13

1.7K 25 0
                                    


Nakatayo

Ako sa isang sulok ng mall malapit sa eskwelahan namin.

Oo, pumayag ako sa ideya niyang makipag date sa akin. Hindi ko alam kung bakit pero wala namang masama sa ginagawa ko di 'ba?

"Yosi girl!"

Nagulat ako sa sumigaw sa likuran ko.  Dahan dahan akong lumingon at nakita ko siya.

"Kanina ka pa ba? Bakit ang aga mo? 10:00 ang usapan ah?" Tanong niya.

9:30 pa lang. Bakit nga ba ang aga aga ko? At bakit ang aga niya rin?

"Ah, nainip kasi ako. Wala akong mapuntahan kaya naisipan kong mauna na lang" sabi ko

"Ahh. Bakit hindi ka ang bihis?"

"Wala aking magarang damit" nahihiya kong sinabi.

Kung tutuusin mas maayos pa ang uniporme ng iskwelahan namin kesa sa mga luma kong mga damit kaya't pinili kong ito nalang ang isuot.

"Tsaka bakit ang lalim ng eyebags mo? Di ka manlang nag retouch?" Tanong niya

Retouch? Anu yon?

"Che! Kasalanan ko bang niyaya mo ko? Hmph!" Sabi kk at nag lakad na.

"Saglit lang!" Sabi niya

Mabilis akong mag lakad. Hindi ko rin siya kayang harapin. Ang pangit ko ba? Arghh!! Napaka galing niya talaga sa pag bulabog ng isipan ko!

Dapat di na ako sumang ayon sakanya eh. Wala akong magarang damit o kahit kolorete manlang sa mukha. Mukha akong gusgusing batang nilibre ng estranghero sa daan.

"Uy!" Sabi niya ngubit patuloy pa rin ako sa pag lalakad, "yosi girl!"

Tumigil ako sa pag lalakad at lumingon sakanya. Nakita kong hingal na hingal na siya

"Trip mo bang mag marathon? Sana hindi na tayo sa mall pumunta" hingal niyang sabi

Inirapan ko lamang siya.

Lumapit siya sa akin nt dahan dahan.

B-Bakit ang gwapo niya?

"Saan mo ba talaga gusto pumunta?"

Hmmmm. Sa totoo lang, ayaw ko dito.

Ngumiti lamang ako na para bang may masamang balak bilang tugon sa tanong niya.

Marlboro BlackМесто, где живут истории. Откройте их для себя