16

1.5K 30 0
                                    


Tinititigan ko ngayon ang hawak kong libro na hiniram sa Library.

Nasa library ako ngayon.

Sinusubukang mapag isa at sinusubukang mag pa balot sa katahimikan ng lugar na ito.

Gusto ko munang mag isip. Ang dami niya masyadong sinabi sa iisang araw. Hindi ko akalain na mas marami pa siyang naiisip kesa saakin. Pero bakit ganon? Kaya niyang sabihin lahat yun ng walang pag aalinlangan?

Tinitignan ko ang librong hawak ko. Kinuha at tinignan ko lamang ngunit hindi ko naman pinag tutuunan ng pansin.

Love story nanaman ang nabunot ko.

Akalain mo yun? Ngayon ko lang napansin? Hays.

"Sabe ko nangaba nandito kalang eh!"

Napatigil nanaman ako sa pag iisip nang marinig ko ang boses niya.

Hays, siguro kahit nasa ka dulo dulohan pa 'ko ng mundo, mahahanap at mahahanap pa ron niya ako.

Sana nga.

"Love story nanaman?" Sabi niya sabay kuha ng libro sa aking kamay.

Tinitignan niya ang bawat pahina ng libro. At heto ako, naka titig lamang sa naka side view niyang mukha.

"Hays. Hopeless romantic ka pala?"

Bumalik ako sa katinuan nung bigla siyang tumingin sa akin.

Nataranta ako sa ginawa niyang pagtingin kaya't agad kong kinuha ang libro sa kaniyang mga kamay.

"P-Pake mo ba?!" Sabi ko at nag kunwari akong nag babasa.

"Hays." Tanging tugon niya.

Habang nag kukunwari akong mag basa, narinig ko ang pag bukas ng zipper ng bag niya.

Nakuha nanaman niya ang aking atensyon.

"Try this" sabi niya at may kinuha siyang maliit na libro na kulay dilaw.

Kinuha ko naman agad.

"Ano to?" Tanong ko

"Tuesdays with Morrie. Si mitch albom ang nag sulat niyan" tinignan ko ng maigi ang libro, simple lang naman siya. "Alam mo, I prefer inspirational books rather than love story books" sabi niya

Hindi ako maka relate. Hindi naman ako nag babasa eh. Tambayan ko lang itong library na ito dahil tahimik at mapayapa.

"Take your time to read that" nakangiti niyang sabi at tsaka siya yumuko.

Dalawang oras pa naman ang vacant ko, pero sa bahay ko na ito babasahin.

"May tanong ako" pag basag ko ng katahimikan.

Agad siyang tumingin sa akin at tila ba para siyang alertong alerto.

Ewan ko ba. Sa natitirang dalawang oras na ito, gusto ko lang siyang kausapin.

"B-Bakit ayaw mo sa love stories?" Tanong ko.

"Hmmm. Hindi naman sa ganun." Sabi nya at umayos siya sa pag upo "It's just my choice to love inspirational stories rather than love stories. Sobrang gasgas kasi ng plot ng love stories nowadays eh, sobrang cliche. Mag kakilala, mag kakatuluyan, moral lesson about sa pag ibig lang, falling action, mag kakatuluyan or minsan hindi. There's a plot twist naman pero sobrang boring kapag puro pag ibig. I want to focus more about life, kasi sakop nito lahat eh. In reading a book, I prefer inspirational kase may impact sya sa buhay ko. Yung love story naman, okay lang, kilig kilig. In my own opinion lang ah" sabi niya

Ang dami niya namang sinabi.

Tumango lamang ako bilang tugon. Wala akong masabi. Totoo naman lahat ng binanggit niya eh.

"LUCI! Luci"

Nag tinginan lahat ng estudyante sa sa entrance ng library nung may sumigaw.

Agad namang tumayo si Luci at nilapitan ang babaeng sumigaw.

May binulong ito kay Luci at agad namang nagulat si Luci.

Dinaanan niya lamang ako ng tingin at umalis na siya kasama nung babae.

Marlboro BlackWhere stories live. Discover now