20

1.3K 30 0
                                    


"Miss?"

Nagulat ako. Iminulat ko ang aking mata nang dahan dahan.

Nakikita kong may ice cream sa gilid ko kaya't dali dali akong lumingon ngunit—

"Ice cream, miss"

"Ah, kuya wag na po" nahihiya kong sabi.

"Nako, sayang naman. Nakakalungkot naman" sabi ni kuya.

Seryoso ba sya? Hays.

Kinuha ko na ang ice cream upang hindi na malungkot si kuya.

"Nga pala miss, sya nag bigay nyan"

Laking gulat ko nung tinuro nya ang lalaki na nasa labas ng kanyang tindahan.

L-Luci?

"Thank you kuya hehe" sabi nya

Hindi ako maka imik, totoo ba? Siya ba talaga 'to?

"Sorry ah? Si kuya na pina abot ko ng ice cream kasi mukhang ang lalim ng iniisio mo baka mamaya tarayan mo nanaman ako" sabi niya sabay kamot sa kaniyang ulo.

Totoo nga. Si Luci nga ito.

Ang mukha nya, ang boses nya, ang ngiti nya, at higit sa lahat ang presensya nya ay nandito na muli.

"U-Uy" kabado niyang sabi

Tumingin lang ako sakanya.

"Minamaligno ka ba? Bakit naka ngiti ka? May lagnat ka ba?" Sabi niya sabay hipo sa noo ko.

Tinignan ko naman siya ng masama at pagkatapos ay tumingin na ukit ako sa dagat at umupo naman siya sa tabi ko.

"Ang ganda ng ngiti mo"

Napatigil ako sa pag dil ng aking ice cream at tumingin ako sakanya.

"Sana masilayan ko yan araw araw habang nabubuhay pa 'ko" sabi niya habang nakangiti at nakatingin sa malayo.

Nakatulala lamang ako.

"Pasensya kana" tumingin siya saakin "hindi ako nakapag paalam nung umabsent ako ng ilang araw"

Tumango na lamang ako.

Ang importante nag balik ka.

"Damon is going to be blind." Sabi niya.

Nagulat ako sa aking narinig. Bakit naman mabubulag si Damon? Okay lang naman siya noong nakaraan ah?

"And he needs an eye transplant" sabi niya.

Binalot lamang kami ng katahimikan. Hindi ko rin alam ang sasabihin ko.

"Pero I'm sure he's gonna be okay hahahaha kupal yun eh." Tumatawa niyang sinabi "moving on, I've read a lot of love stories when I was absent" sabi niya.

"Ano namang stories?" Tanong ko

"Hmm fairytales. I tried reading fairytales kasi lagi mong binabasa yun sa library eh hahaha tinitignan ko lang kung ano bang nakikita mo sa fairytales" sabi niya.

Natawa ako ng palihim, hindi niya alam, na ginagamit ko lang ang mga librong yun para pagtaguan siya dati pero ngayon,

Hindi na ako mag tatago, mananatili na ako sa tabi mo.

"Ano namang na tutunan mo?" Tanong ko.

"Laging happy ending ang kasal. Corny hahahaha" sabi nya

Sabagay, hindi naman kasi totoo.

"They're wrong" napatingin naman agad ako sakanya "para sakin, yung story na may happy ending ay hindi nag wawakas sa kasal or sa successful confesion. For me, happy ending means two people are having each other in their hearts no matter what happens. Magkahiwalay man o magkasama."

Marlboro BlackWhere stories live. Discover now