22

1.2K 29 1
                                    


"A-Ano?" Gulat niyang tanong.

Tumawa ako ng mahina at tumingin sakanya.

"Ang sabi ko, sinasagot na kita" sagot ko.

Lumapit naman agad siya saakin at tila ba parang takang taka pa rin siya.

"Ano bang sinasabi mo?" Tanong niya

"Eh di 'ba inaya mo ako noon maki pag date? So, sinasagot na k-kita" sabi ko at napakagat na lamang sa aking labi dahil ako ay nahihiya.

"T-Talaga ba?" Gulat at nauutak niyang sinabi.

Yumuko naman ako at tumango.

Tama kaya itong ginagawa ko? Urgh! Seil! Napaka rupok mo talaga!

Gustong gusto ko nang lamunin ako ng lupa ngunit bigla ko na lamang naramdaman ang init ng yakap ni Luci.

Mahigpit at tila ba parang ayaw akong pakawalan.

Sana ay hindi nga.

Ilang minuto akong nakayakap sakanya at pakiramdam ko ay ligtas ako sa kasakiman ng mundo.

Tinitigan niya ako at idinikit niya ang noo nya sa noo ko,

"Mamahalin kita seil, kahit sa huling hininga ko pa" sabi niya.

Iminulat ko ang aking mata sabay paghulma ng ngiti sa aking mga labi.

Umaga na! At medyo late na ako kaya't binilisan ko na lamang ang pag kilos upang makaabot sa klase.

Masaya akong naglalakad patungo sa aking eskwelahan. Mukha man akong tanga pero balewala na yon.

Nakapasok na ako sa aming classroom at umupo na agad ako sa aking upuan.

"Woah"

Lumingon ako upang tignan kung sino ang sumigaw, si Damon lang pala.

"Bakit?" Tanong ko

Mukha siyang gulat na gulat na para bang naka kita siya ng isang himala o multo.

Umiling lamang siya at bumalik sa kanyang upuan.

Napailing rin ako sapagkat mukha siyang nasisiraan ng bait.

Maayos naman ang dicussion ng prof namin ngunit hindi ko mapigilang isipin si Luci. Hays, concentrate, seil!

Pagkatapos ng ilang oras na lecture, break time na!

Kung dati ay diretso ako sa canteen, ngayon naman ay diretso ako sa cr.

Tumapat ako sa salamin, binuksan ko ang aling nag at hinanap ang binigay sa 'kin ni Daphne.

Pero paano gamitin 'to?

"Oh, seil! You're here" sabi niya at nakangiti.

Nagulat ako ngunit nag mamadali parin ako.

Tinitignan ko lamang siya na nag aayos sa tabi ko.

Ang ganda niya, hindi niya na ata kailangan ng kahit anong kolorete sa mukha upang gumanda.

"Bakit? May something ba sa mukha ko?" Tanong niya

Nanlaki naman ang aking mga mata at agad akong umiling.

"H-Hindi 'no! Ang ganda ganda mo kaya" kabado kong sinabi.

Napatawa naman sya ng mahina sabay tingin sa hawak ko.

"Let me guess" sabi niya at umactong nag iisip "hindi mo alam kung paano gamitin no?" Sabi niya

Marlboro BlackWo Geschichten leben. Entdecke jetzt