12

1.8K 26 0
                                    

Nakatulala

Hindi ko alam kung bakit ako naka tulala. Wala akong maisip. Mas magulo pa siya kesa mga nagsasalitang boses sa utak ko.

Umiling na lamang ako at kinuha ang librong hiniram ko sa library.

Minabuti ko na lamang magbasa ng libro kesa sa isipin ang mga pinag gagagawa ng lalaking yon.

"Oy yosi girl"

Kung minamalas ka nga naman.

"Kamusta ka? Hindi ka ata pumasok ng tatlong araw ah. Anyare sayo?" Nilagay nya ang kanyang kamay sa aking noo "may sakit ka ba?"

Biglaan ko na lamang naramdaman ang pag iinit ng aking mga pisnge.

"W-Wala akong sakit 'no!" Sabi ko at tinampal ang kanyang kamay.

"Okey sabi mo eh" sabi niya

Nakakapagtaka, bakit hindi siya madaldal ngayon? At parang ilang na ilang siya saakin?

"Anong problema mo?" Tanong ko.

"Ah eh wala naman. Himala! Nauna kang magsalita he he"

Tsk. Halata namang may gusto siyang sabihin. Ayaw lang aminin.

Tumingin ako sakanya at itinaas ko ang isa kong kilay.

"Psh! Fine!" Huminga siya ng malalim at "pwedebakitangayainmagdate?pleasekahitisangbeseslangpaghindinagworktitigilnako" mabilis niyang sinabe

"A-Ano?" Gulat kong tanong

Bumuntong hininga sya "ang sabi ko pwede ba kitang aya—"

"Naiintindihan ko" pag putol ko sa lintanya niya.

Seryoso ba siya?

Marlboro BlackWhere stories live. Discover now