiisip ko
Sa parkeng ito
Masyadong tahimik
Hindi manlang umiimik

Ngunit napaka ganda
Wala ng kailangan pa
Walang sinasabi o ginagawa
Ngunit nakakabighani ng sobra.

Marlboro BlackWhere stories live. Discover now